Chapter Sixteen

127 10 0
                                    

PANG-ILANG beses nang gumising ni Bryce mula sa pagkakatulog pero parang hindi naman siya napapahinga. Ilang araw na ba siya naroon? Isa? Dalawa? Isang linggo?

Naroong magmumulat siya para makita ang umiiyak niyang ama, o kaya si Ate Mallory. Nagsasalita ito pero hindi niya maintindihan ang sinasabi ng kapatid. Madalas nakakatulugan niya lang ito. Hindi niya alam kung ilang araw pang muli ang lumipas nang magising siyang muli at nagsimulang magsalita na siya na namang ikina-iyak ng mga kasama niya sa silid.

Doon lang niya nalamang namatay pala siya.

Halos maubos ang kanyang dugo dahil major artery ang tinamaan ng shrapnel. Kinailangang palitan ng mga doktor ang halos buo niyang blood volume. She went into shock even before they could bring her to the hospital at dalawang beses nag-cardiac arrest bago siya na-stabilize ng mga doktor. Ikinakatakot din ng mga ito na may brain damage na siya dahil sa halos cince minutos na siyang patay bago ma-revive.

Ngayon namang muli siyang nagmulat, si Kuya Cameron ang nabungaran niya. Natutulog ito habang naka-upo sa silya sa tabi ng kanyang kama. Tumikhim siya at agad naman itong nagmulat. Malawak ang ngiting pinakawalan nito.

Hi, bati nito at nakuha ni Bryce ang ngumiti. Tumungo si Cameron at hinalikan siya sa noo. Lumabas lang si Mallory. Kamusta na ang pakiramdam mo?

Garalgal ang tinig ni Bryce. Para kong nasagasaan ng tren.

Ngumiting muli si Cam. As bad as that?

She licked her dry lips. Kuya, si Mac?

Nakita niya ang paglamlam ng ngiti ng nobyo ng kapatid. Ah, pinatawag siya ng U.S. Navy, Bryce. Kailangan niyang ayusin ang pagtatapos ng kaso ni Fuentes.

Mas mahapdi pa sa sugat niya sa hita ang naramdaman niya sa kanyang dibdib. Namatay siya. At nasaan ang lalaking mahal niya at akala niya ay mahal siya? Nasa kampo ng militar, ipinagtatanggol ang bansang mas mahal nito keysa sa kanya. Ipinain siya nito para mahuli si Fuentes. Ipinain siya nito para protektahan ang Amerika. 

Tumatawag siya every hour para malaman kung-

Umiling si Bryce bago pa makapagpaliwanag si Cameron. I dont want you to make excuses for him, mahina niyang saad. Pinilit niyang ngumiti kahit pa tumulo na ang luha sa kanyang pisngi. I know how he feels. Tanggap ko na yon.

Bryce. Inabot nito ang kanyang kamay. Trabaho ni Mac ito. It doesnt mean he doesnt love you. Mahal ka niya.

“Hindi niya ako mahal, kuya. He only cares for me, mapait niyang saad. Nakita niyang napangiwi si Cam. Pinisil niya ang mga daliri nito. Kuya, alam ko kung paano magmahal si Mac. Nakita ko kung gaano niya kamahal ang bansa niya at ang trabaho niya. Kung nakita ko lang na mahal niya ako ng kahit na katiting ng pagmamahal niya sa bansa niya, kaya kong tanggapin na pangalawa lang ako sa puso niya. Pero hindi ko nakita yon, kuya. Hindi niya ako mahal. At iyon ang hindi ko kayang tanggapin. Huminga siya ng malalim na para bang kayang pigilin niyon ang mga luhang tumutulo mula sa gilid ng kanyang mga mata. Kuya, I just want to go home. Iyon lang ang sinabi niya bago siya magsimulang humagulgol.

Two days later, hindi pa rin bumabalik si Mac. Hindi pa rin nito nakaka-usap si Bryce dahil ayaw itong kausapin ng babae. Hindi rin nito alam na sakay na ng military transport plane ang dalaga pabalik ng Estados Unidos.

PUNTA TAYONG ospital, unang bungad ni Mac nang sunduin siya ng pinsan sa kampo ng militar sa Surabaya. Halos isang linggo na siyang walang tulog.

Apat na bases ng mga natitirang tauhan ni Fuentes ang sinugod nila. Nahuli nila ang mga natitirang lider ng terrorist cell, at tuluyan nang nabuwag ang grupo. Laman ang kanilang misyon ng lahat ng pahayagan sa buong mundo. Siyempre, tuwang-tuwa sa balita ang America. Sa pagbagsak ng grupo ni Fuentes, humina na rin ang mga terrorist groups sa bahaging iyon ng Asya.

Dapat masaya si Mac dahil natapos na ang misyon na ilang taon nang gustong isara ng mga SEALs. Masaya naman siya pero may kulang. Doon niya naisip na kahit pa loyal pa rin siya sa U.S. Navy, medyo na-adjust ng kaunti ang kanyang priorities. Naurong ang mga importanteng bagay sa kanyang buhay. Binigyan niya ng puwang sa kanyang puso si Bryce.

Ngayon, gusto lang niyang makita ang dalaga. Gusto lang niyang tumabi rito, yumakap at matulog nang diretsong bentekuwatro oras habang nasa tabi nito. Bukas na siya maliligo, mag-aahit at kakain.

Anong gagawin natin sa osipital? patay-maling tanong ni Cameron habang inaatras ang kotse.

Pinandilatan ni Mac ang pinsan. Si Bryce. Napansin niyang hindi siya tinitignan ni Cam. Kinabahan siya. May nangyari ba na hindi niya alam? Bakit? kabado niyang tanong.

Araw-araw siyang tumatawag sa pinsan at kay Mallory para malaman ang kundisyon ng dalaga. Sabi ng mga ito, she was recovering. Okay naman daw ang dalaga pero masyado itong madaling mapagod kaya madalas ay natutulog ito kung tumatawag siya. Hindi pa niya ito nakaka-usap mula nang dalin nila ito sa ospital.

Shes okay, sabi ng pinsan at tumigil ito sa stoplight. Hindi niya inalis ang paningin sa mukha nito. Alam niyang may itinatago ito. Hindi nagtagal, bumuntong-hininga si Cam. Wala na siya sa ospital, ani Cam. She left for the States yesterday.

Kumurap si Mac. What? mahina niyang tanong.

Gusto na niyang umuwi sa Amerika, paliwanag ni Cameron. Pumayag ang daddy niya so they took a military transport home. Sumama nga si Mallory eh.

Parang may malaking bara sa lalamunan ni Mac. Hindi siya makapagsalita. Hindi siya makahinga. Ayaw niyang tanggapin ang ibig sabihin ng mga salitang lumalabas mula sa bibig ng pinsan niya. Umalis si Bryce. Iniwan siya nito nang hindi man lang nagpapaalam.

Did... Tumikhim siya para alisin ang kung ano mang parang nakabara sa kanyang lalamunan. Did she say anything?

May hinugot si Cam sa bulsa at inabot iyon kay Mac. Parang sinikmuraan siya nang mahulog sa palad niya ang pilak na dog tag kung saan naka-ukit ang kanyang pangalan.

Sentinels Book 6: Immortal BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon