Mga bandang 4 am ay natapos na rin si Aya sa kanyang trabaho, nauna na syang umuwi kay Mai dahil mamaya pang 6 am ito matatapos marami pa kase itong inaasikaso dahilan para hindi ito maka uwi nang maaga, nagpaalam na rin si Aya kay Mai bago ito umuwi.
Nang makarating na si Aya sa kanilang bahay agad naman syang pumasok sa kanyang kwarto upang makapagpahinga, tulog pa kase ang mga tao dito dahil madaling araw pa lang, natulog muna si Aya dahil may lakad pa sila mamaya kasama ang mga kaibigan neto at sa gabi naman ay dinner nila ni Jeremy.
______
Nagising si Mika dahil sa sunod sunod na katok galing sa labas nang kanyang kwarto, pilit nyang minumulat ang mga mata at tinignan kung anong oras na, napatayo naman sya bigla dahil 10:20 na nang umaga, ramdam nya ang sakit nang ulo nya sa dami nang nainom kagabi, agad naman syang nag tungo sa pinto ng kanyang kwarto at binuksan ito, nagulat sya dahil iniluwa nito ang galit na mukha nang kanyang kuya napatayo naman sya nang tuwid.
“K-kuya” ito lang ang tanging salita na lumabas sa kanyang bibig, ngayon nya lang kase nakitang ganito ka galit ang kanyang kuya
“Wala ka bang plano Mikaelle?” tanong neto sa kanya na may galit sa boses
“I have, I-I’m just-” hindi nya na natuloy ang sasabihin nang pinutol ni Enzo ang kanyang pagsasalita
“I’m just what? lasing na naman? madaling araw na naman nakauwi? ” galit na sabi ni Enzo, hindi na nya mapigilan ang galit neto sa kanyang kapatid dahil hindi na kase ito nag bago palagi nalang umuuwing lasing para bang hindi CEO
“I’m sorry kuya” naka yukong tugon ni Mika, hindi neto matignan sa mata ang kanyang kuya
“Pasalamat ka wala ngayon si dad and mom kung hindi kanina ka pa kinaladkad palabas dyan sa kwarto mo” sabi ni Enzo, na ngayon ay kalma na ang boses
“What do you mean wala si mom and dad?” nagtatakang tanong ni Mika kay Enzo at inangat ang kanyang ulo sabay tingin sa kuya nya
“Umalis sila, pumunta nang Thailand binisita si ate Belle, may aayusin rin daw sila saglit, babalik sila next week” sabi ni Enzo at tinignan si Mika sa mata
Hindi na nag salita si Mika tumango tango nalang ito bilang tugon, muli namang nagsalita si Enzo
“Wala ka bang plano? ayusin mo nga yang sarili mo, tandaan mo Mika daladala mo ang pangalan nang pamilya natin kaya umayos ka kung ayaw mong matanggal sa pwesto” pag papaalala ni Enzo sa kapatid nya
“I know kuya, I can handle this” paninigurado ni Mika, hindi na nagsalita si Enzo at agad na bumaba nang hagdan, pumasok na uli si Mika sa kwarto nya at nag ayos na dahil may trabaho pa ito sa opisina
LIM CORPORATION
Nang makarating na si Mika sa kanilang kompanya agad naman syang pumasok nakasunod naman sakanya ang apat na bodyguard at ang secretary neto, nang makapasok na si Mika agad naman syang binati nang mga empleyado at mga staff