Kabanata X

8 4 0
                                    


Halos lahat ng tao ang dumalu sa libing ni ate Mirna, maging si Margarette ay andito rin.

"Paano na ang batang yan? Sino mag aalaga sa kaniya?" Dinig kong tanong ng isang babaeng kausap ni Margarette.

"Hindi ko rin alam kung saan pupunta yan. Wala pa namang sinasabi si Kapitan." Sagot ni Margarette.

"Naku, mukhang walang may gustong kopkopin yang baliw na batang iyan, baka naman delikado yan." Sagot naman ng kausap niya.

Nagkatinginan lang kami ni Tina, alam kong narinig niya rin ang pinag uusapan ng dalawa.

"Well, sa tingin ko, ako na muna ang mag aalaga sa bata" nakangising sabi ni Margarette, tama. Mas mabuti kong siya muna mag aalaga, mayaman naman siya at mukhang wala rin siyang kasama sa bahay.

Umalis na ang lahat ng tao, ang naiwan nalang ay kami ni David at Tina. Humarap siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Ate, ayoko po sa kaniya." Sabi niya. Ang tinutukoy niya ba ay si Margarette?

"Tina, mabait naman si Margarette, tanongin pa natin si kuya David mo." Sabi ko at tumingin kay David ng convincing look.

Sumang ayon naman siya.

"Tara na." Sabi ko sa kaniya iniuwi ko na muna si Tina sa bahay.

Maya maya lang ay dumating na si Margarette para kunin si Tina.

"Magpakabait ka huh?" Sabi ko kay Tina, tumango lang siya at naglakad na palabas.

"By the way, bukas na ang event. Maghanda ka" sabi ni Margarette habang pareho naming pinagmamasdan ang naglalakad na si Tina pa pasok sa kotse niya.

"April 30 pa bukas, councilor. Hindi pa flores de mayo" sagot ko sa kaniya, pinaalala ko lang sa kaniya yung date, na sobrang layo pa para sa flores de mayo.

"I know that, at ginagawa namin ang event bago pa man ang nakatakdang araw." Sagot niya.

Kumunot lang ang noo kong naka tingin sa kaniya.

"At malay mo, bukas mo rin malalaman kung nasan ang minamahal mong boyfriend" nakangiting sabi niya at umalis.

Pag pasok ko ay nag simula na akong magsulat, kinuha ko yung phone ko at tiningnan pero wala pa rin talagang signal.

Humiga na muna ako para umidlip saglit.

Pag dilat ko ay nakita ko si Alvin sa pinto, nakasandal lang siya habang nakangiting nakatingin sa akin.

"Alvin" nilapitan ko siya at hinawakan kong totoo ba siya, nahawakan ko siya. Sobrang saya kong makita siyang muli, niyakap ko siya at ganun din siya. I miss him so much.

"Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang bumalik?" Tanong ko sa kaniya, hinila ko siya sa kama at umupo kami dun.

"Babe, kailangan mong mag ingat." Nagtaka naman ako sa sagot niya.

"BAKIT? BAKIT? BAKIT?" Ulit ulit niyang banggit, hindi ko siya maintindihan, nagsimula na akong kabahan sa kinikilos niya, tumayo siya at humarap sa akin, hinawakan niya ang mga braso ko ng mahigpit.

"A-alvin, nasasaktan ako!" Sabi ko at pinipilit kong makawala sa pagkakahawak niya.

"Tingnan mo 'ko Lara! TINGNAN MO!" wala akong magawa kundi ang tingnan siya sa mga mata niya, napunta ako sa isang bundok, nakita kong may butas doon, at may tao. Hindi ko siya makilala.

Nagtago ako sa mga maliliit na halaman. Pinanood ko kung ano ang gagawin niya, at isa isa niyang hinulog doon sa butas ang mga tao.

Narinig ko ang sigaw at pagmamakaawa ng mga tao, pero hindi sila pinakinggan. Pinatay at hinulog sila sa butas.

Hanggang sa ang isang tao ang ihuhulog sa butas. Nagulat ako ng makilala ko kung sino ang taong iyon, si Alvin. Wala itong malay, duguan ang ulo nito.

Napasinghap ako saglit kaya dali dali kong tinakpan ang bibig ko.

Bigla naman dumilat ang mga mata ni Alvin at nakatingin ito sa akin, nakakakilabot ang tingin nito.

Dahan dahan siyang nag lakad palapit, hindi ako makakilos, gusto ko tumakbo. Sinubukan kung igalaw ang katawan ko pero hindi ko magawa, habang papalapit si Alvin ay unti unti ring nagbabago ang katawan niya, hanggang sa mag form itong malinis at maayos na ibang tao. Ang lumalapit na Alvin ay unti unting naging si David habang papalapit sa akin.

"Lara! Lara!" Dinig ko sa boses, nagising naman ako at nakita ko si David sa kwarto ko habang niyugyug ako.

Napasigaw ako ng makita ko siya at hinampas hampas. Umiiyak na rin ako sa takot.

"S-si Alvin? Asan siya?" Tanong ko sa kaniya, at nagpalinga linga sa paligid.

"Walang Alvin dito Lara. Wala, tahan na" pagtahan niya sa akin, yayakapin niya sana ako pero lumayo ako sa kaniya.

"Sorry" sabi niya at umupo sa tabi ko.

"Kung ano man yang gumugulo sa isip mo, pwede mong sabihin sa akin. Lara, you can trust me." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

"S-si Alvin, at ang iba pa."

"May pumatay sa kanila dito, may pumapatay! May butas sa taas ng bundok asto!" Sabi ko sa kaniya, pinilit niyang i process yun.

"Pe-pero walang butas sa bundok asto, alam nating pareho yun. Dahil pumunta na tayo dun." Paliwanag niya.

Hindi ako maaaring magkamali, ang bundok na nakita ko sa panaginip ko ay ang bundok asto.

"Imposible yan, wala pang nababalitang may pinatay o nawawala dito sa baryo namin." Dagdag niya pa.

"Hindi ka naniniwala sa'kin? David, I'm not lying.!" Sabi ko kasabay ng pag taas ng boses.

"Enough Lara! Pinipilit ko, okay? Sinusubukan kong paniwalaan ka, pero hindi ko magawa dahil alam ko ang totoo at hindi sa lugar na 'to." Sagot niya.

"No you don't!" Sagot ko rin sa kaniya. Tanaw ko ang bundok asto mula sa kwarto ko.

"There are ghosts that are haunting me since I came here, and there are voices that keep whispering my name! At halos lahat ng tao dito ay weird.!" Dagdag ko.

"I SAID ENOUGH!" Nagulat ako ng marinig ko ang sigaw niya, tiningnan ko siya at unti unti nang tumutulo ang luha ko sa kaba.

"S-sorry, I'm sorry" sabi niya pero hindi ko na siya sinagot.

"Umalis ka na David!" Mahinang sabi ko. Nag alangan siyang umalis pero wala na siyang nagawa at umalis din.

"I'm really sorry Lara, ang gusto ko lang naman ay maging maayos ang lahat. Good night" sabi niya at tuluyan ng umalis, hindi ako umalis sa pwesto ko at nakatulala pa rin ako sa may bintana, narinig ko ang pag andar ng motor niya at hanggang sa unti unti na itong nawawala.

Agad akong tumayo at nag ligpit ng mga gamit, kailangan ko ng umalis sa lugar na 'to as soon as possible.




















*******************************
Thank you......…………

Echoes From The HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon