Chapter 1

191 103 71
                                    

Hingal na hingal akong bumangon mula sa pagkakatulog ko. Sa sobrang inis ay pinagpapalo ko ang unan sa tabi ko.

It's that fucking dream again.

I looked at the clock on my bedside table. Four in the morning.

"Argh!" Sigaw ko at sinabunutan ang sarili. Wala namang makakarinig sa'kin dahil soundproof ang bawat kwarto sa mansion at isa pa, dalawa lang kami ni kuya ang nandito sa mansion at malayo naman ang kwarto n'ya sa'kin.

Isinubsob ko pa ang mukha ko sa unan at pinagsisipa ang kama bago bumangon. Napag-isip ko na mag-jogging nalang.

I wore a black tank top, gray leggings, and my white sneakers. I tied my hair up into a high ponytail. After making sure I looked decent enough, lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa main doors.

Tahimik ang buong bahay. Perfect timing. Walang iistorbo.

Bata palang ako ay hindi na 'ko pinalalabas ni Kuya ng mansion. Para bang may dark secret ang mundo at hindi ko pwedeng malaman 'yon. 

Pero ngayon, I make my own rules.

Nag-homeschool lang din ako buong buhay ko. Kaya ngayon ay masyado akong naeexcite dahil ipapasok na ako ni kuya sa school. 

Then, I suddenly remembered, I won't go to school to learn and make friends, but to destroy our enemies, our enemies' children...

I strutted outside, pagkalabas sa main doors, nasilayan ko ang aming private pool–glistening under the dim lights, calling my name. Pero hindi 'yan ang target ko.

As I made my way to the gate, hindi maiiwasan ang mga guards. Seseryoso ng mga mukha. So dramatic naman. Action movie ba 'to?

Siyempre, may eepal.

"Get out of my way." Maawtoridad kong utos dito.

"Ms. Kaeira, hindi po kayo pwedeng lumabas." Mahinahon ito at halata ko ang takot sa mata n'ya.

I slowly turned to him, raising my unimpressed brow. "Sino may sabi?" 

"A-ang kuya n'yo po."

"The fuck I care?" Sarkastiko ko s'yang sinagot at naglakad na papunta sa gate.

I stopped pagdating ko sa gate. Paano ba 'to buksan?

"Buksan mo." Nakita kong nagdadalawang isip pa s'ya kaya naisip kong takutin ito.

"Unlock the gate now." Dali dali s'yang pumasok sa guard house. A few seconds lates, the massive gate clicked open.

Great!

Nilingon ko si kuyang takot pa'rin at nakakalokong ngisi ang binigay ko sa kan'ya.

"I'll come back in any hour, 'wag kang magsusumbong kundi puputulin ko 'yang-" Matalim ang tingin ko dito at maawtoridad. Tumango s'ya at iniwas ang tingin sa'kin.

Tss. He's too dumb to be part of our family's organization.

Nang makalabas ako ay wala namang espesyal sa nakikita ko. Sa tingin ko ay nasa pinakadulo kami ng village.

I just started jogging hanggang sa may makita na akong malalaking bahay magkabilaan, pero mas malaki pa'rin ang bahay namin, kaya nga siguro nasa dulo iyon ay dahil iyon ang pinakamalaki. It was almost peaceful until...

Nagulat ako nang may makita akong asong nakatingin sa akin. Tumahol ito kaya lalo akong napahakbang pabalik pero nakatingin pa'rin dito nang bigla itong lumakad palapit sa'kin.

"H-help." Halos pabulong ko itong isinambit. Paatras pa'rin ako nang paatras pero lumalapit pa'rin ito sa'kin.

"Oh, my God. Help!" Naiiyak na ako. Kahit kailan ay hindi pa ako nakaharap ng aso sa buong buhay ko, sa internet ko lang sila nakita at doon mababait sila.

Mischievous Girl On A MissionWhere stories live. Discover now