FriendZone .. (JulQuen)

2.2K 19 6
  • Dedicated kay Alyssa Rhose del Prado
                                    

P R O L O G U E:

Joanna POV.

Nasa canteen kami ngayon kasama yung bestfriend ko na si Lance, lunch time kase ngayon kaya naman eto ang loko, nanlibre! Pero ewan ko ba parang hindi ko feel kumain ngayon, parang wala akong gana, kahit na paboritong pagkain ko pa yung naka hain diyan.

"Best, kain ka na! Tulala ka dyan eh .. Ok ka lang ba?" sabi sakin ni Lance.

"Oo naman, Napaisip lang naman ako .. Kumain ka na" sagot ko naman sakanya

"Gusto mo ba neto? Bakit ang tamlay mo? Susubuan kita" sabi ulit ni Lance, tapos kinukuha niya yung kutsara ko, at sinandok niya yung ilang kanin at ulam, tapos tinatapat niya sa bibig ko.

"Wag na. Kaya ko to .. Susubo nako oh" inagaw ko naman sakanya yung kutsara na hawak niya, ang kulit kulit kase, tapos kung ano ano pa yung sinasabi niya, kaltukan ko na kaya to, joke lang!

"Joanna! Nakita mo yun ?" nagulat nalang ako nung bigla siyang sumigaw, ano ba yun? Kita mong kumakain na nga ako oh, tapos bigla naman siyang sisigaw tapos may tinuturo pa, manuno ka niyan, makita mo.

"Ang alin?" sabay tingin ko sa likod ko. Aiissh! Sino ba kasi yun?Yung totoo, pinagtri-tripan ba ako netong lalaking to, or may nakita talaga siya, baka naman kinuha niya na yung pagkain ko! Pagharap ko sakanya, nakatulala padin siya dun sa tinuturo niya, Haayy, buhay parang life. Sino ba kase yun?

"Ayun! Ang ganda nya talaga .. Nakakainlab!" sabi niya, tapos yung boses niya pa parang nagde-day dream, yung totoo, Lance?!

"Ahh! Si Hope Tuarez. Oo maganda talaga yan, mabait pa" sabi ko, nakita ko na kase yung tinuturo niya, finally! Si Hope pala yun, maganda yun. Naka-club ko na siya dati sa volleyball eh, magaling din siya, tapos matalino, pero ang alam ko .. may boyfriend na siya.

"Sa tingin mo kaya .. Uhm, pwede ako dyan?" tanong niya sakin, anong pwede? Pwede mag apply ng trabaho, haha. Joanna, corny! Pero hindi ko talaga gets kung anong pwede, niyahaha.

"Anong pwede?" tanong ko sakanya, tapos kumunot naman yung noo niya, tapos binatukan ako, aray ah!

"Manligaw! Ang slow mo ha!" sabi niya sakin, sorry naman. Malay ko ba naman kase kung saan siya pwede diba, malay mo mag-igib pala ng tubig.

"Wow haa! Ako pa slow .. Pssh! Ewan ko sayo" niligpit ko yung pagkain ko, at tumayo na sa upuan ko at umalis, ako pa ngayon yung slow, malay ko ba naman kasing manliligaw siya diba, kaya ayun sa sobrang inis ko, walk out ang peg ko.

xxxx

Pagkatapos nung walk out scene ko, dumiretso muna ako sa cr, at nag freshen up, aba'y syempre, nakaka stress kaya kapag may ganun kang best friend tapos, samahan mo pa netong, sakit ng ulo ko, at yung feeling na parang hindi ako makahinga, ewan ko. Basta, naninikip yung dibdib ko, sana naman, wala lang to.

Pumunta na ako sa classroom, magsisimula na din kase yung klase namin, mahirap na no, masama na nga yung pakiramdam ko, tapos late pa ako, nasaan ang hustisya?!

"Joanna. Sorry kanina ha" pagpasok ko sa classroom bungad na agad sakin ni Lance. 

"Ok na. Kaw pa matitiis ko .." sabi ko sakanya, kawawa naman eh, tsaka mukha naman siyang concern, at isa pa .. wala din naman tong maidudulot saamin kung patatagalin ko pa diba.

"Joanna, bat namumutla ka? May sakit ka ba?" Sakit? Ano nanaman bang pinagsasabi niya? Magkatabi kase kami ng upuan tapos yung pag-upo ko, lumingon ako sakanya at sa hindi inaasahan na pagkakataon, nagtama ang aming mga mata, bakit ang lalim ng tagalog ko? Hahaha. He cupped my face, biglang english? 

Friend Zone (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon