Chapter 4:

4 2 0
                                    

<RANDAL EIA NACION POV>

•°• °•°•°•°•°•

Patuloy pa rin ito sa paghakbang palapit sa pwesto ko habang may madilim na eskpresyon ito sa mukha. Gusto ko mang tumakba para makaalis sa Lugar nato pero hindi ko pa rin magawang igalaw Ang sa sarili kong paa.

“Alam mo ba kung saan ka ngayon?” malamig na tanong nito.

Napalunok naman ako ng sarili kong laway dahil sa takot.“O-oo sa school.” utal utal kong sagot dito.

Sa tutuo lang parang gusto ko na lang talaga makaalis dito hindi ko naman talaga alam kong anong klaseng Lugar to alam kong na nasa loob ako ng university  pero itong lugar nato ang hindi ko alam. Pero isa lang ang nasisigurado ko tambayan ito ng mga mahilig tumakas sa klase.

Agad naman ito napahinto sa paghakbang nang marinig nito ang sinagot ko. This time mas gusto ko na lang talaga na hindi na lang ako sumagot sa tanong nito dahil sa bigla na lang ito kumoyum ang kamao at umigting ang sariling panga nito na halatang naiinis.

“Do know what kung ano ang tumatakbo sa isip ko ngayon? At alam mo bang ano mang oras kaya kong gawin sayo ang nasaisip ko ngayon dito mismo!” madiin nitong sabi.

“S-subukan m-mo lang iisumbong talaga kita sa principal!” banta ko rin dito.

Pero imbes na matakot ito tumawa lang ito bago napailing.“Do you think I care?” natatawang tanong nito at walang bakas sa mukha nito na natatakot.“ At sino ka para sumagot sagot sakin ng ganyan, know your place!” malamig na sabi nito.

‘Baliw ka talaga Randal nagkakamali ka ata ng binabangga mas mahasol pa nga siguro ito kisa mga babaeng humabol sakin kanina.’

Tumikhim mona ako bago ko sinalubong ang titig nito.“Ah talaga wala kang pake, malamang sa mukha mong yan mukhang wala ka ngang pake sa ibang tao!” naiinis kong sabi dito.“Saka fyi hindi ko na need alamin ang lugar ko, kung ako sayo gawin mo na lang yan sa sarili mo na walang alam kondi ang tumakas sa klase at maghariharian sa buong campus, alamin mo rin ang lugar mo sa school nato na isa ka lang ding kagaya kong na nagaaral wag kang umasta na parang pagmamay-ari mo itong buong campus!” na ngangalaita kong sabi dito.

Pansin ko naman ang pag iba ng eskpresyon ng mukha nito na halatang nagulat, mukhang hindi niya ata inasahan ang sinagot ko sa kaniya, kahit ako din naman hindi ko rin naman inasahan ang mga lumabas sa bibig ko, pero isa lang ang nasisigurado ko nasabi ko yon dahil bunga ng inis ko, nakakairita lang kasi makaasta ang lalaki na ito kala mo naman pag mamay-ari ang buong campus. Ang kaninang gulat sa mukha nito ay  Bigla na lang din nawala at napalitan ito ng matinding galit.

Sa isang iglap nasaharapan kona ito ngayon at hawak hawak nito ng mahigpit ang magkabilang kong braso halos mamalipit ako sa sakit dahil sa subrang higpit ng hawak nito.“Sino ka para sabihin yan mismo sa harapan ko huh?! Bagong salta ka lang dito kaya wala kang alam!” sigaw nito sa pagmumukha ko  bago ako tinulak.

Ang kaninang tapang ko bigla na lang nawala at napalitan ito ng matinding kaba, parang bigla na lang din umurong ang dila ko para sumagot dito.

“Hey bro what's happening here?” tanong ng taong familiar ang boses sakin na halatang  kakarating lang.

Pero itong lalaking nasaharapan ko ngayon parang wala lang narinig, hindi man lang gumalaw naka tingin pa rin ito ng seryuso sakin kaya hindi ko man lang Makita ang taong kakarating lang.

“bro what's happeni–oh Eia, bat nandito ka.” umangat naman ang paningin ko nang marinig ko ang boses ni Lincoln.

“A-ako? Napadaan lang ako dito kaya ako nandito ako ngayon.” utal kong sagot dito bago umiwas ng tingin.

BULLY BOYSWhere stories live. Discover now