ℭ𝔥𝔞𝔭𝔱𝔢𝔯 02

14 0 0
                                    

𝙲𝚊𝚜𝚜𝚒𝚎 𝙹𝚎𝚊𝚗 𝙰𝚕𝚟𝚊𝚛𝚎𝚣

"Mommy! Look, I've got four stars!" proud sabi ng anak ko. Sinalubong niya ako ng yakap at nagpabuhat. Ipinakita niya sa akin ang kamay nito na may nakatatak na apat na stars. Ginulo ko ang buhok nito. Napakatalino ng anak ko.

"Wow! Ang galing-galing naman ng baby ko!!" masiglang sabi ko at hinalikan siya sa magkabilang pisngi.

Napatingin ang anak ko sa pinto ng nag-ingay ang siradura— hudyat na may pumasok. Nanlaki ang mata nito ng mapagsino ang bagong dating.

"Mama-Lola!" Nagpumiglas ito sa aking pagkakabuhat at nagpababa. Tumakbo siya papunta kay Mama na excited ding makita ang kanyang apo.

"I miss you, anak!" sabi ni Mama kay Kayden. Nangilid ang luha ni Mama ng mayakap ang anak ko.

"Mama-Lola, miss na din kita!" Pinupog nito ng halik si Kayden. "I love you po!"

"May pasalubong kami ni Mama-Lola mo anak. Ito oh, doughnuts!" Inilabas ko sa plastic ang box ng doughnut. Nagtatalon si Kayden sa tuwa at kinuha ang box.

"Kayden, dahan-dahan lang sa pagkain baka mabilaukan ka." Pinunasan ko ang labi nito ng may powdered sugar. Napapangiti ako sa hitsura ng anak ko. Ang dumi ng mukha niya pero sobrang cute niya pa rin.

"Ma," tawag ko sa mahinang boses. Tinabihan ko siya at hinawakan ko ang kamay nito. Tumingin ito sa akin.

"Anak, patawarin mo ako... kung naging duwag akong harapin ang lahat. Hindi dapat ganito ang naging buhay mo. Hanggang ngayon galit pa din sa iyo ang Papa mo, nang dahil sa akin," naluluhang sabi ni Mama. Pinisil ko ang kamay niya at hinaplos 'yun.

"Ma, hindi po ako nagsisisi sa mga naging decision ko. Alam kong mahirap ang naging buhay ko sa pagpapalaki kay Kayden pero masaya ako. Ginawa ko lamang ang tama. Darating din ang araw na mapapatawad din ako ni Papa." Yinakap ko si Mama at isinandal ang ulo niya sa balikat ko.

It's been 5 years noong pinalayas at itinakwil ako ni Papa pero kahit na ganoon hindi ko pinagsisihan na binuhay ko si Kayden. He's an angel sent from above that lightened my world. Kahit mahirap ang pinagdaanan ko, kinaya ko lahat 'yon para sa anak ko.

"Kumusta na po si Papa?" Kahit hindi naman kami close ni Papa, mahal ko siya. Kahit balik-baliktarin ko man ang mundo, tatay ko pa rin siya.

"Mabuti naman siya... puro trabah sa bukid ang ginagawa niya. Kapag umaalis ako hindi naman siya nagtatanong masyado, maliban na lang sa..." napatigil si Mama sa sasabihin nito. Alam kong pagdating sa akin ay mahigpit si Papa. Hindi niya papayagan na pumunta si Mama dito sa akin.

"Naiintindihan ko naman, Ma. 'Wag po kayong mag-alala, hindi naman po ako galit kay Papa." Ngumiti ako para hindi na siya mag-alala sa akin.

"Anak tumitiyempo lang ako, sasabihin ko na ang totoo... A-Ayokong ganito tayo. Ilang taon na ba si Kayden. Ganoon na rin katagal ang galit ng Papa mo sa iyo na hindi naman dapat," dere-deretsong sabi nito habang bumabagsak ang kaniyang mga luha.

"Ma, ayos lang po ako. Hindi pa 'to ang tamang panahon para kausapin ko si Papa. Darating din tayo d'yan. Sa ngayon kailangan nating sulitin ang pag-stay mo dito. Namiss kita, Ma." Pinusan ko ang luha niya at yinakap siya ng mahigpit.

Mahal na mahal kita, Ma. Gagawin ko lahat para lang maging maayos sila ni Papa... kahit hindi na lang ako.

𝚉𝚊𝚌𝚑𝚊𝚛𝚢 𝙲𝚊𝚜𝚝𝚎𝚕𝚕𝚊𝚗𝚘𝚜

I'm on my way to my office nang makasabay ko ang Secretary ko. She was too preoccupied kaya hindi niya ako napansing nakasunod sa kanya.

I admit humanga ako sa ganda niya. Walking behind her gives me a great view of her back physique. She has a proportionate body and slim waist despite having a kid. She's not that tall and not that short either. Siguro nasa 5'0" feet ang height niya. She has a pointed nose and what I like the most is her pair of eyes na kapag tumitingin siya sa akin ay para niya akong inaakit. I like her lips too.

I hired her as my Secretary not because of her credential or whatsoever. I'll be honest with you, I hired her because she's pretty and she's kinda my type pero hanggang doon lamang iyon. Hindi lumalagpas sa paghanga ang dapat kong maramdaman sa mga babae dahil pareparehas silang manloloko. Nagbabalatkayo lang sila at ginagamit lang nila ang kanilang ganda.

I hissed at those thoughts. Nagulat si Cassie at napalingon sa gawi ko.

"Good morning, Sir Zachary!" she greeted me with a glee but there was a hint of nervousness.

Umakto akong hindi ko siya nakita at nilagpasan ko lamang ito.

𝙲𝚊𝚜𝚜𝚒𝚎 𝙹𝚎𝚊𝚗 𝙰𝚕𝚟𝚊𝚛𝚎𝚣

Ang suplado naman ng Zachary na 'to! May problema ba siya or what?! Para bang every time na makikita niya ako ay naiirita.

Pumasok siya sa elevator na eksklusibo lamang para sa kanya. Tinungo ko naman  ang ddaa papuntang elevator na para sa mga empleyado.

Naging busy ang araw ko ngayon. Dahil may ila-launch na bagong design ang Luxe Threads. Naghahanap din sila ng mga companies and agencies para bidding. Kailangan din kasi ng mga model para sa bagong product.

Halos hindi na ako magkamayaw sa kakaparoo't parito. Sasabayan pa ng pagsusungit sa akin ni Sir Zachary na siyang nakasanayan ko na.

Umupo ako sa swivel chair ko dahil masakit na ang paa ko kakalakad kanina pabalik-balik sa office ng boss ko. Napatingin ako sa bagong dating.

"Good afternoon Sir!" bati ko sa kaniya. He resembles Sir Zachary. "Ano pong sadya nila?"

"I need to talk to Zach. We have some important matters to discuss."

"I see. May I have your name Sir? Hindi kasi basta-basta tumatanggap si Sir Zachary ng bisita kapag walang appointment," polite na pagkakasabi ko ngunit sa kabila non ay nalukot ang mukha niya. Mukhang nairita siya sa sinabi ko.

"What? Why do you need to know who I am? And mind you, I don't need an appointment—" Naputol ang sasabihin niya nang dumating si Sir Zachary. Mabuti na lamang ay dumating siya kundi na-stress na ako sa taong 'to.

"What brings you here, Dylan?"

"I'm here to visit your Secretary," sarkastikong sabi niya at matunog na ngumisi.

"What the hell?!" Nanlaki sa galit ang mga mata ni boss at bahagyang tumabingi ang ulo niya.

What was that?

"Get your ass off of my Secretary's office now!" singhal ni Sir Zachary sa kan'ya.

"Seloso." Hindi nakatakas sa tainga ko ang sinabi ni Dylan. Umiling siya at binigyan ng nakakalokong ngiti si boss. Hindi ko alam kung anong relasyon nilang dalawa— magkaibigan? Magpinsan? Hindi ko alam ngunit masasabi kong close sila.

"Cassie, buy some coffee and bring some cake too for this dumb sh-t." utos niya at tinalikuran nila akong dalawa.

-𝙸𝙽𝙹𝙸𝙻-

LIES BETWEEN THE LINESWhere stories live. Discover now