Chapter 3

2 1 0
                                    

<RANDAL EIA NACION POV>

•°• °•°•°•°•°•

Dahil sa pagkabigla agad kong nabitawan ang sarili kong cellphone at dumeretso ito sa pagmumukha ko.

"Aray ko!" daing ko naman saka agad napabalikwas Ng bangon at kumurap kurap kong tama ba ang nakita ko.

Pero dahil sa kuryusidad agad ko namang tiningnan ulit, pero hindi nga ako nagkamali siya nga. Namalayan kona lang na nasa profile na pala ako nito nakatambay nakasuot ito ng isang swedshirt na white at black jeans saka sunglass na black, at nakatayo ito na at ang background ay ang Eifel tower na mukhang sa Paris ito kinuhanan,  sa ayus nito mas lalong nagiging atractive ito sa paningin.

Agad naman ako nanliit sa sarili ko nang makita ko ang react nito sa profile  20k ang total tas 1 hours pa lang halatang ka ka-change pa lang, pero nagawa na nitong humakot ng maraming comment and react, ano pa kaya kung one day na.

"Grabe naman samantalang sakin one month na 50 lang tas meron pang like zone nakasama, sinamahan pa ng pa hb comment,

“hayss unfair nga naman.” Turan ko pa habang nakatitig sa sariling  profile nito. Kaya hindi ako naglalagay ng profile sa account ko at minsan ko lang din ito ginagamit, tawagin na lang natin na educational purposes na lang yong account ko nato saka tuwing mag vc kami or chat ni tiya Elina yon lang.

Patuloy pa rin ako sa pag stalk sa profile nito. Sabagay hindi naman ikinataka dahil may laban din ito pagdating sa pangangatawan at mukha. Kahit kabilang ito sa Bully mukhang galing naman sa mayamang pamilya. Sa bio nito nakalagay dito ang word na coffe ft. cat. So cat lover pala ang isang ito. Pagkatapos kung tingnan ang bio nito nag stalk pa ako sa ibang post na nasa tl niya. Kadalasan ang mga barkada nito naka tag sa tl niya pero sa isang post lang ako napahinto.

Picture ni Lincoln at kasama nito ang apat na lalaki at hindi ako magkakamali sila din itong nakita ko sa labas ng cafeteria kanina. Yung background nang nasa picture parang nasa isang beach resort. Bakas sa mga mukha nito ang kasiyahan, pero agad din namang dumapo ang paningin ko sa isang kasamahan nila. Sa lahat kasi ng anggulo or kuha ng camera itong medyo singkit ang mga mata na kasalukuyan kunang nakita sa personal naka pocker face lang ito, hindi rin ito ngumingiti seryuso lang itong nakatingin sa camera sa last na picture stolen effect na parang pinipilit kuhanan.

"Allergic bato sa camera?" Tanong ko pa saking sarili, pero kahit ganon pa man hindi ko maitanggi na gwapo ito for me mas gwapo ito sa kanilang Lima kung ikukumpara ko naman silang dalawa ni Lincoln mas matino naman tingnan si Lincoln kisa sa kaniya siya kasi makikita mo talagang nabibilang sa bully, pero tutuo mas gwapo talaga siya kaya siguro kahit na bully ito marami paring nagkakagusto dito.

Namalayan ko na lang ang sarili ko na nasa mukha na pala ako nito nakatitig.“Wait, baliw kana ba self ano naman ngayon kung maraming nagkakagusto sa lalaking 'yon, saka kahit gwapo ang lalaking yon wag kang magkagusto sa mga kagaya niya gulo lang ang hatid niyan! ” Turan ko pa saking sarili.

Nang magsawa na ako sa kaka-stalk dito agad na akong nag scroll pataas. Nagdadalawang isip pa ako kung accept ko ba ito or hindi pero kalaunan pinindot ko rin ang accept saka agad nag log out.

Kaunti pa naman ang friends ko sa Fb nasa 1k plus pa lang kaya may time pa akong mag add ng iba. Pag dating kasi sa friends mapili din kasi ako, ayaw kong dumadaan ang mga shit post sa tl ko na wala din namang kabuluhan. I know na hindi yun maiwasan but kadalasan kasi hindi din maganda ang maiidudulot nito sa kalusugan natin  at kadalasan depression ang maibibigay nito.

Nang makaramdam ako ng antok agad ko nang nilapag sa bedside table ang sarili kong phone. "Lordie, i hope this time dinggin niyo na ang panalangin ko na magkaroon na ako ng friends sa school na yun, saka pakisabi na lang kay mama na miss na miss kona siya.” wika ko pa.

BULLY BOYSWhere stories live. Discover now