[ Kali Marie Ortiz ]
‘He suddenly become a part of my life.’ Walang mapagsidlan ang kaligayahan ng puso ko simula pa kaninang umaga habang kasama ko si Ronick sa bahay nila. Ang isipin pa lang na kami lang dalawa sa loob ng bahay nila ay sobrang kinikilig na ako tapos niyakap niya pa ako? Saan ko na ilulugar ang kiliti sa katawan ko? Halos pigilan ko na ang paghinga ko habang nakadikit siya sa akin.
Wala e’ lunod na lunod ako sa mga binibitiwan niyang salita at hindi ko itatanggi na gustong-gusto ko ang mga galawan niya. Pinag-aralan niya talaga kung paano ako i-corner, buti wala akong topak simula kaninang umaga dahil kung hindi baka naglaho siya ng parang bula.
Siya naman talaga ang sadya ko. Ilang araw ko pinag-isipan ang puntahan siya sa kanila dahil ako naman talaga ang may kasalanan, basta ko na lang siya iniwasan ng walang dahilan. Noon pa man, halos tatlong taon ko na siyang napapansin na nakatingin sa gawi ko. Ayoko lang bigyang pansin dahil wala pa sa isip ko ang kiligin, ngunit no’ng naramdaman kong pareho kami ng interes sa buhay ay hinayaan ko na siyang lumapit sa akin at guluhin ang buhay ko. Total magulo na rin naman.
Palagi siyang nasa tabi ko kaya sa araw-araw na magkasama kami ay unti-unting nahulog rin ako sa kanya. Hindi ko naman siya gusto dati e’, he’s not my ideal man either. Pero ganoon talaga, hindi ko na rin mapigilan ang nararamdaman ko dahil sobrang maalaga siya at protective, kampante akong kasama ko siya at alam kong magiging masaya ako sa tabi niya.
“You are smiling alone.” Napatalon ako ng may dumamping malamig na kamay sa noo ko.
“What?!”
“Someone occupied your mind. Hindi mo napansin na kanina ka pa tulala sa upuan,” giit niya. Oo nga, hindi ko talaga namalayan na nasa ibant lugar na ako. Matutulog na dapat ako e’ nakapagbihis na nga ako ng pajamas. Oh my God! Wala pa naman akong suot na bra! Nakakahiya!
“Long time no see, Maria. What happened in your world? May naging problema ba? Halos ilang dekada kang hindi nagpakita sa akin?” sunod-sunod na tanong niya. Kahit ako nagtataka rin kung bakit ngayon na lang ako napadpad sa ibang lugar at hindi ko matukoy ang lugar kung nasaan ako.
Iginala ko ang mga mata ko sa kabuuan ng lugar, I’ll never see this place before but I’m sure this is not my country, I’m not in the Philippines. “Where are we?” baling ko kay Kuya Stranger.
I’m standing at the top of small bridge, there’s a lagoon nearby then a blue sea was like a painting. On the other side there’s a scenic view of buildings with different colours, certainly it’s residency. A house because a lot of clothes hanging around the veranda. Then I saw a store and mini grocery alongside the main road, a storey building named ‘Ristorante’
“This place isn't familiar but seems a tourist spot ’coz bunches of people had a camera in their hand. Where are we? A Latin country?” I guess based on a signage of some store and shops.
“Astonishing! You right! This is Latin country. Cinque Terre,” saad niya ngunit hindi ko maintindihan ang huling sinabi niya.
“What?” I noded then he smiled.
“Cinque Terre in english it’s Five Lands,” he translated as well but obviously I have no idea what country is.
“Cinque Terre comprises the five villages of Riomaggiore, Manarola, Vernazza, Monterosso and Corniglia. And we are in Italy!” he exclaimed while the pretty landscapes at the top of the highland caught my attention, including the nice cliff and wine terraces.
“Italy?! Oh my God! One of my dream country! Pero teka? bakit sobrang layo naman nito? Sana sa Asia na lang muna dahil hindi pa ako nagsasawa sa mga Chinese foods,” reklamo ko habang iginagala pa rin ang mga mata sa kabuuan ng lugar. “Pero okay lang We’re in pasta country naman! Yeey!” I yelled.

YOU ARE READING
The Secret Of Our Universe | THE PHANTAZEIN SERIES 2 On Going
RomantikBook Cover Credits to @Iamqueenwarrior 😊