CHAPTER 2

0 0 0
                                    

I can only sigh my frustration as I boredly watch the accusing eyes of the four people in front of us. If I am bored, Simon's the complete opposite. Hindi niya man lang tinatago ang disgusto niya para sa apat na ito.

But, the funny thing? All of them doesn't mind Simon.

Blaise is busy eating, Cole is watching us quietly, and the two partners in crime is now probably creating questions after questions inside their head.

"Para kang patay gutom, Blaise! Wala ka na bang makain sa inyo?!" At nag simula na nga si Simon.

Blaise glared at him, "Shut up, fucker! Kung makapag-salita ka parang hindi ikaw ang madaming nakakain sa bahay kapag nagluluto si Mom, ah?"

Humalakhak si Elias habang si Simon ay umirap lang.

"Bago tayo magkalimutan." Napatingin sa akin si Tiff, at sa uri ng tingin niya ay alam kong ako mauunang ma hot seat nito! "Nakita namin kung sino ang humatak sa 'yo kagabi, Myst!"

I witness different reactions from the other four who are with us. Si Blaise na nabilaukan sa iniinom niyang tubig, si Elias na tumawa ng malakas, si Simon na mukhang good mood na dahil hindi siya ang naunang tanungin ay nagawa ng ngumisi, at si Cole na nanlaki ang mga mata.

Kumunot ang noo ko. What's with their reaction? I boredly looked at Tiffany.

"Oh? Tapos?"

Clearly, I don't mind if they ever saw what happened in the bar last night. Kung paanong ang mataray na si Mystique ay bigla na lang hinayaan ang isang lalaki na hatakin siya paalis ng bar.

"Huh? You don-"

"Kain ka muna, Tiff?" Sabay subo ni Elias ng maliit na slice ng pancake sa bibig ni Tiff, ninakaw pa niya iyon kay Blaise na mukhang nainis na nabawasan ang kinakain niya.

"Seriously, dude?!" reklamo niya.

Tumawa lang ulit si Elias pero agad iyong natigil ng batukan siya ni Tiff.

"Aray ko, Tiff!"

Muli akong napa-iling. Ginala ko ang paningin ko at agad iyong tumama kay Cole na nakatingin na rin sa akin. I tilted my head.

"Yes, Cole?" I asked.

She pouted and stood up. May kinuha siyang paper bag sa kabilang sofa at lumapit sa akin.

"I forgot. Simon called to ask me to bring you clothes, Myst." Aniya at inabot sa akin ang paper bag.

"Oh..." napatango ako at kinuha iyon sa kaniya. "I'll just change, then." I said and stood up.

Dumeritso ako sa common bathroom ng unit ni Simon at nagsimula ng halungkatin ang laman ng paper bag na dala ni Cole. Nakaligo na ako kanina pag dating ko dito kaya nagbihis na lang ako.

I smirked as I saw the expensive dress she bought for me. This is one of the things that I love about her. She's a one call away friend. Not that the others aren't. They are. It's just sometimes si Cole lang ang maaasahan.

Well, maybe Blaise as well.

After I changed, lumabas na rin ako. Mukhang nakahinga ng maluwag si Cole ng makita akong nakapag-bihis na. Because, actually, she looks so bothered earlier while I am still on my white robe.

"Finally, a descent clothes for, Mystique!" Simon exclaimed sarcastically.

Inirapan ko siya. "Kaninong pera binili mo rito, Cole?" I asked.

"Hmm? Kay Collin, humingi ako." She shrugged. "When Simon called kasi he just that you needed something to wear, but he didn't send me any money. Eh, wala akong dalang cash because I was in the middle of jogging when he called together with Elias and Tiff."

Beyond the Limit (Isla Paraiso Series 1)Where stories live. Discover now