Chapter Four

132 10 0
                                    

Maaga siyang nagising dahil excited siya sa kanilang pupuntahan. Nagbihis siya ng jeans at kulay itim na baby tee, at puting sneakers. Gusto niyang komportable sa biyahe.

Masaya at madaldal siya habang naglalakad sila ng kanyang ate pabalik sa garahe ng Sentinels. Nakita niyang nakaparada na sa outdoor parking area ang isang kulay itim na Hummer. May dalawang motorsiklo nang naka-secure sa cab nito.

Pero kahit pa impressive ang sasakyan, na-love at first sight siya sa kulay silver na Nissan Skyline na nakahimpil sa tabi nito. Two-door ang kotse at may kulay blue na trim sa tagiliran mula sa likod ng front tires hanggang sa likuran ng sasakyan. Meron ring dalawang kulay asul na racing stripes sa hood ng kotse.

Tumigil siya sa paglalakad at sinulyapan siya ng kapatid. Pinisil niya ang braso nito. Ate, nakita ko na yata ang soul mate ko, bulong niya.

Matapos niyang sabihin iyon, bumukas ang pinto sa drivers side ng Skyline. Ang una niyang nakita ay kulay puting rubber shoe na suot ng naka-maong na taong bumaba ng sasakyan. Parang slow motion ang mga pangyayari. Umibis mula sa kotse ang pinaka-guwapo at pinaka-antipatikong lalaking nakilala niya.

Kahit nakasuot ng dark sunglasses si Mac, alam niyang pinagmamasdan siya nito. Nakita rin niyang tumaas ang isa nitong kilay.

Kasama ka? sabay nilang tanong sa isat isa.

Bumaling siya kay Mallory, at nakita niyang sinulyapan ni Mac si Cam. Kinurot niya ang ate. Tumawa lang ito bago siya giniya palapit sa dalawang lalaki.

Magkakarera kami ni Cam. Hindi naman kita pwedeng  iwan lang sa gilid ng kalye don, ano. Saka gusto i-test drive ni Mac yong Skyline niya. Dahil may alam ka sa mga kotse, naisip kong pwede mo siya samahan.”

You set me up, pabulong niyang sabi.

Namimilog sa kainosentehan ang mga mata ni Mallory. Kaunti na lang ay may lalabas nang pakpak sa likod nito at may tutubo nang tumataginting na halo sa tuktok ng ulo ng kanyang ate.

Of course not! defensive nitong saad. Gusto lang din kita ilabas. Hindi naman pwedeng nakaburo ka lang dito sa base. Isa pa, if you play nice with Mac, you might get to drive the Skyline.

Pangarap niyang kotse ang mismong naroon na sa harap niya. Alam iyon ng kanyang ate. Alam din nitong kahit siguro si Bin Laden ang mag-aya sa kanyang sumakay sa Skyline, gagawin niya basta siya ang magmamaneho.

Fine, mahina niyang saad bago nagsimulang lumapit sa Hummer ni Cam.

Sweets, samahan mo na si Mac, tawag ng kanyang ate bago pa niya marating ang Hummer. Sinulyapan niya ang ate para irapan.

Oo nga, sabi ni Mac. Nakasandal na ito sa gilid ng sariling kotse, nakahalukipkip. Ang lungkot namang ilang oras akong walang kausap sa biyahe.

Go na, Bryce, pilit ni Mallory. Samahan mo na si Mac. Mag-bonding din kayo. Para sa training mo sa Monday, hindi na kayo nag-aaway.

Bumuga siya ng hangin at parang batang sumimangot bago lumapit sa kotse ng binata. Buti na lang at alam niyang right-hand drive ang sasakyan kundi napahiya pa siya dahil sa maling pinto siya lumapit. Nakita niyang nagsenyasan ang magpinsan bago muling sumakay ng kotse ang binata.

Maaga pa naman at wala pang traffic kung kayat mabilis ang kanilang biyahe kung tutuusin. Hindi lang makapaghintay si Bryce na makarating sila ng Batangas. Pakiramdam kasi niya, hindi siya makahinga sa tensiyon sa loob ng sasakyan. Parang ang dami niyang gustong sabihin sa binata na hindi niya mailabas kasi hinihintay niyang ito ang maunang magsalita.

Pero nang tignan naman niya ito, cool na cool lang itong nagmamaneho na parang suot lang nito ang sasakyan. He was so relaxed and looked so at home behind the wheel of his car. At hindi maganda iyon. Dahil attracted siya sa mga lalaking magaling magmaneho.

Sentinels Book 6: Immortal BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon