SALVATION XI

0 0 0
                                    

SALVATION XI
Siya at siya parin.

“I'm sorry, sa naging reaction ko last week mrs. Salvadore. Pagod at stress lang ako that time” i apologize to Heneral mother.

She touched my hand. “I understand you iha.  wala din akong nagawa para sa anak ko. Si papä at Charleston lagi ang nasusuunod sa pamilya. Kaya ako ang humihingi ng tawad sainyong dalawa” naka yukong sabi nito.

“Gusto kong makausap ang heneral mrs. Salvadore” sabi ko at bahagyang hinimas ang likod nito to connect that it's ok.

Their house is huge, and more Spanish themed dahil sa pagiging dugong espanyol ng kanilang pamilya.

Huminto ako sa tapat ng malaking pintuan. Maganda ang pagkaka sculpt at detalyado. Nakaukit duon ang The Seven pride dragon.
Pinaniniwalaan itong pampa swerte sa negosyo.

Kumatok ako bago buksan ang malaking pintuan. Nakita ko itong seryosong nagbabasa sa kanyang lamesa na nakaharap sa pintuan
Kaya't bumungad talaga ako sakanya.

Tumaas ang tingin nito at nahuli ko ang bahagyang pag taas ng makapal nitong kilay.
“Anong kailangan mo Nataliya?” ramdam ko ang pag tayo ng balahibo ko dahil sa matigas at malalim na seryoso nitong boses.

Tinaasan ko nalamang ang aking kilay upang makontrol ko ang kaba na aking nararamdaman. “Malas sa negosyo ang nakatapat na working place sa pintuan Heneral Raphael”may tono kong sabi upang matago ang reaction ko.

“Ano ba talaga ang tunay mong kailangan?”parang naiirita na siya kaya naman inikutan ko siyang ng mata.

Prente akong umupo sa harapan niya. “Pwede ba heneral magiging mag asawa na tayo kaya wag kana maging salbahe sakin!” sabi ko dahil ayoko sa lahat ng minamalditahan ako nang kung sino.

Tumaas ulit ang makapal nitong kilay at ibinaba ang papel na hawak niya badya na seryoso siyang nakikipag usap. “Tama... Magiging asawa na kita. At ayoko ng isip batang asawa kaya umakto ka sa naayon nataliya” mariing sabi nito.

Pagak akong natawa. “Isip bata? Ha! as if namang mag papasakal ak... Mag papakasal ako sa tulad mo! for your information your not my type”nilubos ko na ang pag mamaldita ko dahil sisiguraduhin kong hindi matutuloy ang kasal.

“Anong ibig mong sabihin na hindi mo ako taype nataliya!” napasamid ako dahil sa pag bigkas niya ng 'type. Oo nga pala isa siyang heneral na maagang nag silbi sa bayan kaya't wala siyang alam sa mga melenyals words at sa kung ano ang napapanahon.

Naikumpas ko ang kamay ko.“W... wala iyon wag mo nang isipin. Gusto ko lang namang pag usapan ang kasal. Pag natapos na ang dilemma sa kumpanya namin mag..... Hihiwalay din tayo diba?” mapanigurado kong tanong.

Sumeryoso ulit ang muka niya.“Ofcourse... pero ayokong ikasal ng may hangganan kaya't pag isipan mo nataliya”malaman na sabi niya.

Nakalabas na ako sa kwarto ng heneral at paalis na sana ng makasalubong ko ang taong siyang iniiwasan ko. “Hindi mo gustong makasal sa heneral tama ba?”tanong nito hindi naka takas sa aking mata ang pag hagod ng tingin niya sa katawan ko.

“I have to go mayor Eduardo” tipid kong sabi at akmang lalagpasan na ng mag salita siya. “Tutulungan kita nataliya. But in one condition tumira ka kasama ako sa malayong lugar and I'll give you everything you want. Be my wife” nagtaas baba ang balikat ko dahil sa pinipigil na galit. Ang baba ng tingin niya saakin base sa pananalita niya.

Hindi ko kaya ang kaharasan niya, but i still need to control myself he's a mayor at pwedeng may gawin siyang masama saakin nang wala sa oras. “Bye..”matigas kong sabi at walang pag aalinlangan umalis.

“Saan ka galing taliya?” tanong ni tito felipe. Naabutan niya ako sa gate ng villa. Nakasakay ito sa Off-road motorcycle vehicle at may mga pitas na red rose's flowers na naka lagay sa basket.

“Nag punta ako tito felipe sa tanggapan ng heneral, kinausap ko lang ang heneral ”sagot ko.

“Kung ganon sumabay kana saakin.. duon kana rin mag dinner sa House lotus anniversary namin ni tita zonya mo”naka ngiti nitong sabi.

Napangiti ako ang sweet niya. “Alas kuwatro palang naman.. mauna na kayo tito felipe mag lalakad lakad muna ako sa farm” sabi ko.

Agad naman siyang sumang ayon.“Sige, pero dapat danduon kana before mag dinner ” ngumiti ako bilang sagot.

Naglakad ako sa sementadong daan ng villa. Sobrang lawak ng lupa nila. May maliliit na kubo sa tanaw ng mga pananim at batid kong duon nanunuluyan ang mga hadenero ng villa.

Huminto ako sa interseksyon ng ibat ibang uri ng mga rosas. It's Tudor dynasty rose's.
Numerous hybrids and cultivars have been developed and widely grown as ornamentals.
Pinagmasdan ko silang lahat.

A warm crimson, a prickly bush or shrub that typically bears red, pink , yellow and white fragrant flowers native to north temperature.

Nanatili kong inaral ang mga bulaklak sa gitna ng papalibog na araw. “ahhh!!” napaimpit akong sigaw ng may biglang humawak sa balikat ko.

“Huli ka!”Humarap ako at nakita ko ang naka ngising lalake na tila tuwang tuwa sakanyang ginawa.  “The heck enzo...”

“Kuya enzo!! ” pag putol niya sa sasabihin ko at kalaunan ay lumabas ang malalim nitong dimple dahil sa pag ngiti.

“Anong ginagawa mo dito palubog na yung araw oh..tapos malayo pa ang vacation house dito”sabi niya kaya't tinaasan ko siya ng kilay.

Ngunit umurong ang pagmamaldita ko dahil halos manghina ang tuhod ko ng makita ko nanaman ang pagdidilate ng kanyang mata habang malalim na nakatitig saakin. Para siyang inosenteng tuta dahil sa ginagawa niya.

“G...gusto ko lang naman tignan yung mga rosas eh. Iniisip ko din kung paano nila naalagaan ang mga tanim nila....Gusto ko din”makahulugan kong sabi.

Bumaba ang tingin ko sa mapula niyang labi.
“Parang buhay ng tao lang naman ang pagtatanim.... Kailangan maarawan,madiligan, fertilizer bilang pag kain at dapat sapat ang pag aalaga” sabi niya habang nakatingin sa malayo. Kaya't malaya kong napagmasdan ang maganda siyang muka.

He's a man with a goddess beauty.

Dug... dug... dugdug... dug...

Sa loob ng fifteen years, akala ko hindi na titibok pa ang puso ko para sa isang tao. At ang akala ko.... Sa Pangalawang pag tibok nito ay sa ibang tao ko na ulit mararamdaman.

Pero parang pinaparusahan ng langit ang puso ko dahil mali ako...sakanya parin talaga. 
Siya at siya parin.

NATALIYA SALVATION (Forbidden love series #1)Where stories live. Discover now