Prologue
Nanlabo ang mga mata ko habang nakatingin sa test paper ko. Bagsak na naman ako sa business math subject namin. Para akong hihimatayin sa kaba at inis. Buong magdamag akong nag-aral tungkol dito pero bakit bagsak parin ako?
“Buti pa nga ikaw naka-five pa, e. Tignan mo yung amin, zero.”
Palaging mababa ang scores namin pagdating sa subject na'to. Sinisira nito ang card ko kaya hate na hate ko ang teacher namin dito. Bukod kasi sa mabilis siyang mag discuss, bobo rin ako sa math kaya kahit anong paliwanag niya ay wala talaga akong maintindihan.
“Si Ella nakakuha ng forty. Ang galing niya talaga sa math.”
Isa pa ‘to sa problema ko!
Sinabunutan ko ang sarili ko at inis na pinunit ang test paper ko. Hindi niya ako pwedeng malamangan. Kailangan kong maging valedictorian. Hindi pwedeng makuha niya ang pwesto ko!
“Hoy baliw!” singhal ni Martina at kinuha sa'kin ang test paper na dalawang piraso na ngayon. “Baliw ka na ba talaga? Lalong bababa ang grade mo kapag hindi kumpleto ang test papers mo.”
Tinignan ko siya ng masama. “Papatayin ako ni Papa kapag nakita niya yan!”
“Matataas naman ang scores mo sa ibang subjects diba? Palaging ikaw nga ang may highest score, e.” saad naman ni Belle kaya nanlumo ako.
Highest ako sa lahat pero sa subject talaga na'to ako mahina. Hindi ko alam kung anong pinagkaiba nito sa ibang subjects na hirap-hirap talaga akong intindihin. Nagiging bobo ako pagdating sa subject na'to.
“Bawi ka nalang sa semi, Monique. I'm sure mahahabol mo pa si Ella o kaya naman ay malagpasan mo pa siya.”
Pero bigayan na namin ng card sa Monday. Dalawang beses na akong nagkaroon ng ganitong score sa business math at palaging lagapak pa ang mga quizzes ko. Siguradong mababa ang ibibigay niyang grade sa'kin.
Bumuntong hininga ako nang ilagay ni Martina ang punit na test paper sa bag ko kaya pansamantala kaming tumigil sa paglalakad. Naiinis ako at parang maiiyak na dahil siguradong hindi na naman ako makakatulog sa kakaisip sa score ko.
Yes I'm an academic validation seeker, but only because I want to make my parents proud. Binibigay nila ang lahat sa'kin kaya gusto kong bumawi sa kanila sa pamamagitan ng pag-aaral ko. And my father always expect the best of me so ginagawa ko talaga ang lahat para makuha ko ang mga grado na alam kong magugustuhan nila.
Pagkalabas sa gate ay naghiwa-hiwalay na kami. Si Belle kasi ay naglalakad lang pauwi sa kanila, habang kami ni Martina ay sumasakay pa ng tricycle para makauwi.
“Hindi ako makakasabay ngayon sa'yo. May usapan kasi kami ni Mama, e. Sasamahan ko siyang mamili.”
And this is my biggest fear. Ang mag-commute mag isa.
Pero dahil wala naman akong choice ay tumango nalang ako sakanya at pinanood siya na pumasok sa CM bago ako bumuntong hininga at walang ganang lumapit sa mga tricycle drivers na nakapila. Gagastos na naman ako para sa pamasahe.
“Dito na miss, saan ka ba?”
Hinanap ko yung palagi naming sinasakyan ni Martina pauwi dahil may discount kami sa kanya pero mukhang namasada na siya dahil wala na siya sa mga nakapila. Sayang ang 80 pesos. Pwede ko nang ipambili ng libro yon.
“Hoy walang sisingit sa pila!” sigaw ng nasa likuran at kumunot ang noo ko nang maglakad siya palapit sa'kin. “Doon ka sa unahan miss. Kalabitin mo yung driver dahil siguradong may takip na naman yon sa tainga.”
Tumingin ako sa unahan at dahan-dahang lumapit doon. Sumilip ako sa loob at doon ko nakita ang driver na nakaupo habang may headphone na suot. Kumatok ako ng malakas dahil mukhang wala talaga siyang naririnig. Ang tamad naman nito.
BINABASA MO ANG
Something in the Orange
RomanceDate of publication: July 08, 2024 In the midst of a family conflict, what would you do if you fell in love? Are you going to fight? Or will you give up? When he is doing anything to protect her, she's protecting him too in her own way. He fell in...