CHAPTER TWO
"Good morning, My Sky!" isang malaking ngiti agad ang bungad sa akin ni Apollo, ang boy best friend namin ni Amanda. Bukod kay Amanda, si Apollo ay isa sa pinaka malapit na kaibigan ko. Hindi tulad ni Amanda na kababata ko, nagkakilala kami ni Apollo dahil ang Mommy Trina niya ay isa sa suki ni Mama. Di kalaunan, naging magkaibigan kami at pareho kaming nag-aral sa iisang school simula high school at maging sa senior high school, kung saan naging mag-classmate kami sa strand na STEM. Tulad ko, gusto din niyang maging doctor (pediatrician) dahil mahilig siya sa mga baby. Ako naman, I want to become a neurologist because I want to have a deeper understanding of how to treat neurological diseases. Whenever I read books about the brain, I feel like this is what I am meant to do. It's fascinating to understand how the brain works and how it affects our thoughts and behavior, and I also want to help people with neurological disorders and give them hope. Sa tuwing naiisip ko ang ganitong bagay, mas lalo akong nagkakaroon ng lakas ng loob para ipagpatuloy ang pag-aaral nito.
"Walang good sa morning ko!" singhal ko agad sa kanya na ikinatawa naman niya.
"Makita mo lang ang isang Apollo sa umaga, tiyak gaganda talaga ang morning mo."
"Ewan ko sa iyo, Apollo, sira na nga araw ko sisirain mo pa!" pagsungit ko pa. Pinagpatuloy ko na lang ang pag-aayos ng mga paninda namin, kanina ko pa talaga minamadali ang pag-aayos. Mahigit ilang minuto na lang at first period na namin. Ayaw ko pa naman ang malalate, mahaba pa man din ang pila sa sakayan ng jeep. Dalawang sakay ang layo ng school na pinapasukan ko simula sa bahay, pero kung sasakay ka naman mula sa pwesto namin sa palengke, ay isang sakay lang ito, mahigit 45 minutes ang biyahe. Kaya naman inaagahan ko ang pag-alis. Ang start ng class namin ay 7am, kaya naman 5:30 pa lang ay umaalis na ako kung nasa bahay ako galing. Kung sa may tindahan naman ang alis ko, ay 6:20am. Panay ang silip ko sa orasan, pasado alas-sais na, wala pa rin si Mama. Ang habilin niya bago umalis ay sasaglit lang muna sa bahay para kunin ang kapatid ko na si Astrid, ang bunso namin na anim na taong gulang pa lamang ito.
"May sakit kasi si Astrid kaya umalis muna si Mama. Ang kaso ang kanina na saglit ay naging isang oras na," paghihimotok ko na sagot. Ayos lang sana kung late ang prof ko sa first subject, ang kaso yung prof ko pa naman ngayon ay yung strict kong prof, ayaw pa naman nun sa mga late.
"Sabay ka na lang sa akin, ako na ang maghahatid sa iyo papasok."
"Talaga? Free?" Ito na naman tayo sa mga para-paraan ko na basta libre on the go agad. Nagiging practical lang ako noh!
"Kailan ba ako nanghingil sa iyo?"
"Kahit nga yung pagmamahal ko hindi mo man lang sinusuklian!" hinawakan pa nito ang kanyang puso na tila nasasaktan.
"Ang aga-aga nambubwisit ka na naman!" Hindi na lingid sa aming kaalaman ni Amanda na may gusto ito sa akin. Nag-confess siya ng feelings noong graduation namin sa senior high school. I was eighteen that time. Mabait, handsome, galing sa mayamang pamilya, family-oriented-ilan lamang ito sa magagandang katangian na makikita mo kay Apollo. Kaya naman malabong hindi siya magustuhan ninuman. Ang kaso, kung ako talaga ang tatanungin, ayos naman kung maging boyfriend ko si Apollo. Ngunit alam ko na hindi sasang-ayon sa akin si Mama. Mahigpit na bilin ni Mama sa akin, kung magbo-boyfriend lang din naman ako, mas maganda nang huwag na ako mag-sayang ng oras sa pag-aaral. Kahit pa sabihin na nasa tamang edad na ako. Madalas niyang sinasabi na kapag daw nag-boyfriend na ako, mag-aasawa na. Pero ito ay hindi ko man lang naiisip dahil para sa akin ay hindi naman tayo sure sa buhay kung ang magiging boyfriend ba natin ang siyang magiging asawa at katuwang panghabangbuhay. Kaya ang pagpasok sa pagiging magkasintahan ay daan lamang upang mas lalo nating makilala ang taong ating minamahal.
BINABASA MO ANG
SKY CHASER DREAMER
RomanceIf no one believes in you, would you still trust yourself? Would you continue to pursue your goal? The common societal concept is that instead of letting you achieve your dreams, people will try to bring you down, humiliate you in front of others, a...