Kabanata VIII

9 4 0
                                    


Ilang araw na lang, gaganapin na ang parada. Bago mangyari yun gusto ko muna malaman kung ano ang ginagawa ni Alvin sa lugar na to. I need to find him at kung saan pa ba siya pumunta galing dito, abala ang lahat sa paghahanda ng lugar upang mapa ayos ang darating na occasion.

Sa ngayon ang meron pa lang ako ay dalawang tao na nakakilala kay Alvin, kailangan kong maka usap si Tina.

Lumabas ako at naglakad lakad, hinahanap ko si Tina pero hindi ko siya makita. Hindi ako tumigil sa paghahanap at nakita ko si David habang gumagawa ng gamit para sa parade.

Nilapitan ko siya at inabutan ng tubig, pawis na rin kasi siya and sabi niya nagkasakit siya, dapat mag hinay hinay siya sa mga trabaho lalo pa't kaka recovery niya palang pala.

"Don't let yourself exhausted too much" sabi ko sabay abot ng tubig sa harap mismo ng mukha niya.

Tumigil siya sa ginagawa niya at inabot yung tubig. Nagtawag siya ng isang kasama at nakisuyo na ituloy yung sinimulan niya. Humarap siya sa akin at ngumiti.

"Concern?" Tanong niya habang naka ngiti, pero yung ngiti niya, parang may something ehh.

"Wag kang feeling, naawa lang talaga ako sa'yo." Sagot ko at inilibot ang tingin sa paligid nagbabakasakali na makita si Tina.

"Okay, sabi mo eh" sabi niya.

"And I'm here, because I actually need your help." Kumunot naman yung noo niya at naglakad palapit sa akin.

"About what?" Tanong niya.

"Alam mo ba kung saan nakatira si Tina?" Tanong ko.

"Hindi mo gugustuhing malaman" nagtaka ako ng sabihin niya iyon, bakit naman hindi? Unless nasa hindi maayos na kalagayan ang bata.

"Anong sabi mo? Bakit naman? I really need to talk to her." Sunod sunod na sabi ko. Hindi niya ako sinagot agad, nakatingin lang siya sa akin.

" Pwede mo ba akong dalhin sa kaniya?" Pag mamakaawa ko, nag deep sigh lang siya at naglakad na siya papunta sa motor niya.

" Tara" sabi niya at agad naman akong sumakay sa motor niya.

"Sinasabi nilang hindi normal si Tina, maraming may ayaw sa kaniya. Hindi siya nakakasundo ng ibang mga bata dahil sa minsan ay nagsasalitang mag isa si Tina." Kwento ni David habang nag d'drive. Hindi ako sumagot at nakinig lang sa sasabihin niya.

" Kasama niya si ate Mirna, ang mama niya. Medyo nasira kasi ang pag iisip ni ate Mirna ng mawala ang asawa niya. Hanggang ngayon hindi niya pa rin makita."

" Nawala?" Gulat na tanong ko. Kakaiba ang naramdaman ko ng sabihin ko yun. May mga nawawala dito? Sa munting baryo na'to? Hindi kaya dito rin nawala si Alvin?

"Sabi naman ng karamihan ay nakita daw nila ang asawa ni ate Mirna na paalis ng baryo. Pupunta daw ng Manila. Sadyang hindi lang talaga matanggap ni ate Mirna na tuluyan silang iniwan ng asawa." Dagdag niya pa at bumaba kami ng motor at ipinark niya iyon sa gilid at naglakad na kami papasok sa gubat.

Dito? Dito dumadaan si Tina? Sa gubat na to? Nakakatakot kaya dito.

Tahimik ang loob ng gubat, tanging mga tunog ng hayop at insekto lang ang maririnig.

" Larahhhh~" ayan na naman ang lintik na boses na yan! Hindi talaga ako ta'tantanan ng bulong na yan?

" Na-narinig mo ba yun?" Utal na tanong ko kay David at humawak sa laylayan ng damit niya.

"Ang alin?" Takang tanong niya at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"The voice, it's calling my name!" Sagot ko.

"Wala naman akong narinig. Alam mo kasi minsan sa sobrang takot ng isang tao-"

"-nag fo'form ito ng imagination sa utak niya at kung ano ano nalang ang nakikita or naririnig." Iritang dugtong ko sa sinabi niya. Hindi na siya nag salita at nag taka siguro kung bakit ganun ang inasal ko.

"Larahhhh~"

"STOP!" Sigaw ko at huminto naman sa paglalakad si David at lumingon sa akin. May narinig akong kaloskos ng mga sanga at dahon, I think tumatakbo ito papunta sa amin ang tunog.

"What?" Takang tanong ni David, hindi ko siya sinagot dahil naka fucos lang ako sa mga dahon at tunog nito.

"WAAAAAA!" Sigaw ko at napahawak ako sa braso ni David dahil sa gulat at takot.

Biglang kasing sumulpot sa harap ko si Tina, madungis ang mukha niya at may dala dala siyang supot na may lamang mga prutas at gulay na makukuha sa kagubatan.

"Hi, ate Lara" nakangiting sabi niya. Nag katitigan lang kami ni David at na realize kong mahigpit na nakahawak sa braso niya yung mga kamay ko. Binitawan ko bigla iyon at lumapit kay Tina, narinig kong tumawa siya ng mahina kaya tinitigan ko siya ng masama.

"Tina, anong ginagawa mo dito ng mag isa? Hindi ka ba natatakot?" Tanong ko habang naglalakad kami.

"Hindi po, sanay na po ako at hindi naman ako mag isa eh" sa sinabi niyang iyong ay muli na naman akong kinilabutan.

Dahil wala naman talaga siyang kasama kundi ang sarili niya lang.

"Mamaya na tayo mag usap, pumunta muna tayo sa bahay niyo" sabi ko sa kaniya at nauna na siyang naglakad.

Nakarating na rin kami sa bahay nila, halos talpak talpak nalang ang bahay nila, isang bagyo lang ay lilipad na ang mga part nito.

"Asan ang mama mo?" Tanong ko.

"Nasa loob siya, hindi siya maka kilos ng maayos, may sakit kasi siya." Sagot ni Tina at nilapag ang mga dala niya at hinugasan.

"Bakit kayo nandito?" Tanong ni Tina nang hindi man lang tumingin sa akin.

"Naaalala mo yung napag usapan natin nung nakaraang araw?" Tanong ko at kinuha ko yung phone ko, ipinakita ko sa kaniya yung picture ni Alvin.

"Ito oh, si Alvin? May iba ka pa bang alam sa kaniya?" Tanong ko.

"Palagi ko siyang nakikitang kausap ang Councilor. Minsan din siyang pumunta sa bahay niya." Sagot niya.

Tiningnan ko naman si David. Nakaupo lang siya dun sa tabi habang nakatingin din sa amin.

"Alam mo ba, ang bunga ng isang puno ay pinapakinabangan ng mga tao, pero upang mamunga ang puno kailangan muna itong alagaan na kung minsan ay nilalagyan ito ng pataba upang mamunga ng maraming prutas" sabi ni Tina habang hinuhugasan ang mangga.

"Oo, alam ko yan. Pero Tina, gusto ko pang malaman yung tungkol kay Alvin, ano pa bang alam mo?" Tanong ko, I feel desperate. Desperate enough to find him.

"WALA SIYANG ALAM!" Biglang may kamay na humawak sa kamay ko, napasinghap naman ako sa gulat. Mahigpit yung hawak niya sa akin at nang tingnan ko siya ay masama ang tingin niya sa akin pero may tumutulo na luha sa mga mata niya.

"Nay" tawag ni Tina doon.

"Hindi ka na dapat pumunta pa dito! Alis! UMALIS KA NA!" Sabi niya at nagwala wala na siya.

Agad naman lumapit si David at inaya na niya akong umalis sa lugar na yun.

Natatakot ako at kinabahan. Hindi man lang nasagot ng maayos ang tanong ko. Bumalik na kami sa daan namin.

"Ate Lara, mag iingat ka!" Pahabol na sabi Tina at bumalik sa bahay nila.

Hindi ko man makuha ang information na gusto ko, at least may iba pang nakakilala kay Alvin.

Councilor Margarette! Anong alam mo tungkol kay Alvin? Malapit na. Malapit na at makikita na rin kita Alvin.















***********************
Thank you.

Echoes From The HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon