"Ano nanaman ba kasing nagawa mo kanina?" Kamila asked.
Mariin akong pumikit at bumuntong hininga. Aba hindi ko rin alam!
Nandito kami ngayon sa gym ng UST para mag training, warm-up muna raw bago ang laban, tulad ng pinagawa ni Dad kala Rhys noong una ko siyang nakita.
"Wala, tinanong ko lang naman kung engineering student ba siya. Ta's sabi ko gano'n din kasi ang lessons nila Rio. Eh, totoo naman." Sagot ko habang lu-lunge exercise. Si Kamila na nasa aking tabi ay nag su-sumo squat.
"Ano? Binanggit mo sakanya si Rio?" Pinanliitan niya ako ng mata.
"Oo, eh 'di ba engineering student din si Rio sa yupi. So, baka magkakilala sila." I answered. Well, baka lang naman pero possible rin kasing magkakilala sila dahil pareho silang taga UP.
"Are you crazy? Hindi porke't engineering student at iskolar ng bayan sila, aba'y magkakilala na sila." She argued and rolled her eyes.
"Malay ko ba, basta, wala namang mali sa nasabi ko." Sabi ko at nagpatuloy pa rin sa aking pag wa-warm up at ibang exercise naman.
"Baka nagseselos dahil ibang lalaki binabanggit mo sa harap niya," Kamila teased, she even smirked.
"Ayan ka nanaman sa ka-deluluhan mo, dinamay mo pa ako." Tumawa siya at umiiling pa.
"Kung ako sa'yo mag first move kana, i-topic ni'yo 'yang problema ni'yo," Aniya.
ˏ.°•*⁀➷
Natapos ang training namin ng 11 pm. Pagod akong dumiretso sa aking locker at kinuha ang gamit ko. Naka tsinelas lang ulit ako. Katatapos ko lang maligo, nakasuot lang ako ngayon ng black sleeveless top at sports short. Sinuot ko na ang aking sunnies at bag para lumabas na.
Naabutan kong nagbibigay si Coach Joey ng pagkain sa aking mga ka-teammates kaya naki-lapit na rin ako sakanila.
"Thankyou coach," Tiningnan ko ang binigay ni coach, it's grilled chicken with sweet potatoes and fresh mango slices. My favorite after training food.
Sa condo ko na siguro 'to kakainin dahil dadaan pa ako sa 7/11 para bumili ng banana milk.
"Aria, uuwi kana agad?" One of my teammates, Chelsea questioned. Nasa gilid silang lahat at nakaupo, siguro dito na sila kakain.
"Yes, why?" at sinuklay ang aking basang buhok. Panigurado mag aaya 'tong sila mag gala.
"Gala!" Shaira said happily. Sabi na eh. Siguro sa bar sila mag-aaya.
"Pass, i’m tired na. Maybe next week, pag hindi na rin ako sobrang busy." I explained. Tumango at ngumiti nalang sila sa aking sagot. Inaaya rin kasi ako ni Kamila na sumama, kaso ayoko talaga nang gumagala ng maraming gagawin...naalala ko kasi ang mga ito habang nasa galaan ako.
Hindi kasi sa lahat ng araw gala ang nasa isip ko, pag talaga student-athlete ka, doon mo talaga malalaman kung gaano ka-importante ang oras. Kaya mas minabubuti ko nalang na mag-aral at mag focused sa training kesa ubusin ang oras sa pag lalakwatsa....pwede naman basta hindi sobrang dalas.
YOU ARE READING
Dig for His Love (Student-Athlete Series #1)
RomanceAmaria Coleen Chiva, a talented libero from UST meets her Father's player, Rhys Nevian Mijarez, a powerful outside hitter-captain from UP.