Chapter 3
It hurts. Sobrang hapdi ng mukha ko habang patuloy sila sa pagpapahid ng matte foundation sa mukha ko. Gusto kong mag reklamo pero alam kong hindi rin nila ako pakikinggan kaya tiniis ko nalang.
Binawasan din nila ang kilay ko dahil ayaw ni Mama na kumapal ito. Mas bagay daw sa'kin ang manipis na kilay. And they also cut my hair. Sa sobrang dami ng nabawas sa buhok ko ay gumaan ang ulo ko. Hanggang balikat ko nalang kasi ito ngayon.
Ayoko rin naman ng mahabang buhok kaya pabor ito sa'kin pero si Mama ay gustong pahabain ito na siyang ayaw din ni Papa dahil napapansin niya ata na ginugupitan ko ang sarili ko sa tuwing nabibigatan ako. I just don't like long hair and that's what my mother doesn't like about me. She hates me for cutting my hair.
Pero wala siyang magawa dahil utos yon ni Papa.
“Matagal pa ba kayo?”
Napatingin kami sa pintuan nang biglang pumasok si Papa. Nanlaki ang mga mata ko at gulantang na tumitig sa kanya. He is forbidden to enter my room when I'm preparing. That's the least thing he can do for my mother since he’s disobeying her most of the time.
“What the hell are you doing?” naguguluhang tanong niya at nilapitan ako.
Nangilid agad ang luha ko nang hawakan niya ang baba ko at pinagmasdan ang mukha ko. Alam kong nakikita niya ngayon ang dugo na nagmumula sa nasugatan kong kilay.
“Alex, get out. You're not allowed to come here!” galit na pagtataboy ni Mama at itinulak pa niya ito kaya hindi ko na siya napigilan pa when he gripped my mother's arm.
Napatayo ako sa takot na baka magkasakitan pa sila.
“Nakikita mo ba kung anong ginagawa mo sa anak mo?! Look at her! Ginagawa n'yo siyang manika!”
Kumirot ang puso ko nang dahil don. But the most painful thing is I'm just letting them treat me like a marionette.
“You don't know anything about this Alex kaya wag mo akong pangunahan. Ginagawa ko ‘to para sa kanya!”
“You’re doing this for yourself, Samantha!”
Parang kulog ang boses niya at natakot ako nang makita ang baril na nakapiit sa pantalon niya. I wanna snatch that so that he can't use it against my mother.
“Ginagawa mo ‘to para makuha mo ang gusto mo! Anong mangyayari sa kanya kapag naging modelo sya? Magaya siya sa'yo na nagpo-pose ng malaswa sa harapan ng mga camera?!”
“Ma!” umiiyak na sabat ko nang sampalin niya si Papa. Hinarangan ko siya para hindi na siya makalapit sa Papa ko pero hinawakan niya ang braso ko at inilagay ako sa likuran niya.
“Ginagawa ko ‘to para rin sa'yo. Hindi siya pwedeng lumabas na ganito ang mukha dahil hindi siya makikilala ng mga tao—”
“Putangina mo!” galit na sigaw niya at ginawa niya na nga ang kinatatakutan ko. He pointed the gun at my mother and I could see his determination to pull the trigger. “Anong gusto mong palabasin? Na gumaganda lang ang anak ko kapag nilalagyan niyo siya ng make-up? Gusto mo bang pasabugin ko yang mga bungo nyo ah?! Ginagawa niyo siyang katatawanan!”
Too much trauma. I've been experiencing this since I was a kid and it's funny that I'm not yet used to this. Natatakot pa rin ako kapag nag-aaway sila.
“Get out, Alex. Kapag ako ang napuno sa'yo, malalaman nila ang sekreto mo.”
I never knew my parents. I just know that they're my parents and they only want the best for me. It's like we have been friends for a long time but I never saw their real faces. They are my parents yet they're unknown to me.
BINABASA MO ANG
Something in the Orange
RomanceDate of publication: July 08, 2024 In the midst of a family conflict, what would you do if you fell in love? Are you going to fight? Or will you give up? When he is doing anything to protect her, she's protecting him too in her own way. He fell in...