CHAPTER ONE

16 6 2
                                    

                       CHAPTER ONE

"Bebs, may notes ka ba ng last discussion ni Ma'am sa Lab?"

"Syempre naman, nagsulat talaga ako kasi alam ko na manghihiram ka."

"Kaya bestie tayo! We can read our minds."

"Anong 'we can read our minds,' telepathy lang ang datingan, te!" sabay pa kami humalakhak sa tuwa. Ganito kadalasan ang bonding namin, mag-BFF, ang magchismisan at magbatukan este maghalakhakan na may kasamang hampasan.

"Simula pa lang ng elementary hanggang senior high, alam ko nang tamad ka mag-take notes! Kaya huwag mo ako madadaan-daan sa mga ganyan mong linya." Isinara ko na ang libro na kanina ko pa binabasa. Madalas talaga naming gawin ni Amanda, my ultimate bestie of all times ang magpunta sa library after ng class namin lalo na kapag matagal pa ang vacant time sa susunod na subject. Magkaibigan si Tito Raul at Papa Franco ko simula pa lamang ng high school sila hanggang sa makapag-asawa na. Si Tito Raul ay nakapagtapos ng kolehiyo sa kursong Electrical Engineering kaya di hamak na mas maganda ang buhay ng pamilya nila Amanda kompara sa amin. Si papa kasi, hindi man lang nakapagtapos ng high school, graduating na sana siya nang mabuntis si mama na ikinagalit ni Lola Sarah at Lolo Ramon. Mataas kasi ang pangarap nila kay papa. Gusto nila, tulad ng panganay nilang anak na si Tito Samuel, ay maging doktor din ito. Nang malaman nila Lolo at Lola ang kalagayan ni Mama noon, sa sobrang galit kay papa, pinalayas at itinakwil nila ito. Galing man sa marangyang pamilya si papa, ay tinalikuran niya ang lahat kapalit ang buhay na kasama si mama. Kaya minsan, hindi ko maiwasang mapatanong: What if hindi nabuntis si mama agad? What if nakapagtapos si papa ng college at naging isang doktor? Magiging ganito pa rin kaya ang buhay na meron kami, or baka mas maganda ang buhay na mayroon ako ngayon?

"Bebs, tara bili tayo fish ball." Hindi ko na namalayan, nasa labas na pala kami ng school building at nasa food bazaar kami ngayon kung saan nakapuwesto ang iba't ibang food stall. Isa din ito sa trademark ng aming school. Bukod sa maraming pagkain na pagpipilian, student-friendly din ang price ng bawat pagkain kaya madalas puntahan ng mga students.

"Pass muna ako Bebs, busog pa ako. Tsaka mag-aaral pa ako ng next discussion sa Biochem."

Hindi pa natatapos ang sasabihin ko ay ikinawit  ni Amanda ang kamay sa aking kaliwang braso sabay bigkas ng magic words na "Libre ko!"

"Saan ba? Kay Aling Marie ba? Tara!" Bago pa magbago ang isip nito, tinungo ko na ang pwesto ni Aling Marie na may ngiti sa labi.

"Ayun! Sabi ko na nga ba eh, kapag libre on the go agad."

"Syempre naman, sino ba ang tatanggi sa libre? At tsaka may kasabihan nga na huwag tanggihan ang grasya lalo na kapag ito na mismo ang kakatok sa iyo!" Isa rin ako sa mga taong naniniwala sa mga kasabihan, motto in life, sa mga horoscope at kung ano-ano pang superstitious beliefs, dahil minsan dito na lang ako kumukuha ng motivation para magpatuloy sa buhay lalo na kung ang buhay na mararanasan mo ay tulad ng sa akin. Isang magulo at naghihikahos na pamumuhay.

"Aling Marie, dalawang stick nga po ng kikiam! Sa’yo bestie, ano gusto mo?"

"Parehas na lang ng sa’yo."

"Ilang kikiam sa’yo, Amanda?"

"Bigyan nyo na lang po kami ng tig-dalawang stick ng kikiam at isang stick na fishball!"

"60 pesos lahat!"

"Hoy, best, ang dami mo naman inorder na food. Pwede na sa akin ang fishball lang." Ugali na talaga ni Amanda ang pagiging galante. Madalas niya akong nililibre ng kung ano-ano, minsan damit tuwing sinasamahan ko siya magshopping, at syempre tuwing inaaya niya ako lumabas para mag-food trip. Pero lagi ko din pinapaalala sa kaniya na hindi naman niya kailangan gawin ang mga bagay na ito. Dahil hindi naman ako isang opportunista tulad ng iba na porket sobrang bait sa kanila ng isang tao ay kanila na itong inaabuso kahit pa sabihin na matalik kaming magkaibigan.

SKY CHASER DREAMER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon