Chapter 2
Sobrang taas ng mga grades ko. I have four one hundred and that's enough to see my name in our bulletin board but I have one line off eight. 85 ang grade ko sa business math kaya 97.11 lang ang nakuha kong average na malayong malayo sa average ko noong first semester na 99.96.
I should be glad dahil ako pa rin ang pinaka mataas sa klase pero hindi ko kayang tanggapin na bumaba ang average ko. Gusto ko pa itong tumaas hanggang sa makuha ko ang one hundred na average pero nang dahil sa isang subject ay mukhang malabo ko na itong makuha.
“Ang galing mo talaga, Monica. Siguradong magiging proud na naman ang Papa mo kapag naki—”
Agad kong inagaw mula sa kanya ang card ko at itinago ito sa bag. Nagulat naman siya at hindi makapaniwalang tumingin sa'kin.
Kinagat ko ang labi ko at agad na nakonsensya sa ginawa. I know that's rude.
“H-Hindi ko po pwedeng ipakita kay Papa ang card ko ngayon Tita…” pag-amin ko at agad na nangilid ang luha ko. “Siguradong magagalit siya kapag nakita niya ang line off eight sa card ko.”
Ngayon lang ako nagka line off eight kaya hindi pwedeng makita niya ito. Natatakot ako na baka magalit talaga siya sa'kin pag nalaman niyang bumagsak ako sa isang subject. I should improve first bago niya makita ang card ko. Sisiguraduhin ko na mas lalo pang tataas ang average ko sa final.
“Ako na ang magtatago niyan para mapirmahan ko na rin,” sagot niya at malamlam ang mga matang nakatingin sa'kin.
Dahan-dahan akong ngumiti sa kanya. “Thank you po, Tita.”
Lumabas na kami ng school at pumunta sa mga tricycle drivers. Panay ang tingin ni Tita sa bagong Billboard ko na nasa harapan ng school. Ni hindi ko naman iyon matignan dahil pakiramdam ko ay hindi ako yon.
Lumapit kami sa unang tricycle na nakapila pero panay pa rin ang pagtingin ni Tita sa Billboard ko. I can't help but to feel embarrassed dahil siguradong naninibago si Tita sa itsura ko sa litrato kumpara sa itsura ko sa bahay.
“Hoy Arkanghel! Ikaw na!” sigaw ng isang driver at kinalabit ang driver na nasa loob.
Sumilip ako at parang hihimatayin ako nang makita ang driver na sinakyan ko noong Biyernes. Panibagong dagok sa buhay na naman ang kakaharapin ko ngayong araw. Palagi nalang akong sinusubakan ng kapalaran.
Tumingin sa labas ang lalaki at parang kinilabutan ako nang magtagpo ang mga mata namin. Kinakabahan ako dahil alam ko kung gaano siya kabilis magpatakbo. Para siyang kabayo.
“Saan?” parang inis pa na tanong niya at lumabas.
Bakit laging mainit ang ulo ng isang ‘to? Dapat nga ay masaya siya sa tuwing may sumasakay sa kanya.
“Sa dulo ng Santa Monica,” mataray din na sagot ko at lumingon kay Tita. “Sa likuran nalang po ako.”
Namili kasi siya kanina bago kami pumunta ng school kaya marami kaming bitbit. At hindi kami kakasya kapag parehas kaming pumwesto sa loob.
“Kumapit ka nang maigi diyan, Monica.” paalala niya habang pinapasok sa loob ang mga pinamili namin.
Tinulungan siya ng driver na ipasok ang gamit namin sa loob kaya umupo na ako sa likuran. Inayos ko ng maigi ang suot kong skirt at kumapit sa bakal ng sobrang higpit dahil ride to heaven na naman itong kakaharapin namin.
“Kuya, hindi ka ba naiinitan sa suot mo?” takang tanong ko nang maupo siya sa unahan ko.
Balot na balot kasi siya at tanging mata nalang niya ang visible sa kanya kaya parang ramdam ko ang init na nararamdaman niya. Takot na takot siguro siyang umitim.
BINABASA MO ANG
Something in the Orange
RomanceDate of publication: July 08, 2024 In the midst of a family conflict, what would you do if you fell in love? Are you going to fight? Or will you give up? When he is doing anything to protect her, she's protecting him too in her own way. He fell in...