Chapter 16 NOT NUMB

9 13 0
                                    



[ Ronick Zulaivan ]

Nakakapanibago at mabigat sa dibdib dahil parang umiiwas tuloy sa akin si Kali, si Mellicent ang palagi niyang kasama at minsan pati si Bruce ay kaharutan na rin nila. Naging malapit na sila Mellicent at Bruce simula ng prom at nakikita kong magkasabay palagi sila sa gate tuwing uwian. Hindi ko na rin kase nakakasama si Bruce dahil busy nga ako kay Kali no’ng mga nakaraang linggo.

Tapos ngayon, mag-isa ako sa bench habang nakamasid sa kanila. Alam kong hindi pa handa si Kali sa isang relasyon at ayoko naman na kulitin siya dahil kaya ko naman maghintay sa kanya. Pero palagi kong nadadakip si Kali na nakatingin sa akin at umiiwas siya kapag nakatingin ako sa kanya. Halatang umiiwas siya sa akin. Pareho naman kaming hindi pa handa dahil pareho kaming may pinagdadaanang kakaibang sitwasyon na hindi kayang ipaliwanag ng isang normal na tao.

Okay na rin siguro ang ganito dahil walang pipigil sa amin pareho kung sakaling sa ibang mundo pala ang tadhana namin at salingpusa lang pala kami dito sa totoong mundo.

Hindi ko alam bakit ganoon na lang ang pag-aalala ko sa babaeng iyon, simula noong nadulas siyang nagkuwento na nakakapunta siya ng ibang lugar ay naging interesado na ako sa kanya, sobrang gaan ng pakiramdam ko sa tuwing katabi ko siya. Lalo na noong nangyari sa sasakyan na halos hindi na siya huminga ay sobrang nag-aalala na ako sa kanya araw-araw. Paano kung walang makapansin sa kanya? Baka mapahamak siya.

Mas lalong lumalim noong naging partner ko siya sa prom, totoong napakaganda niya nang gabing iyon, hindi ko mapigilan ang puso ko na hindi humanga sa kanya at alam kong aware siya na gusto ko siya kahit hindi ko man sabihin dahil ramdam kong may kakaiba rin siyang pagtingin sa akin. Iyon nga lang hindi ko sigurado dahil masiyado siyang malihim.

Unti-unti na niyang sinasakop ang puso ko kahit wala naman siyang ginagawa sa akin, masungit nga siya minsan e’ tapos nakakapagselos pa ang kinukuwento niyang lalaki sa lugar na napupuntahan niya. Kung puwede lang na sundan ko siya. Kung puwede lang na samahan ko siya kahit saan man siya magpunta kasu halos isang buwan na kaming hindi nag-uusap. Magtatapos na rin ang pasukan kaya baka hindi na rin kami magkita kung talagang gusto niya na akong iwasan.

‘Alamin mo kung anong taon sa lumang panahon ng panaginip mo.’ Naalala ko ang sinabi niya noong huli kaming mag-usap. Nahihiwagaan ako sa utos niya sa akin pero kailangan ko siyang sundin dahil hindi naman mahirap ang pinapagawa niya.

“Buti nakarating ka,” salubong sa akin ng isang mahiwagang babae sa gitna ng masukal na kagubatan. Wala naman akong sinakyan papunta sa lugar na ito, naragpuan ko na lang ang sarili ko na malungkot akong nakatingin sa kanya.

“Ano bang nangyayari?” usisa ko na may pagtataka.

“Ron, may usapan tayo ngayong Marso, diba? Sabi mo maglalayag tayo papuntang America,” excited na sambit ng babae sa harapan ko. Seryoso? Hindi ko nga maaninag ang mukha niya tapos mayroon pala kaming travel papuntang U.S? Hindi ako makapaniwala!

“Tara na!” masayang kumapit siya sa braso ko at hinila ako papuntang kalsada sa kabila ng gubat. Isang maliit na bag lang ang dala niya, wala akong imik habang sinasabayan siya sa paglakad. “Marso?” sambit ko. Teka! May kailangan akong malaman.

“Anong taon ngayon?” tanong ko sa babaeng nakahawak pa rin sa braso ko.

“Ano ka ba! Hindi ka pa sanay? Noong nakaraang taon magkasama tayong pumunta ng Malaysia diba? Taong 1820 na ngayon, akala ko nga hindi ka sisipot e’ dahil nahihiya ka na naman na ako ang gumagastos ng lahat,” saysay ng misteryosong babae. Wala ako masiyadong naiintindihan sa sinasabi niya kundi ang natatandaan ko ay taong-1820 ngayon. Kailangan kong maalala dahil sasabihin ko kay Kali ito.

The Secret Of Our Universe | THE PHANTAZEIN SERIES 2 On GoingWhere stories live. Discover now