Going back to the PAST ...

328 12 5
                                    

A/N: Nakakabad trip! Alam nyo yung feeling na natype mo na yung Iu-UD mo tapos biglang nawala :( Pinaghirapan ko yun eh :( Ang haba na kaya nun, nag effort ako nun para sa inyong kapwa JulQuen fans kasi napapansin ko lately ang unti ng update ko. Letche! Tapos nawala. Gagawa tuloy ako ng bago, HMP! Anyways.

Comment nyo po saakin kung sino po yung bagay na maging Eliza sa story po. Please po mag comment naman po kayo ha.

A. Ella Cruz

B. Liza Soberano

C. Jane Oineza

D. Coleen Garcia

Comment po kayo guys haaa! Hindi ko po mare-reveal ng buo si Eliza kapag hindi kayo nag comment. I'll be waiting! :)

***

/No One's POV/

Pagkatapos kausapin ni Lance si Joanna ay tumakbo na ito sakanyang kwarto. Agad siyang dumapa dito at umiyak. Hindi nya alam kung ano ang gagawin nya. Tuloy tuloy ang pagpatak ng mga luha nya. Kinuha nya ang unan na kulay violet na ibinigay sakanya dati ni Lance. Kinuha nya rin ang kumot nya at nagtakblob ng mukha.

Hanggang sa narinig nya ang kanyang pintuan na nagbukas.

"Anak ...."

Kaagad niyang pinunasan ang kanyang mga luha at tumagilid pa lalo sa kama upang hindi makaharap ang kanyang ina.

"Anak"

"Ma, wala po ito matulog na po kayo"

"Anak, alam kong may problema, Tell me"

Kaagad na umupo sa kama si Joanna upang makaharap ang ina. Nakasimangot ito ngunit nakataas ang isang kilay. (Parang si Clara sa Mara Clara po sya dito)

"Wala po akong problema, Okay? At kung meron man po! Aba'y himala at nagtanong kayo! Never nyo naman akong pinakealaman ha! Bakit ngayon lumalapit kayo dito at nagmamagandang loob, Bakit kase wala pa si Eliza! Maghintay lang ho kayo! Nasa school pa po yung magaling nyong anak! Nagsisipag, honor yata eh. Pwede ho ba umalis na kayo dito"

"Joanna!"

"What? "

"Hindi ka namin pinalaki ng ganyan ng papa mo! You know that!"

Dinuduro duro na si Joanna ng kanyang ina.

Inirapan ito ni Joanna. "Ako ho?" sabay turo sa sarili neto.

"Wow! Ni hindi ko nga po matandaan na tinuturuan nyo ako sa homeworks ko eh! Kailan nga ba nangyari yun? Sigurado ho ba kayong pinalaki nyo ako? Wala po kase akong matandaan eh, kase ang alam ko ho kase yung buong atensyon ninyo na kay Eliza! Na kay Eliza na anak ni papa sa kabit nya! Diba tama ho ako! Pilit nyong inaalagaan at nirerespeto si Eliza dahil ayaw mong mag-away kayo ni Papa! Pero mama! Hindi sapat ma rason yun para tratuhin nyo ako ng ganito! Simula bata palang ako wala na kayong ibang ginawa kundi pagbawalan ako parati! Alam nyo mas madami pa ngang naituro na maganda saakin si Lance eh! Yung bestfriend ko po na ayaw nyo! Buti pa nga ho sya may oras saakin! Eh kayo po yung atensyon nyo nasa batang bunga ng isang KABIT!"

Agad na sinampal ng nanay ni Joanna si Joanna. Tuloy tuloy parin ang agos ng luha ni Joanna.

"Joanna! Stop this! What's the point? Ipinapamukha mo saakin na Tanga ako! Ganun ba yun? Ha! Joanna!" at inalog alog nya ito. Itinulak sya ni Joanna.

"Bakit? Kase ayaw nyo pong marinig ang katotohanan?! Na mas mahal ninyo ang anak ng kabit kaysa sa tunay ninyong anak! Noong una ang sabi ninyo sa akin PINSAN ko lang si Eliza! Pero nagsinungaling ho kayo! Kaya pala ganun nyo sya kung tratuhin kase anak sya ni Papa sa labasss!"

Friend Zone (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon