CHAPTER 1

19 4 0
                                        

<RANDAL EIA POV>

•°• °•°•°•°•°•

"Holy shit" Pagmumura sa nakabanggaan ko dito sa loob ng cafeteria. Dahil sa pagmamadali diko pala namalayan na merong tao sa likod ko. Nang tingnan ko ito ganon na lang ang panlaki ng mata  ko nang makitang lahat ng pagkain ko nasa uniform niya na ito ngayon napunta.

"Ano ba yan! Nasira na tuloy ang outfit mo girl!" wika ng isang kasamahan nito. "Shit ang dugyot mona tingnan girl!" maarteng wika naman ng isang  babae na kasamahan din ng babaeng nakabangga ko, ang naka bangga ko naman parang natulala ito dahil ata sa mabilis na pangyayari.

Nang makarecover na ito agad naman itong tumingin sa'kin bakas sa mga mata nito ang galit.

"S-sorry hindi ko sinadya." paghingi ko ng paumanhin dito habang nasa pagkain nakatingin na nasa sahig at alam kung sa mga oras nato ngayon pinagpipistahan ng mga bacteria.

'Yung burger ko at Milktea.' parang mangiyak ngiyak na ako habang nakatingin sa mga pagkain ko na natapon sa sahig.

"Hindi daw sinadya? Pano kasi ang taba," sabat naman ng isa gamit ang maarteng boses agad naman akong napangiwi sa sinabi nito.

Tiningnan ko naman ito habang nakataas ang isang kilay. Pero pinandilatan lang ako nito ng mata. Basi sa kanilang suot grade 11 students din ito na kagaya ko. Yung naka red hair na hanggang leeg ang haba, nakasuot ito ngayon ng skirt na above the knee at naka varsity jacket na kulay black, ito ang nagsabi sa'kin na mataba.

'Problema nito sa katawan ko. Kasalanan ko bang hobbies ko ang pagkain? Nahiya naman ako sa katawan mo ateng na parang kinulang sa vitamins sa subrang payat tas dumagdag pa ang kulay itim nitong lipstick. Naging kamukha na nga ito yung wizard! Gusto kona talaga isumbat ito pero pinigilan ko lang dahil ayaw kong lumaki ang gulo.

"Di kaba tumitingin sa dinadaanan mo? Or baka gusto mo lang talaga mag papansin." Lintya ng babaeng nakabangga ko kanina gamit ang naiiritang boses na halatang galit na talaga."S-sorry humarang ka kasi sa dinadaanan ko,"

Gusto ko lang talaga matapos ito dahil sa pinagtitinginan na kami ng ibang mga students dito sa loob ng cafeteria.

"Ay wow? So pinapalabas mo na ako yung may kasalanan, ganon? Ang gagawin mo kasi bawas bawasan mo naman kasi yang katabaan mo!" Mataray na Ani nito habang nakacross ang braso.

Ang ayaw ko lang sa lahat ay ang idamay ang katabaan ko sa usapang ito!

"H-hindi sa ganon pero nakaharang kasi kayo sa daan." Medyo napa lakas ang pagkasabi ko dito.

Tutuo naman kasi, oo ang laki nga ng daan pero parang sinakop naman nila! Ang mas malala pa ako pa talaga ang sinisisi!

"Do you think i care? Fyi wala akong pakealam!" At isang iglap naramdaman ko na lang ang pag buhos nito ng milktea sa ulo ko.

"Ohhh!" Ito lahat ang narinig ko sa paligid na parang gulat, kagaya nila ganon din ang reaksyon ko. Diko inasahan na umabot pa kami sa ganito na akala ko madadala lang sa usapan pero nagkamali pala ako.

"Ayan fair na tayo." Proud pa nitong sabi at tumawa, ganon din ang ginawa ng mga kaibigan nito na parang nasasayahan pa sa nang yari. Nakayuko lang ako habang nakakuyom ang kamao at ramdam ko ang mga titig ng mga tao dito ngayon sa'kin.

Aaminin ko man o hindi awang awa din ako sa sarili ko. Akala ko maka ligtas na ako sa ganitong pangungutya nong bata pa ako pero hindi pa pala mukhang ito na ata ang kalbaryo sa buong buhay ko.

Kakapasok ko pa lang dito sa university nato alam kong hindi na matatahimik ang buhay ko simula ngayon. Dahil bagong gulo na naman ito. Iwan koba bat palagi na lang ako hinahabol ng kamalasan.

BULLY BOYSWhere stories live. Discover now