SALVATION V

1 0 0
                                    

SALVATION V
Red shoes

'mama bili ko ako ng balon'

'gusto mo non?'

'opo mama'

'bakit kay mama ka nag papabili eh pwede naman kay daddy'

Nakatulalang pinag masdan ni Nataliya ang mga tao kasama ang kanilang pamilya habang masayang nag bobonding sa park.

Nakasuot ito ng jacket, face mask at Blond hair wig upang matakpan ang kayumanggi nitong buhok. Biglang pumasok sa isip niya kung anong pakiramdam nang mag karoon ng sariling pamilya.

May nanay.. may tatay.. at talagang masasabi mong pamilya. Kung anong pakiramdam na may uuwian. May mag aalaga saiyo kapag mag kakasakit ka. Makakasama mo sa hirap at ginhawa.

May roon naman itong tinuturing na ina.
Ngunit hindi siya nakaramdam ng kahit katiting na pag mamahal rito.

Simula nang bata siya ay tanging baby sitter lamang ang nag aasikaso sa kaniya pumasok sa iskuwelahan at nag aalaga sa kaniya. minsan ay nakakaranas siya ng pananakit sa mga nag aalaga sa kaniya.

Palihim ang pananakit na naranasan niya at kung minsan ay pinababayaan nalamang siya ng mga ito.

Napahinga siya ng malalim at tumayo para mag lakad lakad.

♪ ♬ ♬
When I close my eyes, you grow so clear
I long for you, who shined
I stayed in your spot for long nights
Let me rest for a moment, let me stay by your side....♬

Napahinto siya sa pag lalakad ng marinig ang kantang iyon.

'It's sounds familiar...'

♪ ♬ ♬
Remember how we laughed until we cried
At the most stupid things like
We were so high
But love was all that we were on, we belong and
though the world would never understand....♬

Lumapit siya sa mga nag kukumpulang tao.
Maraming tao kayat nakipag siksikan siya.
Naninibago siya sa paligid dahil sobrang gulo at animoy masasaya ang mga tao.

Agad siyang napahinto sa gitna at napa angat ng tingin sa malawak na entablado.

♪ ♬ ♬
You grow so clear
I long for you, who shined
I stayed in your spot for long nights
Let me rest for a moment, let me stay by your side...♬

Agad niyang pinikit ang mata at dinama ang malamig na may pagkamalambing nitong boses.

♪ ♬ ♬
With a tired heart, with tears
My song blossomed and once it reaches the sky
Slowly come to me as an eternal dream
As a star, by my side....♬

Naimulat niya ang mata at sa hindi inaasahan ay biglang tumigil ang mundo niya ng makita ang matangkad, at mestizo na lalake na naka tapat sa mic stand at mayroong hawak na gitara.

Dug... dug... dugdug... dug...

♪ ♬ ♬
When I close my eyes, you grow so clear
I long for you, who shined
I stayed in your spot for long nights
Let me rest for a moment, let me stay by your side....♬

Dug... dug... dugdug... dug...

♪ ♬ ♬
When your heart reaches me
The stars that shined on me
Feel like your answer that warmly embraced my heart
So I'm thankful....♬

Dug... dug... dugdug... dug...

Kakaiba ang naramdaman niya at hindi maipaliwanag ang tila kuryenteng dumaloy sa dibdib niya. Ramdam din ang pag baliktad ng sikmura na nag padagdag tibok sa puso sa hindi inaasahang titigan.

Agad niyang hinawakan ang dibdib at mabilis na umalis sa crowded place.

Nang maka recover ay lutang siyang nag lakad lakad at iniisip ang kakaibang naramdaman niya ng makita ang lalake. Parang nakita niya na ito. At sobrang pamilyar ng boses.

'The Song, Voice, face and the motion of love..... Is also familiar'

Napahinto siya sa pag lalakad at ibinaba ang facemask dahil sa nakakailang na kapit sa balat. Lumapit siya sa may Karatula na may nakasulat na 'Love make in poison'

Curiosity ang naramdaman niya kaya't pinagmasdan niya ang may kalakihang Black- violet na thema ng tent.

Pumasok siya at may nakita siyang lamesa at sa ibabaw nito ay mayroong naka patong na mga baraha.

Pinagmasdan niya ulit ang paligid medyo madilim at ang mga nakapalibot na maliliit na ilaw lamang ang nag silbing liwanag sa loob ng tent.

"Anong ipahuhula mo" muntik na siyang mapatalon sa gulat dahil sa biglaang pag salita ng Babae.

Naka suot ito ng Lila na mahabang damit at may tela ring nakapatong sa kaniyang ulo.

ngumiti ito at inilahad ang upuan sa kaniyang harap. "Umupo ka"

Tinanggal niya ng tuluyan ang facemask dahil kampante ito na hindi siya makikilala.
Kinuha ng babae ang card at nag simula itong balasahin.

"Life, Career, Family, Future or love" tanong nito habang hindi pinuputol ang titig sa kaniya.

Lihim siyang napa lunok dahil wala siyang alam tungkol sa mga bagay na kanyang tinanong.
"H..hindi ko maipaliwanag eh.. pero pakiramdam ko may kulang" sa hindi malamang dahilan ay napa vocal siya sa totoong nararamdaman.

"May kulang sa pag-katao ko. Parang may gusto akong mahanap na hindi ko makita" dagdag nito.

"Hmm so about life pakiramdam mo ay may taong wala sayo.. parang may kulang" sabi nito at pagkatapos ay hinawakan niya ang baraha. Matapos niyang balasahin ay inilahad nito ang tatlong pirasong card sa kanyang harap.

"Nakikita kong sobrang lungkot ng buhay mo iha. nabububay ka sa masikip at madilim na Mundo at naka-kulong ka dito."

Binuklat niya ang Pangalawang card."Lalake... Dalawang lalake ang magiging sanhin ng ikawawasak ng puso mo at isa lang sa kanila ang mamumukod tangi"

"Sa Pangatlo. Symbol for shoes... Sapatos ang sagot iha. Mayroong mag babalik saiyo nito at may tyansa na siya ang mag bibigay kasagutan sa mga tanong mo."

Agad siyang napa isip at natahimik ng sandali. Parang naging joke ito sa kanya. Napailing malamang siya at tinatanong ang sarili kung bakit ba siya nag sayang ng oras dito.
Tumayo na siya at akmang mag lalabas ng pera nang pigilan siya nito.

Nag angat ito ng tingin at tumitig sa kanyang mga mata. "Saka mona ako bayaran.. babalik kapa dito at sa pag balik mo duon ko na tatanggapin ang bayad mo" ngumiti ang babae at tumayo narin.

Hindi siya umimik at akmang lalabas nang may hinabol itong sinabi.

"Mag iingat ka. Nataliya"

NATALIYA SALVATION (Forbidden love series #1)Where stories live. Discover now