3 days later
Naisipan nga nang mga kaibigan ni Aya na mamasyal dahil wala naman silang trabaho ngayon at namiss rin nila ang isa’t isa, huling pag kikita pa kase nila ay no’ng kaarawan pa ni Dan
Na sa mall nga ngayon sina Aya at ang mga kaibigan nya naisipan kase nila na mag shopping na muna
“Ubos na pera ko teh, tama na uwi na tayo” pag rereklamo ni Shane habang ang mga kaibigan ay abala sa pamimili nang mga damit
“Dalawa pa nga lang yang nabili mo ang kuripot mo talaga, minsan lang naman to” sabi ni Aya habang hawak hawak ang isang white dress at natawa nalang ang mga kaibigan dito
“Minsan lang naman tayo lumabas e kaya sultin muna” dagdag pa ni Shanelle
“Dalian nyo nga dyan, nagugutom na ako” sabi ni Jhulz na nakatayo lang sa gilid habang inaantay ang mga kaibigan
“Dami mong reklamo, kumain ka mag isa dun” sabi ni Shanelle at inirapan si Jhulz natawa nalang ang mga kaibigan dito
“Nag aaway na naman kayo, baka kayo talaga para sa isa’t isa” pang aasar ni Lea dito
“Kadiri!” sabi ni Shanelle at naglakad na papunta sa cashier
“Ayain kaya natin sina Cole? namiss ko kase sila e, ang sarap kase nila kausap” sabi ni Mai napatingin naman sila dito lalo na si Aya
“Oo nga ayain natin mamayang sa dinner” pag sang ayon ni Shane
“Suss namiss mo lang si Glen e” pang aasar ni Jhulz sa kanya at inirapan lang ito ni Shane
“Sige sasabihan ko si Dan” sabi ni Lea
Ilang minuto lang ang lumipas ay natapos na rin silang mamili, naisipan nilang tumambay muna sa parke at doon nalang mag palipas nang oras dahil maaga pa naman at mamaya pa naman sila mag ddinner
“Na miss ko talaga to” sabi ni Aya habang naka upo at naka tingin sa paligid
“Baka si Mika?” sabi ni Jhulz napatingin naman silang lahat dito
“Mika? teka nga may nalagpasan ba kaming chapter ate Aya?” takang tanong ni Shanelle habang nakatingin lang ang ibang kaibigan
“Ha? anong pinagsasabi nyo? tsaka anong chapter chapter ang pinagsasabi mo Shanelle, kayo talaga” sabi ni Aya at tinitigan lang ito nang mga kaibigan
“What? bakit ganyan kayo makatingin?” nagtatakang tanong ni Aya
“Sabagay hindi ka naman namin ma sisisi dahil pogi naman talaga si Mika” sabi ni Shane
“Ano bang pinagsasabi nyo?” tanong ni Aya sa mga ito
“Akala mo hindi kita nakita no’ng gabing kayo lang dalawa ni Mika sa likoran nang bahay nina Dan may pa leather jacket pa kayo” sabi ni Jhulz
“A-ah yun wala lang yun hindi kase ako makatulog sa sobrang ingay kaya naisipan kong pumunta sa likoran nang bahay nina Dan hindi ko naman inakalang nandon rin pala sya” pagpapaliwag ni Aya sa mga ito tumango tango lang naman ang mga kaibigan
“Tandaan mong may Jeremy ka, may manliligaw ka ate Aya” pagpapaalala ni Mai sa kanya
“Alam ko, tsaka mali naman yang iniisip nyo” sabi ni Aya