PROLOGUE

19 9 1
                                    

                           PROLOGUE

"Bangon na diyan, Sky! Pasikat na ang araw!" Halos mabingi ako sa paulit-ulit na pagyugyog ni Mama sa akin. "Ito na po!" Kahit antok na antok, pinilit kong idilat ang mga mata at tinignan ang buong paligid ng kwarto ko. Masasabi ko nga bang kwarto ko ito kung apat kaming natutulog dito? Pinagmasdan ko ang mga kapatid ko na sobrang himbing ng tulog. "Wow, sana maranasan ko rin yan, diba." Nagdadabog man ang aking kalooban, wala akong choice kundi ang bumangon.

"Halos sampung beses na kitang tinawag, Sky! Hindi ka man lang nagising! Alam mo naman na kukuha pa tayo ng paninda kay Aling Baby. Kapag wala tayong magandang nakuha, tatamaan ka sa akin!" Sermon agad ang sumalubong sa akin pagkababa ko sa hagdan. Simple lang naman ang bahay namin, dalawang palapag na gawa sa kahoy ang sahig at ang unang palapag ay gawa sa bato. Ang ikalawang palapag ay gawa lamang sa pinaghalong hardwoods (narra at molave) at softwoods (pine). Minana ito ni Mama sa yumao niyang ama, si Lolo Lucas, kaya wala kaming problema pagdating sa bayarin sa bahay. "Ma, anong pasikat na ang araw? Alas tres pa lang ng madaling araw oh." Itinuro ko pa ang aming antique na wall clock. Kung tutuusin, sa mga oras na ito, dapat ay natutulog pa ako kasi may klase pa ako mamaya, ngunit tila walang pakialam si Mama kung pumasok ako ng kulang sa tulog. "Hay naku, mangangatwiran ka pa talaga. Bilisan mo na ang kilos mo at nang makaalis na tayo!"

"Opo Ma!" Papungay-pungay pa ang aking mata dahil sa sobrang antok. Nag-review pa kasi ako kagabi dahil may quiz kami sa Biology mamaya. "Haysst, sana naman hindi ako bumagsak. First subject ko pa naman yun!" ginulo at sinabunutan ko ng badhaya ang aking buhok para na rin magising kahit papaano. Tinungo ko na ang aming banyo at binilisan ang pagligo. "Ohhh!" Halos mapasigaw ako sa sobrang lamig ng tubig. "Bakit ba kasi ang lamig ng tubig kapag madaling araw!" pagrereklamo ko sa isipan.

"Dinala mo na ba ang basket?" "Opo Ma, dala ko na pati na din yung eco bag na malaki para may paglagyan pa tayo ng mga gamit natin." Ang tinutukoy namin na paninda ay ang mga isda na kinukuha pa namin kay Aling Baby. "Tsaka Ma, sure akong kahit tira-tira na lang ang makuha natin, fresh pa din yun. Remember, we are considered the seafood capital of the Philippines!" Proud kong sagot sa kanya, tinutukoy ang lugar kung saan ako ipinanganak at lumaki—saan pa nga ba kundi sa tinaguriang seafood capital of the Philippines, Roxas City. Kilala ang lugar namin sa iba't-ibang panig ng Pilipinas na dito matatagpuan ang mga fresh from the sea na mga crabs, lobsters, mussels, shells, at iba't-ibang uri ng isda kaya madalas puntahan ng mga turista.

"Ewan ko sayo bata ka, halika na nga at nang makapag-ayos tayo ng maaga sa pwesto natin."

"Sunny! Isara mo ang pinto pag-alis namin ng ate mo. Wag mo rin kalimutan pakainin si Astrid." Si Sunny ay pang-apat sa pito kong kapatid. Oo, pito kaming magkakapatid. Ganto kasipag ang mga magulang ko, hindi lang sa hanapbuhay kundi sa paggawa rin ng bata.

"Opo, Ma!" "Mag-ingat kayo ni Ate Sky!" Kumaway pa ito sa amin. "Ma! Mama!" Agad na napalingon si Mama sa tumawag sa kanya. "Ma, yung sinabi ko sa inyo kagabi. Wag mong sabihing hindi mo na maalala?" "Ah, yun ba. Wala pa kasing extra na pera ako ngayon, Hunter, kaya wala akong maibibigay sayo." "Edi sana hindi na kayo nangako na magbibigay kayo, kung wala rin pala kayong maibibigay na pera!" Halos pasigaw na tugon nito kay Mama. "Kuya naman, hindi mo naman kailangan pang taasan ng boses si Mama. Ang lapit nyo naman sa isa't-isa." "Pwede ba wag ka na naman mag pa bida-bida dito, Sky!" "Ang sa akin lang, Kuya, dapat hindi ka ganyan magsalita kay Mama." "Wow, so ano, mali na naman ako at ikaw ang tama! Sabagay lagi ka naman ganyan. Ano pa nga ba ang aasahan ko bukod sa pagiging bida-bida ay ambisyosa ka din!" "Tama na yan, Kuya at Ate! Nakakahiya baka madinig na tayo ng mga kapitbahay sa sigawan nyo kaaga-aga." Ganito ang madalas naming set-up ng Kuya Hunter ko—bangayan dito, bangayan doon. Sa edad na 32, walang matinong trabaho, nakuha pa ang magbisyo—inom dito, sigarilyo at higit sa lahat pagsusugal. Daig nya pa ang may trabaho kung gumastos. "Tama na yan, Sky. Wag mo nang sagutin ang Kuya Hunter mo, hindi yan maganda!" Pagalit na saway ni Mama sa akin. "At ano ang tama, Ma, ang pagtaasan ka nya ng boses?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya nasagot ko na din si Mama. Hinahayaan lamang kasi niya ang ugali na ganito ni Kuya. Kung nabubuhay lamang si Papa, maari ay hindi siya nito magaganyan. Istrikto si Papa pagdating sa pagpapalaki sa amin. Madaming bawal, maraming rules. Once na may labagin ka, may matindi kang parusa. Namatay si Papa dalawang taon na ang nakararaan dahil sa sakit na heart attack. Biglaan ang nangyari, bigla na lang siyang inatake sa trabaho na di kalaunan ay ikinamatay niya. "Tignan mo, Ma, ang magaling mong anak. Kung sagot-sagutin ka ay ganyan na lang!" Itinuro pa ako nito dahilan para pagkatitigan ko siya ng masama. "Hindi ba kayo titigil na dalawa? Kukuha na lang ako ng tig-iisang kutsilyo ng matapos na ang gulo niyo!" "Pasensya na, Ma." At sa huli, ako pa din ang hihingi ng tawad. Ganito ang madalas naming set-up ng magkapatid simula ng magkasakit si Papa hanggang sa ito ay mawalan na ng hininga. "Oh ito, Hunter, kunin mo na muna at nang magamit mo pang asikaso ng mga requirements para sa pag-aapplyan mo na trabaho." Agad na kinuha ni Kuya ang binigay ni Mama na limang daang piso na sa tingin ko ay pangdagdag sa puhunan niya. "Good luck, Kuya. Sana matanggap ka sa pinag-aapplyan mo." Pabulong na turan ko. Ganito kasi ang lagi niyang alibi tuwing walang pampusta sa sugal, ang sasabihin na maghahanap ng trabaho at mag-aasikaso ng requirements na hindi naman totoo.

SKY CHASER DREAMER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon