Chapter 01: Ansarap Mo, Insan

8 0 0
                                    

Quick Disclaimer: All the characters in this story are all work of fictions from the author. Any actual names cited in this story that matches with the names of actual people and places are just mere coincidences.

Let's now start our story.

.....
....
...
..
.

LANCE'S POV:

Sa kalagitnaan nang aking pagmumuni-muni ay biglang huminto na ang sinasakyan naming taxi sa isang napakalaki at napakagandang bahay. Bumaba na si papa at ang driver tsaka pumunta sa trunk. Nagsimula na sila sa pagkuha ng mga bagahe ko habang ako naman ay nasa loob pa rin ng taxi at nakasilip lang sa bintana at pinagmamasdan ang malaking bahay sa tapat ko.

"Eto na po ba ang bahay nina Tita Anita?"
Tanong ko kay papa.

"Oo nak. Kaya bumaba kana diyan at tulungan mo na kami rito. Mabibigat tong mga gamit mo eh... Arghhh!"
Ang sagot ni papa habang binubuhat palabas ng trunk ang maleta ko.

Bumaba na ako ng taxi at tumulong na sa kanila. Nagsimula na ako sa pagbubuhat nang biglang...

"Anlaki ng katawan nitong anak mo pre, hah."
Biglang sabi ng driver kay papa.

"Nagji-gym kasi 'to dun sa Panglao eh kaya ganito ang katawan, bato-bato."
Ang sagot ni papa na parang ipinagmamalaki ako.

"Alam mo, boy,  may potential ka sa bodybuilding tas sakto rin ang height mo. 5'10 ka ba?" Sabi niya sa'kin.

"5'11 ho. Sa totoo lang, pampalipas-oras ko lang ang pagbubuhat. Para sa'kin, mas importante pa rin ang pag-aaral."
Ang sagot ko sa kaniya.

"Yan ang anak ko, kaya nga ako proud na proud diyan ehhh..."
Pagmamalaking sabi naman ni papa.

"Ayos rin tong anak mo hah, alam talaga kung ano ang salitang priority..."
Sabi niya kay papa.
"Basta, boy, 'pag may time ka, pumunta ka lang diyan sa kabilang kanto. May gym diyan, kapatid ko ang may-ari. Magiging masaya yun pag nakita ka."
Sabi niya naman sa'kin.

"Sige po. Punta lang ako pag may time."
Ang sagot ko.

Nagbayad na si papa sa driver at ito'y umalis na rin ilang sandali ang lumipas. Pinagmasdan namin nang ilang sandali ang malaking bahay na nasa aming harapan.

Lumapit si papa sa gate at pinindot ang doorbell nang dalawang beses. Maya-maya ay dahan-dahan na bumukas ang gate at lumabas si Tita Anita na puti ang mukha dahil sa pinapatuyong facial mask.

"Kuya David!"
Ang padamdam na sabi nito sabay yakap kay papa.

"Anita! Kumusta ka? Anlaki na nang pinagbago mo hah..."
Ang sabi ni papa.

"Sus!!! Si Inday Anita pa rin 'to, kuya. Matagal-tagal rin tayong hindi nagkita ah..."

Tinignan ako ni tita nang napakalalim.

"Eto na ba si Lance?"
Tanong niya kay papa habang bumibitaw sa yakap.

"Oo, yan na ang pamangkin mo."
Sagot ni papa habang nakangiti.

Nginitian ko si tita habang papalapit siya sa'kin. Pinagmasdan niya ako mula paa hanggang ulo.

"Antangkad naman nito tas angpogi pa hah. Malamang marami nang napaiyak na chixxx to no? And look at that, what a good body you have!"
Ang sabi niya na para bang namamangha.

Incest Or NOT?Where stories live. Discover now