Pang walo

0 0 0
                                    

Nagtinda na rin kami at nag alok ako ng mga bago naming affordable line na para sa mga students. Kaya pinauna ko na sila sa bahay, habang naglalakad ay naalala kong tumingin ng mga pwesto-pwesto kaya napalayo ako, pero isang bakanteng lote ang nakalagay ang "for sale" sign kaya agad kong kinuha ang number at nakipag usap. Medyo hindi ma-tao ang lugar kaya, "hello po, nakita ko yung "land for sale" niyo dito sa xxxx gusto ko po sanang bilhin, magkano po ba?"

[Bibilhin?]

"Yes po."

[Ay anong gagawin mo kung residential, pwede yan. Pero kung commercial alanganin dahil hindi matao at daanan lang.]


"Pati din po ba yung kaharap na bahay sainyo?"

[Ay oo, balak mo din bang bilhin? Mag-ma-migrate na kasi kami kaya binebenta na namin. Kung gusto mo punta ka nalang dito, dito pa naman kami sa bahay. Punta ka nalang dito, mag usap tayo.]

Nakanguso kong tinawid ang kalsada saka kumatok sa pinto. "Ikaw ba yung kausap ng asawa ko? Aba'y gabi na ah?"

"Opo, medyo rush lang po kasi."

"Ah. Ano bang gagawin mo at rush?" Tanong niya saka ako pinapasok sa bahay nila. "Ire yung bahay namin, up and down at my tubig. Ipalipat mo nalang saiyo kung gusto mo." Aniya saka ako naupo sa sofa. "Meron tong tatlong banyo, sa itaas, sa master bedroom, at kusina, lahat may bowl at shower meron dining area at kitchen. Sa itaas may limang kwarto, sa baba may dalawang kwarto may garahe at may dirty kitchen."

"Oh? Ikaw ba yung buyer ija?"

"Opo. Kasama po ba yung lupa sa paligid kung bibilhin ko po ito?" Nagtinginan silang dalawa bago tumango.

"Oo, heto oh." Ani ni Tatay saka ibinaba ang mga papeles nila, "ire yung blueprint ng bahay ari-arian namin, ire yung sa harap. Dati yang niyogan kaso nagkaroon ng sakit yung lupa kaya nagkandamatayan ang mga puno ng niyog." Napatango naman ako bago ko kinuha yung isang blue print. "Aiyan naman yung dito sa bahay. Yan ang lupa namin, mula dun sa taniman ng mga okra sa likod naman kamote sa kabila naman ay sitaw."



"6 thousand square meter po ang sa harapan? Tapos itong bahay? Magkano niyo ibebenta?"

"Sabi ng anak ko yung harap daw ay ibenta nalang ng 78 thousand kasi nga daw may sakit yung lupa kaya wala ring silbi kung tataniman, kung papatayuan ng bahay naman ay baka anayin."

"50 thousand."


"Ay ang baba masyado niyan ineng, kasi-"

"Kung may sakit ang lupa at kung may anay na, ano pa pong magagawa ko diyan? Gagastos pa po ako sa lupa ng gamot at semento para mapatayuan ko lang ng bahay."

"Eh ano kasi..."

"Sa gamot pa lang po kasi, Nay, Tay lugi na ako. Mahal ang pests control at gamot sa sa lupa ngayon."

"Eh ireng bahay ba kukunin mo?" Tanong ni Nanay.

"Magkano ho ba ito?"


"2.5 million." Sabi ni Tatay.


"2 million kasama ang lupa niyo, tapos ibibigay ko din po ngayong gabi. Kasama na ang bayad sa lupa sa harapan."


"Ay masyado namang mababa yun, ineng."

"Base dito sa breakdown ng nagastos niyo sa pagpapagawa ay 1.3 million lang and that was way way back 2001. Based on the blue print at sinabi ni Nanay wala pang nababago dito so ang probability ng may sira na ang bahay ay masyadong malaki para iabandona. Kukunin ko po ang bahay at ang lupa ng 2 million tapos yung lupa sa harapan ng 75 thousand." Sabi ko sa kanila.

Time Travel Back To 2008Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon