Chapter Three

153 10 0
                                    

NAALIMPUNGATAN si Bryce nang biglang magbukas ang ilaw sa kanyang silid. Napabalikwas siya at napasigaw sa gulat pero si Mac lang ang naroon sa may pinto.

Alas-cuatro na, sabi nito. Bumangon ka na.

Ginawa niya ang lahat ng pinagawa nito para patunayang hindi siya lalampa-lampa. Kahit pa magkanda iyak na ang mga muscles niya sa sakit, nagpatuloy siya sa pagsubok na mag-sit-ups, push-ups at pull-ups. Kinonsidera niyang maliit na tagumpay ang bawat ehersisyong nagawa niya.

Pinanood lamang siya ng damuho habang nagbibigay ng instructions. Pakiramdam yata nito na plebo siya sa PMA. Pero hindi siya nagpatinag dito. At kung hindi siya nagpasindak dito nang nakaraang hapon, hindi siya magpapasindak dito ngayong umaga kahit pa madilim ang mukha nito at mukhang nakalimutang mag-ahit.

Alas-cuatro? antipatika niyang tanong. “Di ba sabi ko sa yo hindi ako babangon ngayon ng mas maaga sa alas-diez? Bumaling siya at muling nagtalukbong.

Tumili siya nang marahas na hinablot ni Mac ang kumot na tumatabing sa kanyang katawan. Naka-suot lamang siya ng tank top at short shorts. Disente naman pero, utang na loob, pantulog niya iyon. At wala pang lalaking nakakita sa kanya na ganoon ang ayos.

Bago pa niya mapa-ulanan ng sigaw ang binata, dinukwang na siya nito na muli niyang ikina-tili. Bumaliktad ang mundo. Inangat siya nito mula sa kama at inihagis sa ibabaw ng isang balikat na para bang isang sako lang siya ng bigas.

Mackenzie! galit niyang sigaw bago pinaghahampas ang likod nito. Sa tigas ng mga muscles nito roon, malamang hindi nito naramdaman ang mga kamay niya. Sa katunayan, siya pa ang nasaktan sa paghampas dito.

Pumasok ang binata sa banyo. Binuksan nito ang dutsa ng shower bago siya ibinaba sa sahig sa loob ng shower stall. Para siyang pinaliguan ng iced water.

Walanghiya ka! galit niyang sigaw bago muling pinaghahampas ang braso at balikat ng lalaki. Itinulak niya ang basang buhok na tumatabing sa kanyang mukha para pandilatan ang nakangising binata.

“At least gising ka na, sabi nito. Dont forget to wash behind your ears. Isinara nito ang shower curtain.

I hate you! habol niya.

I dont mind, sagot muli ng lalaki. Mukhang nasa may pintuan lang ito ng banyo. Im giving you five minutes. Kung sa loob ng limang minuto hindi ka pa tapos maligo at magbihis, babalikan kita dito at ako ang magpapaligo at magbibihis sa yo.

Go to hell!

Tumawa lang ito bago niya narinig na sumara ang pinto ng banyo.

Kung cartoons siya, malamang umuusok na ang bumbunan niya sa inis at galit. Nakakagulat iyon dahil kilala niya ang sarili bilang pasensiyosa. Mahiyain siya at hindi palamura. Quiet, serene, the epitome of grace. Nakuha niya ang manners sa kanyang ina at sa kanyang adoptive mother. Dumadalo siya sa mga pagtitipon kasama ng mga pinakamakapangyarihang mga tao sa buong mundo at ni minsan hindi pa niya ipinahiya ang mga umampon sa kanya.

Baka atakihin sa puso ang mommy Kristie niya kapag makita siya ngayong nakapantulog, basang basa at nanggagalaiti.

Mabilis niyang hinubad ang suot na damit. Hindi niya alam kung gaano katagal na siyang nagpaplano ng masakit na kamatayan para kay Mackenzie. Alam din niyang hindi ito nagbibiro nang sabihing papaliguan siya nito kung wala siya sa labas matapos ang limang minuto.

Minsan, isang araw, papatayin talaga niya ang lalaki. Nagmadali siyang maligo at nagbihis. Kulang pa sa limang minuto, nakagayak na siya.

Lumabas siya ng silid at nakitang naghahango ng pagkain mula sa isang kaldero ang binata. Sinulyapan siya nito at hindi siya nag-iwas ng tingin. Alam niyang nag-aapoy pa rin ang mga mata niya. Kung nakamamatay lang ang tingin, matagal na itong pinaglamayan, na-cremate, at naisaboy sa dagat bilang abo. Inalok siya nito ng isang mangkok na may lamang parang lugaw na hindi niya maintindihan.

Sentinels Book 6: Immortal BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon