Pangalawa

2 0 0
                                    

Nang matapos kami ay agad akong nagtungo sa pinaka malapit na junkshop para magtanong ng presyo mg mga magazine. 5 pesos ang isang kilo kaya naman bumili ako ng apat na kilo. Inilagay nila yun sa isang stripe na plastic bago ako muling bumalik sa school. Kasalukuyan kasi silang nag breaktime. Mamaya pa kasing 4pm ang uwian namin kaya naman bumalik muna ako para maggupit ng mga magazine, kasalukuyan akong nasa tagong parte ng building namin para walang makakita sa akin.

Apat na kilong magazine ang ginugupit ko kaya medyo masakit na sa mga daliri. Luckily bago matapos ang hour break ay natapos ko nadin! Agad ko naman itong ipinakiusap sa guard na bantayan muna at babalikan ko mamayang uwian.

Habang nagkaklase ay panaka-naka ang pakikipag usap sa akin ng mga kaibigan ko pero nakikinig lang ako at naka tutok sa diskusyon, sumasagot din ako sa mga tanong na kinakagulat padin nila.

Nang matapos ay muling nag paalala na sa thursday na daw ang simula ng test.

"Anong araw nga pala ngayon?"

Napataas naman ang kilay nilang tatlo, oo, tatlo dahil kasama namin si Divine. "Tuesday." Siya na din ang sumagot. Tumango tango lamang ako saka nagpaalam ma hindi ako makakapasok bukas.

Nang makauwi ay agad kong sinabi kay mama na may test kami sa thursday na alam napala niya kaya ng magpaalam akong hindi ako makakatulong at magrereview muna ako ay pinayagan niya ako.

Binasa ko ang mga libro ko mula chapter 1, at ginagawa ko yun habang nag iikot ng magazine strips sa piraso ng walis tingting. Ang una kong binasa ay mathematic dahil nga mahina ako dito, pero dahil din  nga 1st year high school pa lamang ito old curriculum at nakita ko na ang lala ng math sa k-12 ng makabagong henerasyon, ay hindi ko na masyadong iniinda ang pagsagot ng mga exercises para malaman kung may naiintindihan.

Ganun ang ginagawa ko hanggang sa maka tapos ako sa math,  at nakailang beads nadin pala ako!

Sinunod ko naman ang Science, pero hindi lang libro namin sa school ang binasa ko pati ang mga college books nila Tito Archie, Tito Mon at Tito Al na iniwan nila dito. Binasa ko ang mga yun habang gumagawa ng beads, ni hindi ko napansin ang oras at madilim na. Kaya naman ay agad kong binuksan ang ilaw upang magpatuloy sa pagbabasa.

Gamay ko na ang paggawa ng beads habang nagbabasa.

Ilang sandali lang ay dumating na rin sila, nagulat pa nga sila ng makita ang mga nakakalat kong libro at beads.

"Anong gagawin mo dito?" Tanong sa akin ni Mama habang naka tingin sanmga bead na matigas na. Nagkibit balikat lamang ako bago nagpatuloy.

Hating gabi na ako nakatulog pero hindi na ako ginising ni Mama dahil alam niyang hindi ako papasok ngayon, patuloy lamang ako sa pagbabasa ng ng mga libro at pag gawa ng mga beads.

Nang matapos ako ay agad akong nag ayos upang kausapin sila Mami, yung tiyahin ni Papa, asawa ng kapatid ng Tatay ni papa.

"Hello po, ano po, itatanong ko lang po sana kung may libro pa po kayo?  Sa science o math?"

Nagtataka man ay agad niya akong pinapasok. "Yung libro ni Tito Archie mo sa medisina nalang ang science yung iba nasa silid niyo na, dun ata inilagay sa ilalim ng kabinet. Yung nandito nalang ay mga libro ni Tita Niña mo sa economics, marketing strategy at business stracture." Tumango ako saka hiniram nalang ang mga yun. "Sayo na yan, wala narin namang gagamit. Siya nga pala ba't hindi ka pumasok?"

"Magdamag poa kong nagreview. First quarterly exam po kasi namin." Ani ko habang inaayos ang kamada ng mga libro.

"Pati yan babasahin mo?"

"Ah? Opo, para baka po kasi akalain nilang kolehiyo na kami at samahan nila ng isang tanong mula sa college." Ani ko, bago nagpaalam.

Naalala ko ng mga panahong ito ay tamad na tamad akong magbasa at puro lang laro at tulog ang ginagawa ko, but who could've thought na kaya kong magbasa ng nobela na may 3000+ chapters in the future? Kaya ngayon palang ay sisimulan ko na ang pagbabasa ko.

Hinanap ko yung mga sinasabi ni Mami na mga libro mula sa ilalim ng kabinet, at inayos ko na din ang itaas. Marami pa pala doon ang libro at notebooks. Kaya ibinaba ko ang mga yun bago nilinisan ang parteng yun, pinag sama-sama ko ang mga sketch pads ni Tito Al pati ang chords books niya na hindi ko naman magagamit. Obvi. Dahil hindi ako magaling magdrawing. Pati yung blueprints na gawa niya, Architecture kasi siya saka ko na titignan yang mga yan. Tapos yung mga notebook nila ay hinanay ko by subject saka ko din inilagay doon sa itaas bago ko inilagay ang mga libro.

Noong nakatira kami dito ay basta-basta lang ang pag aayos namin ni Mama dito, dahil hindi naman namin alam ang mga kakailanganin pa nila kaya minsan lang din namin inaayos.

Nang matapos ay nagpatuloy na ako sa pagbabasa ng mga libro, ngayon naman ay araling panlipunan.

Nang matapos ako ng alas sais ay ako na ang nagsaing at nagluto ng ulam, pritong longganisa lang naman ang ulam namin. Kaya alang problema.

Nang matapos ako nagpatuloy na ako sa pagbabasa ng mga notes nila nila habnag pinapakinis ang mga beads na ginawa ko mula sa apat na kilong magazine, naka by colors nadin sila at naka lagay sa mga plastic, iniisa-isa ko silang nililiha gamit ang pangliha na pinadala sa amin kahapon ng teacher namin sa Entrepreneurship.

"Ano ba kasing gagawin mo diyan?" Tanong ni Mama. Ngumisi lang ako saka nagsenyas ng "shhh" sa kaniya.

Nang matapos ako ay tulog na sila kaya naman ay lumabas ako sa labas ng bahay namin saka doon inilagay ang sa mga tingting ang mga beads na ginawa ko bago saka ko nilock gamit ang goma bago ko brinush ng arnibal para kumintab, ganun ang ginawa ko iba pa. Saka ko tinusok sa lupa para matuyo ng buong magdamag. Nagmuka tuloy kaming may taniman ng beads.

Habang ginagawa ko yun ay nagpapatuloy padin ako sa pagbabasa sa math, science at english. Dahil yun ang major subjects namin.

Nang matapos ako ay alas tres na nang madaling araw.

Time Travel Back To 2008Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon