Pang Apat

1 0 0
                                    






Nang makapasok kami sa sa classroom ay agad akong pinalibutan ng mga kaklase ko saka bumili ng kwintas at bracelet, tuwang tuwa sila sa ganda ng mga yun, kaya naman masaya akong nakatingin sa kanila habng tinatanggap ang mga pera nila.

Sa wakas! Naubos ang ikalawang plastic ko!

Meron na ako 4k plus pa yung 3.5k na unang benta ko.

Kyaaaaah!

Nang nagsimula na kaming mag check ay saka lang namin nalaman na ako ang nagtop sa buong school. Gulat na gulat silang lahat sa akin, maski ako hindi ko alam na makakaperfect ako sa lahat ng subjects!

Kyaaah.

Nakangiti ako hanggang sa uwian, nang makalabas ay hindi ako dumiretso ng bahay bagkus ay inilako ko ang brecelet ko at necklace ko, hanggang sa makarating ako ng Jackman. Isang grocery mall sa Calumpit. Sa labas nun ay nag alok ang mga paninda sanmga papalabas at papasok na customers nila, pero palakad lakad ako para hindi ako masita.

May mga tindahan din akong inalok ng mga yun na kumuha naman ng ilan. Sampu kasi ang necklace na benta ko sa mga tindahan kapag 50 ang kukunin nila, sa bracelet naman ay lima. Kaya marami din ang kumukuha. Nakangiti akong naglalakad pauwi  dala padin ang natira sa plastic na naialok ko pa at naibenta.

Nang makauwi ako siyempre, wala na si papa, dahil umaga ng Lunes ang balik niya sa QC kaya heto at busy na naman si Mama. Pero ngayon ay busy siya sa pagpapakinis ng mga beads na hindi pa namin napapakinis saka papahiran ng arnibal.

Muli ko siyang binigyan ng 500. Bayad para sa pag gawa niya ng nga beads, habang ako nabusy sa pag sketch ng bagong designs.

Gumawa din ako ng keychain at malalaking beads earrings. Medyo mas matagal nga lang ang pag gawa dahil sa proseso, kaya iilan lang ang nagawa ko. Habng si Mama ay ginagawa ang simpleng disenyo, kaya annag mag alas singko ay nagpunta na ako sa school ng kapatid ko, at dun ay binenta ko muli ang mga bracelet at necklace na ginawa namin kahapon.

At ganun parin ay nakaubos kami ng tatlong plastic bags.

Muli akong nakabenta ng malaki. So, sa ganitong paninda malaki talaga ang bentahan ang kaso paguran lang! Pero solve naman!

Nang makauwi ay muli akong nag aral habang gumagawa ng beads, kasalukuyan ng pinapatuyo ni mama ang mga beads na binahiran niya ng barnis. Kaya ako naman ay  nagpatuloy sa pag gawa ng mga beads hababg nagbabasa ng mga notes nila.

Maya-maya lamang ay umalis na ako dala ang ilang plastic bag na may lamang bracelet, keychain, at earrings. Nakangiti akong nag-alok sa mga nakakasalubong ko na hindi maiwasang mamangha sa gawa kong hikaw na talagang isinuot ko pa para maipakita sa kanila.

"Magkano yang hikaw?!" Excited na tanong ng kolehiyalang inalok ko.

"75 pesos po, ako po kasi ang gumawa." Anang ko, natigilan naman ito saka tinignan ang mga dala ko.

"Gawa mo tong mga to?" Tanong niya sa akin kaya tinanguan ko siya.  "Wow!" Aniya. "Pasado tong 100." Aniya, "alam mo wag mo ibenta ng 75 yan sayang, 100 pesos. Mabagal nga lang ag bentahan pero hindi naman masisira yan eh." Aniya, "pwede ko bang kunan to ng picture? May blogsite kasi ako, nagbablog ako ng mga get ups, yung mga clothing styles ganun? Well, kung okay lang ipost ko ito tapos picturan kita." Aniya pa.

"Okay po!" Mabilis niyaa kong kinunan ng picture pati ang mga gawa kong accessories.

"Ayan, beh. Ipopost ko to mamaya!" Aniya saka nagpaalam.

Nagpatuloy naman ako sa paglalako ng paninda ko, hanggang sa makarating ng school.

Naubos ang bracelet ko, pero yung hikaw walang nagalaw dahil 100 ang bentahan ko, tapos yung keychain 150 pesos.

Time Travel Back To 2008Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon