CHAPTER 2:

2 1 0
                                    

<RANDAL EIA NACION POV>

•°• °•°•°•°•°•

"Magandang gabi la." Bati ko dito nang makapasok na ako sa loob ng bahay. "Diyos kong bata ka! Saan kaba nagpunta at ganitong oras kana naka uwi,alam mo bang nag-alala na ako sayo?" Mga katagang sinalubong nito sa'kin at bakas ang pag-alala nito sa mukha.

Bumuntong hininga mona ako bago sumagot dito,"Sorry la marami kasing activity ang binigay sa last subject namin." palusot ko pa dito.

Pero ang tutuo hindi ko rin alam kong nagbigay ba talaga ng activity si ma'am, dahil hindi naman ako naka attend ng class sa apat na subject sa hapon dahil sa kagagawan ng mga yun.

Mabuti na lang dahil mukhang napaniwala ko ito. Hahakbang na sana ako papuntang kwarto para mag bihis medyo hindi kuna rin kaya ang amoy na nanggaling sa natuyong tubig na binuhos kanina sa'kin.

"Saglit lang bakit ang dami mong dumi?" Parang nanuyo ang lalamunan ko nang marinig kong lumapit ito sa pwesto ko kung saan ako ngayon nakatayo, kaya agad ko naman itong hinarap."Anong klaseng amoy yan, tingnan mo nga ang sarili mo mukhang hindi ka naman ata galing sa paaralan." Sinisipat nito ang buo kong katawan habang nakatakip ang kamay nito sa ilong.

"Mag tapat ka nga sa'kin Randal meron bang taong nanakit sayo? Mag sabi ka ng tutuo alam mo naman ang ugali ko ayaw ko sa lahat ang nagsisinungaling." wika ni lola habang nakatakip parin ito sa sariling ilong.

'Dapat ko bang sabihin kay lola ang nangyari sa'kin pero alam kong mas lalong lumaki lang ang gulo, ayaw ko rin na masangkot pa dito si Lola alam ko naman na ngayon lang to sa susunod or bukas wala na. Dapat makapag isip ako ng paraan para maniwala si Lola.' Mga katagang nabuo saking isipan.

"Ran ran apo! ”

Bigla naman akong nabalik sa ulirat nang marining ko ang pagtawag sa'kin ni Lola.

"Ah-eh m-meron kasing a-aso La biglang na lang tumawid kaya hindi ko nagawang makapag preno ng bike ayun nalaglag ako sa kanal." pagsisinungaling ko dito medyo pa utal utal pa yung boses ko pero sa huli nagawa korin ayusin para mapaniwala ko lang si Lola.

"Hay, akala ko kung meron nang nanakit sayo, sa susunod kasi mag ingat ka naman, at saka sa susunod ayaw ko na maulit na ganitong oras ka uuwi." pagalit nitong sabi pero may halong pag-alala.

"Opo la, hindi na po mauulit."

Na sanay na akong ganito si Lola pagdating sa'kin. Ako lang din kasi ang nag-iisang apo niya nong namatay si mama si Lola na ang nag-alaga sa'kin. Si papa naman may ibang pamilya na ito. Hindi kona rin ito hinahanap pa or tinanong kay Lola wala narin akong balak na hanapin ito. Malinaw na sa 'kin ang lahat dahil imbes na alagaan ang sariling anak nag hanap ito ng ibang pamilya.

And what the purpose to find him para ano magmakaawa ako dito. Saka wala sa vocabulary ko yan ang magmakaawa kontento na ako sa mga taong nag alaga sa'kin ngayon.

Pagkatapos namin mag usap ni Lola agad na akong pumasok sa loob ng kwarto at dumeretso sa loob ng banyo para maligo.

Mabilis lang din ako natapos sa pag linis ng katawan kaya agad na akong nagtungo sa closet para maghanap ng damit. Nag suot lang ako ng over size black t'shirt at pinarisan ko ito ng pajama.

Lalabas na sana ako ng kwarto nang mahagip ng mga mata ko ang nakabukas kong bag agad ko naman itong nilapitan para kunin ang isang kulay blue na varsity jacket. Habang tinitingnan ko ito bumalik sa'kin ang nangyari kanina sa loob ng restroom kung saan ako kinulong ng mga bruhildang yun.

    《FLASHBACKS》

"Fuck!" rinig ko ang pag mura ng isang lalaki nang tuloyang bumukas ang pinto. Mula sa pintuan na bumukas natanaw ko ang isang tao naka tayo, hindi ko rin maaninag ang buong mukha nito dahil walang ilaw sa part na lugar nato. Akala ko tatlong lalaki ang sumira ng pinto pero nag iisa lang pala ito.

BULLY BOYSWhere stories live. Discover now