-------------------------------------
---------------------------
Chapter 4New Family
Member
---------------------------
--------------------------------------NAALIMPUNGATAN ako at dahan-dahang iminulat ang mga mata ko. Kumurap muna ako ng ilang beses nang luminaw na ang paningin ko. Napabalikwas ako ng bangon at nilibot ang paningin ko sa buong silid. Ito na ba yung magiging kuwarto ko? Nandito na ako? Paano?
Inalala ko nang mabuti kung ano nangyari kanina. Dinala ako ng ermats ko sa sosyaling bahay, may guwapong butler na nag guide sa amin, at nakilala ang pamilya ko raw sa ama base sa usapan nila. Pero hindi ako chismosa ah? Narinig ko lang kasi naroon din ako. Pagkatapos ay nagpatuloy sila sa usapan pero pinagpahinga ako ng matandang guwapo na lolo ko ata. Dinala ako ni guwapong butler sa magiging kuwarto ko pero bago pa ako makapunta sa kuwarto ay nakatulog ako sa sobrang pagod.
Sino ba namang hindi mapapagod kung naglakad kami ng napakahaba ng ermats ko at dinagdagan pa nila ako ng iisipin kung ano na ang mangyayari sa akin. Grabe bata pa lang ako binigyan pa ako ng stress.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari sa'kin ngayon, masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi pa rin nagsisink-in sa kokote ko na nasa ibang katauhan na ko o katawan lang? Ako pa rin naman ito pero na sa ibang katawan lang.
Ano na bang gagawin ko? Anong gagawin ko rito? Ano na ang mangyayari? Naguguluhan pa rin ako, parang gusto ko na lang itulog ulit dahil dinagdagan na naman stress ko. Mas malala pa ata 'to kaysa sa mga schoolworks ko. Napapraning na ko kakaisip at katatanong na hindi ko rin mahahanap ang kasagutan. Sige na nga, mamaya ko nalang ulit iisipin at itutulog ko na lang ulit 'to, ayokong may ibang tao na naman akong makita.
Humiga muli ako sa higaan at nang saktong pagpikit ko ay nakarinig ako ng marahas na pagbukas ng pinto. Tiningnan ko ang pinagmulan ng ingay at bumungad sa akin ang batang lalaki na nakabusangot ang mukha na tiningnan rin ako.
Sino na naman 'to?
Kasasabi ko lang na ayokong makakakita ng tao ngayon dahil wala pa ko sa wisyo dahil sa nangyayari ngayon sa'kin. Malalaking hakbang na nilapitan ako ng batang lalaki na mukhang hindi nalalayo sa lima o anim na taong gulang. Napalitan ang busangot nitong mukha na tinaliman naman ako ng tingin.
Hays, ayoko munang makipagtalo sa bata. Hindi pa naman ako mahilig sa bata nakakairita. Lihim kong tinirik paikot ang aking mga mata at hindi na lamang pinansin ang bata at ipinikit ko na lamang muli ang mga mata. Bahala siya diyan, kaya ko naman siyang paiyakin kaso baka malagot ako, hindi ko pa naman kilala ang mga tao rito sa mala-palasyong bahay na 'to. Baka bigla akong itapon pahagis sa labas, edi bumalik ako sa ermats kong aggressive? Ayokong ma-torture sa bruhang 'yon noh. Maikli lang pasensya ko kaya nagpipigil ako dahil sa katawan na meron ako.
"Hey! You mutt!" sigaw nito.
Hindi ko siya pinansin at nagtulug-tulugan pa rin ako. Magsasawa rin 'to, pero kapag nagmatigas pa pasensyahan na lang talaga.
"Get out of here! You don't belong here!" galit na sigaw nito.
Wala ka nang magagawa boy, dito na ko maninirahan sa ayaw at gusto ko rin. Hindi ko alam kung sino ka pero kung related tayo sa isa't isa ay hindi ko rin gugustuhin na makasama ka sa iisang bubong. Kaninong anak ba 'to, halatang spoiled brat.
"I don't like you! Get out!"
Naramdaman ko lang presensya mo kanina, ayoko na agad sa'yo. Akala mo naman gustung-gusto rin kita. Hindi ako didilat dito, bahala ka magmukhang tanga riyan.
"We don't need a trash and a commoner like you! You little mutt!"
Grabe ang bata pa nito pero kung anu-ano na lamang pinagsasabi nito. Kulang ata ito sa pagdidisiplina sa bata eh, hindi siguro siya mahal ng pamilya niya kaya sa'kin nalang binunton. Mga bata nga naman.
Ang sasakit niyo sa ulo!
"Hey! I said get out now!"
Grabe naman makasigaw nito daig pa babae sakit sa tainga. Wala akong ganang bumangon sa pagkakahiga at tinapunan ko siya ng nakababagot na tingin.
Wala akong balak makipag away-bata sa kaniya. Lalo na't pinakaayoko pa naman sa bata. Alam kong bata sila at normal lang sa kanila maging makulit, maingay, walang isip, nakakairita at kung ano pa. Kaya nilalayuan ko mga ito eh.
"What? Why are you staring like that? Do you want a fight?" nanghahamong ika nito.
Naneto, ikaw itong nanghahamon at nagpapasimula ng gulo eh.
Tinaasan ko siya ng kilay at mas lalong sumama ang ekspresyon niya.
"You! You don't belong here!" sigaw ulit nito.
Pinakatitigan ko lang siya, in fairness cute siya at talagang may hitsura ang bata pero di man lang bumawi sa ugali.
"Hmmm...so?" walang ganang saad ko.
Nakita kong nanggigigil na siya kaya nagulat ako sa ginawa niyang paglapit sa'kin at tinulak ako nang pagkalakas-lakas. Napadaing ako dahil sa mga kamay nitong nilapat sa katawan ko para itulak ako. Nakakagulat naman ang lakas ng batang 'to. Mabuti na lamang ay na sa higaan pa rin ako at malaki ang higaan, kung maliit lang ito ay baka nahulog na ko sa kama.
Sinamaan ko siya ng tingin at salubong na salubong ang mga kilay kong nakatingin sa kaniya. Naaasar na ko. Nakakairitang nilalang.
"Serves you right! You don't belong here trash-mutt!" nakapang-aasar na ngisi nito.
Hindi muna kaagad ako nakagalaw at nanatiling matalim ang mga tingin ko. Kailangan kong kumalma, magkakagulo talaga dito. Wala naman akong ginagawa sa batang 'to pero ang lakas makapikon at makaubos ng pasensya. Hindi ba nila ito tinuturuan ng magandang asal?
"Hey..." nag-iba yung pakiramdam ko sa kaniya nang biglang mag-iba ang ekspresyon niya, nakakatakot. Paano nagagawa ng batang ito ipakita ang ganiyang ekspresyon na akala mo'y papatay ng tao. "If you don't leave here immediately it means that you're ready to die...right here." nanlalaki ang mga mata nitong matalim pa rin na nakatutok sa akin.
"I will not accept you in this family, and I will never consider you part of this family. Don't think that I'll spread my arms to you and give you a warm welcome. Dirty mutt."
Haist.
Inaasahan ko na may ganitong eksena pag illegitimate child ka. Ano pa nga bang magagawa ko kung isa akong salot sa paningin nila. Eh sino ba dapat sisihin dito? Diba yung parents? Kung hindi ba naman sila mga isa't kalahating mga bobong nilalang, pati bata idadamay sa mga kasalanan nila. Duh! Ako ang biktima dito! Hindi ko alam ang buong kuwento pero sure akong anak ako sa labas, at ako pa talaga may kasalanan kasi nandito ako?
Hindi ko rin naman gugustuhin nandito dahil hindi naman ako taga rito.
Pumikit ako ng ilang sandali at putak pa rin nang putak ang batang ito, pinipilit ko nga kumalma napakaingay mo. Hindi na ko nakatiis kaya bumaba ako sa higaan. Pusang gala iyan, nawala sa loob ko na mataas nga pala yung kama pero nagawa kong bumaba nang biglaan. Natakot ako bigla.
"Hey! What are you doing?"
Hindi ko siya pinansin at huminga ng malalim dahil kinabahan ako sa ginawa ko, bwiset ang taas buti hindi ako napilayan. Mas lalo na naman dumagdag ang inis ko.
Mabilis ko siyang nilingon at binigyan rin siya ng matalim na tingin at malalaking hakbang na lumapit sa kaniya at sa abot ng makakaya ko ay binigyan ko siya ng isang pagkalakas-lakas na sampal na ikinanlaki ng mga mata niya sa gulat.
"DUMBO SHIT!"
![](https://img.wattpad.com/cover/298257083-288-k648626.jpg)
BINABASA MO ANG
I Need To Get Away From This Family (ON-GOING)
Humor( O N - G O I N G ) Why? Why did I even end up in this family that i don't even know? Why in such a strange family !? My father doesn't care about me but ...Why the hell is so clingy on me today!? "Does my pretty daughter upset about something...