Chapter 1

6 1 0
                                    

Chapter 1

Nagpaalam ako kanina kay Papa na pupunta kina Martina kahit ang totoo ay kina Allison ang lakad ko. Ayaw kasi ni Papa na pumupunta ako rito sa Campo Grande kahit sabihin ko na bibisitahin ko si lola. Hindi na rin nila binibisita si lola dahil hate na hate nila ang lugar na'to. Ako lang naman ang gumagawa ng paraan para makapunta pa rin dito.

"You won't really join us here?" tanong ni Allison.

Naliligo sila sa pool at enjoy na enjoy. I wanna join them pero baka mabura ang make-up ko. Kahit waterproof ito ay nangangamba parin ako na baka magulo ang itsura ko.

Ngumiti ako at umiling. "Wag na. Baka mabura ang make-up ko."

I'm open to them regarding this issue. Alam nila na hindi ako pwedeng lumabas ng bahay na walang kolorete sa mukha. They know that I need to wear makeup to hide my scars.

Kumunot naman ang noo ni Alli at lumangoy papunta sa gilid ng pool. Nakaupo lang naman ako at pinapanood sila. Sa sobrang init ng panahon ay bigla nalang silang tumalon kanina sa pool kahit wala naman sa plano namin ito.

"I'll just fix your make up," pangungumbinsi niya pero buo na talaga ang loob ko na tumanggi.

"Hindi na Alli. Pupunta na rin naman ako kay lola." I said at para hindi niya na ako kulitin pa ay tumayo na ako at kinuha ang bag ko.

"Anong oras ka babalik?"

Kapag tapos na kayong mag swimming.

Tumingin ako sa dalawa na abala pa rin sa paglangoy bago ako lumingon kay Allison.

"Sandali lang ako. Babalik din ako agad."

Kinuha ko na rin ang bouquet na binili ko para sa kanya at saka ako tumingin sa kanila.

"Bye guys! Babalik nalang ako mamaya!" sigaw ko para marinig ako ng dalawa.

"Bye! Take care!"



Lumabas na ako ng mansion nila at sinimulan na ang paglalakad. Wala akong masakyan dito kaya nilalakad ko na lang kahit may kalayuan ang MVC. Nasa dulo palang kasi iyon na katapat ng mansion ng mga Javier. Kung pwede lang sana ang mga tricycle rito ay sasakay na ako kaso pinagbawalan sila na pumasok kaya sa labas ng village nalang sila nakapila.

Sobrang ganda ng Campo Grande. Masasabi mo talaga na hindi lang basta mayaman at may kaya ang mga nakatira rito. Siguro sa sobrang yaman nila ay pwede na nilang pakainin ang buong isla. At itong mga mansion nila ay milyon-milyong dolyar ang ginastos nila para rito. Dito nakatira noon si lola kaya alam ko ang history ng Campo Grande. Nilayasan lang siya ni Papa nang mabuntis niya si Mama kaya napunta kami sa Santa Monica. Ayaw kasi noon ni lola kay Mama kaya tumakas nalang sila.

Kahit madalas mag-away ang parents ko ay nakakakilig at nakaka inspire naman ang kwento nila. Palaging kinukwento noon ni lola sa'kin ang mga ginawa ni Papa para kay Mama kaya nangako ako sa sarili ko na maghahanap ako ng lalaking gaya niya.

"Pastor!" sigaw ko nang makita siyang kakalabas lang sa mansion ng mga Ferrer. Katabi lang nito ang mansion nila Evan kaya nakita ko rin si Tito na nag-e-exercise sa garden nila.

Tumingin sa'kin si pastor at ilang minuto niya pa akong tinitigan bago niya ako nakilala. Malabo kasi ang mga mata niya at hindi niya madalas suotin ang salamin niya kaya siguradong hindi niya ako masyadong nakikita.

Lumapit ako sa kanya at nagmano.

"Good morning po, pas."

"Good morning din Monica," nakangiting aniya at hinawakan ang ulo ko. "Hindi kita nakita last Sunday. Hindi ka na naman ba pinayagan ng Papa mo?"

Something in the Orange Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon