Chapter 24

62 6 0
                                    

[" Aba kung ganon ay mag-ingat ka riyan, malakas din yung ulan at hangin dito. Mas mabuting pansamantala ka muna diyan, baka ma disgrasya pa kayo kung ipipilit niyong bumiyahe pabalik dito"]

"Opo La, kayo rin po, mag ingat din kayo diyan"

"O'siya, sige. Ibaba ko na"

"Sige po La, Goodnight"

Napanguso nalamang ako nang binabaan niya agad ako ng tawag. Hindi man lang nag 'Goodnight Too'.  Napabuntong hininga nalamang ako habang pinagmamasdan ang kapaligaran mula dito sa kinaroroonan ko sa may tapat nitong pinto na gawa sa salamin. Gusto ko sanang tumambay sa labas ng balkonahe kaso dahil sa sobrang lakas ng hangin at ulan ay baka mabasa lang ako kaya kasalukuyan akong nakatayo lang dito sa may sliding door, tinitigan lang ang mga ulang walang awat sa pagbagsak. 

Mabuti nalang nong patapos na yung celebration ay doon na nagsimulang kumilimlim na may kaunting pagkulog sa mumunting ulan kaya naman ay agarang nag paalam ang mga bisita at baka maabutan pa sila sa lakas ng ulan, mahirap na, baka hindi nila makita ng maayos yung kalsada habang bumabiyahe, lahat pa naman ng mga bisita nila dito ay naka de'kotche. 

Ngayon ay nandito ako sa ikalawang palapag ng bahay nila. Dito muna nila ako pina-stay sa guest room, ayaw ko na ring tumanggi dahil nakakahiya pa kung mag iinarte pa ako at pagpupumilit pa.

Kasalukuyang nasa baba pa sina Tita Alessandra at Tito Maverick, kasama na rin doon ang anak nilang si Theo, pati narin si Matthew ay nandoon. Mukhang may pinag-uusapan pa silang apat doon sa may sala. Balak pa nga nila akong isama kaso nahihiya na ako, medyo nangangapa parin ako kaya magalang nalamang akong nagpaalam na magpapahinga na ako at tawagan muna si Lola. 

Inihatid pa nga ako ni Matt sa guest room at mabuti nalang at kasya saakin ang hiniram niyang damit ng kapatid niyang babae na si Loraine. Hindi ko siya namataan during celebration at sabi sakin ni Matt ay nasa kwarto lang pala ito buong magdamag. Agad ding bumalik si Matt sa baba nang masigurado niyang ayos na itong kalagayan ko dito sa kwarto, nang makaalis siya ay lumabas muna ako sa guest room dahil hindi rin naman ako dinadalaw pa ng antok at basta ko nalang namalayan ang sarili na nakatayo na dito sa may sliding door ng balcony nila dito. 

Napalibont ang paningin ko dito sa may hallway. Grabe, hindi ko parin maisip na buong buhay nila ay ganitong pamamahay ang kinalalakihan nila. Kung ako ang tatanungin ayos din naman ang ganitong bahay pero kung sakaling magkapamilya man ako ay ayos lang sakin kahit sakto lang yung laki basta kasya kaming lahat, kasi kung ganito kalaki yung bahay niyo baka hindi na kayo halos magkita ng pamilya mo, baka nga kung tawagin ka mula sa baba ay hindi mo maririnig. Eh si Lola doon sa bahay kahit isang sigaw lagpas hanggang pinto talaga sa kwarto ko mula sa baba.

Pero nakadepende parin naman iyon sa pamilya, sa napapansin ko sa pamilya ni Matt halatang close sila, kahit na ganito kalaki yung bahay ay wala akong napapansing kaunting gap ng relasyon nila. Ang swerte nga nila sa magulang, halatang buhos sila sa pagmamahal at pag-aaruga. 

Ilang segundo akong nagmumuni-muni dito sa may sliding door ay napagdesisyunan kong tabunan ulit ito ng kurtina kaya hinawi ko ulit ang kurtina na pansamantala kong iwinakli kanina pagkatapos ay nagsimula na akong maglakad pabalik sa guest room kaso bigla nalamang akong napatalon sa gulat nang biglang bumukas ang isang pinto at iniluwa nito ang isang babaeng ubod ng puti ang balat. Ang unang napansin ko pa sakanya ay ang mga mata nitong pay pagka chinita na may kalakihan din. 

Ilang segundo pa akong napatulala sakanya at ganon din naman siya sakin. Pero yung paraan ng pagtitig niya sakin ay masyadong blanko, hindi ko mabasa ang reaksyon niya. 

"You're Steff"

Napalunok ako dahil sa boses niyang walang kabuhay-buhay. Hindi tonog patanong yung pagkakasabi niya, tila parang nabanggit niya lang ang katagang iyon at mukhang sigurado naman siya sa sinabi niya. Napangiti nalamang ako sakanya kahit na hindi siya mukhang approaching. 

The Tale Of Our Romance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon