BxG : ROMCOM
🔞 WARNING!———
"Hi! Pasok po kayo," sabi ng matandang babae na sumalubong sa amin sa kanilang pintuan. Hindi naman siya matanda. Parang nasa 40s na siguro.
"Hello, ma'am. Ngayon na po namin gagawin ang aming naihandang activity. Pero bago po kami magsimula, kailangan po muna namin ilibot ang bahay niyo," sabi ng kasama ko.
Ako, ang dalawa kong kaibigan na lalaki, at ang kasama naming matanda na nakakakita ng multo. Marami rin kaming dala para maging maayos ang proseso mamaya.
"Ah, sige sige. Pwede naman kayong lumibot. Pagpasensyahan niyo lang sana yung anak ko sa taas, medyo.. alam niyo na. Ayaw niya kasi ng istorbo, pero huwag niyo nalang pansinin," sabi ng nanay na nagmamay-ari ng bahay.
"Oh, rinig mo 'yon? Ibig sabihin lang niyan, ikaw na lumibot sa kwarto nung babaeng iyon," bulong ng kaibigan ko na nasa tabi ko.
Ano ba akala nila sa'kin, matapang?
"Lola, ikaw nalang ho kaya maglibot doon. Malay niyo, baka nandoon talaga sa kwarto ng anak niya," pag-kumbinsi ko kay lola.
"Huwag mo nga akong utusan! Dito na ako sa baba! Papaakyatin mo pa ako, ang sakit na nga ng likod ko!" reklamo ni lola.
Sabi ko nga ako na.
Binuhat ko na ulit ang mga dala kong gamit at umakyat na ng hagdan. Hindi ko alam kung bakit, pero pinapawisan na agad ako kahit naka-aircon naman ang bahay nila. May rason talaga kung bakit nagpa-schedule sa amin ang nanay.
"Hello?" tawag ko. Kumatok ako ng ilang beses, ngunit wala pa rin nagbubukas.
Napakamot ako sa ulo.
Naisipan kong kumatok ulit pero mas malakas ngayon. "May tao ba diyan?" tanong ko.
At sa wakas, nagbukas din ang pinto at bumungad ang dalaga na sa tingin ko ay ang anak ng owner. Sobrang ganda nito. Maamo rin ang mukha. Akala ko ba...
Mukhang mabait naman.
"Sino ka?" tanong nito.
Kahit na pinapakita niyang maldita siya ay hindi pa rin halata, dahil sa maamo niyang mukha. "Ahh, kami yung pinatawag ng mama mo. Ako nga pala si Ray. Pwede bang pumasok saglit?" tanong ko sa kaniya.
Her eyes scanned me from head to toe. Pagtapos non ay pinapasok na niya ako sa kaniyang kwarto. Ang lawak. Kahit na mukhang luma na ang bahay ay maganda pa rin ang pag-ayos niya sa kaniyang kwarto. "Ano ba gagawin mo?" tanong ng dalaga.
Humarap ako sa kaniya at nilapag na ang mga gamit ko sa sahig. "May i-sascan lang ako. Pakipatay nalang yung ilaw saglit," mahinhin kong pag-utos sa kaniya.
Sumunod naman ito.
I turned the green light on. Nililibot ko na ang kaniyang kwarto at pati ang sahig ay ini-iscan ko na rin.
Napahinto na lamang ako nang may nakita akong bagay na sa tingin ko ay tugma sa iniisip ko ngayon. Para siyang.. "Yes, it's a butt plug," saad ng dalaga.
I cleared my throat. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at pinagpatuloy na ang paglibot. Nang makarating na ako sa kaniyang kama ay may na-spot pa akong basa.
Basang basa.
"Bakit basa? May natapon ba?" tanong ko sa kaniya. Kahit madilim sa kwarto ay kitang-kita ko pa rin kung paano siya lumapit sa akin.
"Wala. May istorbo lang na nagpabitin sa'kin. Ayaw ko pa naman na iniistorbo ako.." saad ng babae. Lalo akong pinawisan sa sobrang kaba. Unti-unti pa siyang lumapit sa'kin hanggang sa napahiga na 'ko. "A-Ahh, miss.. hindi ko naman ginustong istorbohin ka—"