“Sigurado ka bang pupunta ka?" Nag-aalalang boses ni Caramel habang naglalakad kami palabas ng school.
"May dahilan ba para 'di ako pumunta, Caramel?" May idea naman na ako.
"Sasabihin ko sayo, Zarlyah. Dati pa nila 'to ginagawa sa mga scholar naming classmates. Grabe nga at gusto ka na nilang paalisin agad ngayong kakapasok mo lang."
"They'll give you a drink na may drugs. Ang hirap i-explain. Ganto nalang, 'yong last scholar na binigyan nila ng party noon, si Renz. Marami silang pinainom na drink with drugs sa kan'ya, akala ni Renz katuwaan lang kaya inom s'ya nang inom." Nakikinig lang ako sa kan'ya habang naglalakad kami.
"Kinabukasan, may isa pang scholar from other class na bugbog sarado. She's saying na si Renz ang may gawa non dahil lang daw hindi s'ya pinagbigyan sa gusto n'ya. Tapos nagbigay naman ng statement 'yong classmates natin. Lahat sila sinasabing nakadrugs si Renz. He tried to defend and prove himself kaso nagpositive s'ya sa drug test at sad'yang malakas ang connections ng classmates natin. Then, expulsion na. Naawa nga ako kay Renz."
----
Naiinis akong namimili ng mga damit sa mga pinamili sa'kin ni kuya.
Pa'no ba naman, hindi ko masusuot 'yong mga naggagandahan kong damit!
Mas lalong nagsalubong ang kilay ko sa nakita. Floral puff sleeved dress? Seriously, kuya?
Tumingin pa ako ng iba at sa huli ay may nakita rin akong pwede na para sa'kin.
I looked at myself in the mirror, wearing this black cowl-neck satin dress that's below my knee paired with black stiletto heels.
Too bad I don't have my jewelry and bags here.
Bagay na bagay ito sa maganda at makinis kong balat. Wala namang bago, sexy pa'rin ako.
Naalala ko yung mga sinabi sa'kin ni Caramel kanina.
Expected. Sa lakas ng kapit nila ay sigurado akong makapapatay sila na walang ibang nakakaalam. Ang sasama talaga.
Kinuha ko ang phone ko at nagmessage kung nasaan na s'ya.
Ang kulit naman kasi ni Caramel, susunduin daw ako. Pwede namang sabihin nalang kung saan 'yong address nila.
Gaya ng dati, nilagay ko sa thigh holster 'yong tactical knife ko nang may kumatok sa pinto. Si Caramel.
"Grabe naman sa lugar mo, kung makatingin 'yong mga tao. Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? OMG. Ang ganda mo, girl!" Kasabay ng pagbukas ko ng pinto ay ang pagbukas ng madaldal n'yang bibig, ginagala pa ang mata sa loob ng apartment ko.
She's wearing a brown backless criss cross dress paired with beige stiletto heels. She's also wearing bvlgari serpenti viper earrings and a gold necklace na may pendant na singsing.
We have the same earrings. Gusto kong magdabog. Wala manlang akong suot na accessories!
"Tara na." Ani ko at akmang lalabas na.
"Sandali lang! Paupo muna 'ko and pengeng water." Pigil n'ya at dire-diretsong pumasok ng bahay ko at naupo sa sofa.
"Ang konti naman naman ng mga gamit mo dito." Tumayo s'ya at nag-iikot ang mata, kumuha 'ko ng tubig sa refrigerator at nilagyan s'ya sa baso.
YOU ARE READING
Mischievous Girl On A Mission
Ficción GeneralShe's Kaeira, her mission is to destroy them... Kaeira Wilson, bata pa lamang ay itinatak na sa kan'yang isipan na ipaghiganti ang kan'yang pamilya at ang organisasyon nila. At ngayong handa na s'ya, ipinlanta siya ng kan'yang kapatid sa eskwelaha...