Chapter 7

1.1K 26 2
                                    

AYA

Ngayong araw na nga kami pupunta sa palawan kasama ang aking mga kaibigan at kaibigan ni Mika, sinabihan ko na nga rin si Jeremy na pupunta muna kami nang palawan kasama ang mga kaibigan ko hindi ko na nga sinabing sasama sina Mika dahil alam ko na ang mangyayari kapag sinabi ko. Papunta na nga ako sa airport dahil nandon na sina Mai, Shane, Jhulz at Shanelle, hindi na kase sumabay si Lea dahil kay Dan na daw sya sasabay, ilang oras lang ay nakarating na rin ako sa airport kaya agad akong nag tungo kong saan nag aantay sina Mai sa amin

“Ayan na pala si ate Aya!” sigaw ni Shane nang makita akong papalapit sa kanila, napalingon naman ang tatlo pa naming kaibigan

“Hi ate Aya!” sigaw ni Mai

“Buti naman nandito kana kanina kapa namin hinihintaysabi ni Shanelle at sinalubong ako nang yakap

Asan na sina Lea?” tanong ko sa mga ito

“Papunta na raw sya kasama sina Dan” sabi ni Jhulz

“Tagal naman” sabi ko at umupo na muna sa tabi ni Shanelle,

Ilang minuto nga lang kaming nag hintay at dumating na rin sina Lea kasama ang mga kaibigan ni Dan na sina Mika, Cole at Glen, habang papalapit nga sila ay kumakaway naman si Lea sa amin habang naka hawak sa braso ni Dan nakasunod naman dito si Mika, tinitigan ko nga ito saglit at masasabi ko talaga na malakas talaga ang aura nya at sobrang poganda nya sa sout nya ngayong black pants, gray sweater at may nakasabit na white headphones sa kanyang liig, naka shades naman ito daladala ang kanyang black suitcase, habang ang isa nyang kamay ay nasa bulsa nang kanyang pants at ang isa ay naka hawak sa kanyang suitcase, naka sunod naman sa kanya ang dalawa pa nitong kaibigan

“Hi girls!” sabi ni Dan habang papalapit na sa amin bumitaw naman si Lea sa pagkakahawak sa kanyang braso at tumakbo papalapit sa amin

“May pa hawak pa talaga sa braso? pwede namang mag lakad nang normal” sabi ko at niyakap sya

Jowain mo si Mika para maranasan mo” sabi nya at bumitaw sa yakap namin at niyakap ang iba pa naming kaibigan napalingon naman ako sa sinabi nya

“Tama ka dyan teh” sabi ni Shane habang nakatingin sa akin inirapan ko lang ito

Tigilan nyo na si ate Aya wala pa naman si Jeremy” sabi ni Mai

“Buti nga yung wala eh” sabi naman ni Jhulz binaliwala ko nangalang ang sinasabi nila dahil papalapit sa si Mika sa amin

“Hi” sabi ni Mika na nasa harapan ko na ngayon tinanggal nya naman ang kanyang shades habang ang dalawa nyang kaibigan ay niyakap isa isa ang aking mga kaibigan

“Hi” sabi ko habang nakatingin lang sa kanya

“Kanina pa kayo nag aantay?” tanong nya sa akin

“Oo ang init na nga e ma l-late na tayo sa flight” sabi ko at hindi tumingin sa kanya

“Pasensya na, napagod ka pa tuloy kakaantay” sabi nya at napatingin naman ako sa kanya habang sya ay nakatingin kunyare sa paligid

Nights Furious ( Mikhaiah ) Where stories live. Discover now