𝙲𝚊𝚜𝚜𝚒𝚎 𝙹𝚎𝚊𝚗 𝙰𝚕𝚟𝚊𝚛𝚎𝚣
Nakatayo ako habang hinihintay ko si boss na lumabas mula sa conference room. Ayaw niya akong papasukin. Hintayin ko na lamang daw siya rito sa labas. Hindi ko alam kung bakit.
May naka-assigned na tasks sa akin na kailangan kong gawin during the meeting at dahil hindi niya ako pinapasok, I think kasalanan niya kung bakit hindi ko nagawa ang trabaho ko.
Napatuwid ako ng tayo nang nagsilabasan na ang mga ka-meeting ni Sir. Literal na nanlaki ang mga mata ko dahil puro sikat na model itong ka-meeting ni boss. Lahat sila may lahi at ang ga-gwapo nilang lahat! Ang gaganda ng katawan nila, halatang may mga tinatagong abs! Sherep naman nila. S
Hala! Dumako ang tingin nila sa akin. Para naman akong na estatwa sa kinatatayuan ko ng lumapit sila isa-isa sa akin. Oh my goodness! Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Aalis ba ako or ano?
"Hi pretty, I'm Gian," nakangiting pakilala niya at kininindatan pa ako. Gusto ko sana kiligin kaso nahihiya akong gawin 'yon lalo na't ang daming matang nakatingin sa gawi ko. Napipilitan akong ngumiti.
"Hey, darling... I'm Chris," sabi naman ng isa. Bigla niyang kinuha ang kamay ko at hinalikan. Sabay tingin sa akin kaya napatawa ako.
Biglang sulpot din ng isang gwapong may mas malaking katawan kaysa kay Chris. Napatingala ako sa katangkaran nila. Grabe!
"By the way I'm Rance. What is your name young lady?" tanong niya.
Napangiti ako ng alanganin. Young lady yarn? Feeling ko namumula na ang mga pisngi ko. Grabe, ang lalandi lang nila!
"I'm Cassie," nahihiyang pagpapakilala ko. Nararamdaman kong nag-iinit na ang pisngi ko sa hiya dahil sa ginagawa nila.
"Oh, what a nice name!" Nabigla ako dahil bigla niya ako hinalikan sa pisngi. Ano ba ang mga lalaking ito?! Nanlalaki ang mga mata kong napaurong bigla.
Nakita ko si boss Zachary na papalapit sa gawi namin. Galit ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Ano naman kaya ang nagawa ko? Sabi niya hintayin ko siya dito. Ginawa ko naman.
"Cassie, you may leave now! I told you to wait here but what is this? You're just flirting with them! With these men!" pagsinghal niya.
"Hey dude. Calm down. She's not flirting with us. Gusto lang namin siyang makilala," nakangiting paglilinaw ni Gian.
Ako? Gusto makipagkilala? Excuse lang ha, hindi ako ang lumapit sa inyo!
"Shut f-ck up!" sigaw nito sa lalaki.
"You!" Dinuro niya ako gamit ang index finger niya habang nakapamaywang siya. "Get out now!"
Nasaktan ako sa pangbibintang niyang "flirt" ako. Wala naman akong ginawang kalandian. Sila nga iyong kung makalandi ay wagas. Hindi naman sa nagpapalandi ako, ang akin lang ay masyadong rude kung itataboy ko ang mga bisita niya.
Nagmamadali akong umalis dahil napahiya ako sa ginawa niya. May mga empleyado pa kasi na naroon at nanonood sa commotion. Kung tingnan nila ako nakakapanliit at panigurado akong pag-uusapan nila ako. Napaluha ako ng tahimik habang papalabas ng building.
I hate you, Zachary Castellanos!
PAGKAPASOK ko pa lang ng lobby ng building ay nakarinig na ako ng bulong-bulungan pero sapat ang lakas no'n para marinig ko.
"Alam mo iyong girl na sinabihan ni Sir Zachary ng "flirt" kahapon? Naku, nilandi ba naman lahat ng models!"
"Oh talaga? Grabe siya 'no? Hindi ba Personal Assistant ni Sir Zachary 'yan?"
YOU ARE READING
LIES BETWEEN THE LINES
عاطفية⚠ 𝚁𝚊𝚝𝚎𝚍 𝟷𝟾 | 𝚃𝚑𝚒𝚜 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚢 𝚌𝚘𝚗𝚝𝚊𝚒𝚗𝚜 𝚖𝚊𝚝𝚞𝚛𝚎 𝚕𝚊𝚗𝚐𝚞𝚊𝚐𝚎, 𝚜𝚎𝚡𝚞𝚊𝚕𝚒𝚝𝚢 𝚊𝚗𝚍 𝚖𝚊𝚝𝚞𝚛𝚎 𝚝𝚑𝚎𝚖𝚎𝚜. 𝚃𝚑𝚒𝚜 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚢 𝚒𝚜 𝚗𝚘𝚝 𝚜𝚞𝚒𝚝𝚊𝚋𝚕𝚎 𝚏𝚘𝚛 𝚢𝚘𝚞𝚗𝚐 𝚛𝚎𝚊𝚍𝚎𝚛𝚜.