NANG makakain ay nagtungo na kami sa university at doon sa mga bench sa parking lot pum'westo. Kasalukuyang walang tao roon. Agad na iniabot ni antipatiko ang kontrata. Nakanganga ko 'yong natitigan. Nagpalipat-lipat ang tingin ko roon at sa kanya na abala sa pag-inom ng tubig habang nasa akin ang tingin.
"Ito na 'yon?"
Nagkibit siya ng balikat. Ibinaba niya ang hawak na bottled water at saka pinagkrus ang mga braso. "Yeah. Iyan na nga."
"Ako ba'y pinaglololoko mo? Ano ba namang klaseng kontrata 'to. Para ka lang gumawa ng excuse letter dahil absent ka sa school."
"What do you think I know sa pag gagawa ng kontrata? Gusto mo bang tumawag pa ako ng attorney for that?"
"Eh, 'di kayo na may attorney. Yabang mo," inis na bulong ko. "Pero sana man lang nagtanong ka sa akin, 'di ba?"
"I'm the employer and you are the employee, remember?" pagdiriin niya habang itinuturo ang sarili at ako. "Saan ka nakakita ng employer na nagpagawa ng kontrata sa employee niya?"
"Eh, 'di sana sa iba ka nagtanong. Arte mo!"
"Nakita ko lang 'yan sa internet pero hindi ko na pinahaba."
"Tumingin ka na rin lang sa internet, hindi mo pa inayos."
"Ayan na, eh. Okay na 'yan. Isa ka pang maarte, eh."
Matalim ang mga mata na tinitigan ko siya. Umiwas naman ito ng tingin habang hindi rin maipinta ang mukha.
Wala na rin namang magagawa pa kaya naiiling na binasa ko na lang ang kontranta na ginawa niya, "Employer. Elion Lopez. Employee... Gianna." Wala man lang apelyido ko. Sabagay, baka hindi niya alam 'yon, naisip ko. "Job... Cleaning, laundry, ironing, and don't forget to throw away the garbage."
Napatingin ako sa kanya matapos kong mabasa ang huli niyang inilagay. Muntik pa akong matawa roon. Talagang hindi niya nakalimutang ilagay 'yon, ha.
"What?" masungit na aniya nang mapatingin ito sa akin pero inirapan ko lang siya.
"Working hours. Four hours every weekdays and eight hours every weekends," basa ko pa. "Okay lang talaga sa 'yo na ganito lang ang working hours ko tuwing weekdays?" malumanay na tanong ko.
Kahapon kasi ay itinanong niya ang working schedule sa mga dating pinagta-trabahu-han ko. Siguro'y kumuha ng ideya para rito.
"It's okay. Iyon lang ang kaya ng schedule mo, right?"
Tumango ako. Saglit ko pa siyang natitigan kasi pakiramdam ko bigla siyang naging mabait. Pigil ko ang ngiti na tiningnan muli ang kontrata.
"Nakalimutan ko rin ilagay 'yong day-off mo. You can always have your day-off naman."
Tumango lang ulit ako.
"Salary... Six thou-" Nanlalaki ang mga matang natingnan ko siya. "Six thousand? Sigurado ka ba roon?" halos maisigaw ko iyon.
"What? Ano na namang problema?"
"Part timer lang ako. Hindi ako full timer na stay in house helper."
"That was my mom told me kaya iyan ang inilagay ko. Ayaw mo no'n, malaki ang sahod mo."
"Pero-"
"Bilis na. Time is running. Twelve-forty five ang next class ko," aniya na tumingin sa relo niya.
Six thousand? Napakalaki naman yata niyon? Malaki pa rito ang sahod ko sa mga dati kong trabaho, ah.
Dagdagan ko na lang kaya ang trabaho ko para naman hindi sayang ang ipapasahod niya?
BINABASA MO ANG
Unyielding Hearts (Hearts Series #2)
RomanceHindi naging madali ang buhay para sa isang Gianna Lopez na lumaki sa hirap. Mayroon siyang malaking pangarap para sa kanyang sarili at nangakong mabubuhay siya na walang lalaking makakapasok sa kanyang puso. Dahil para sa kanya ay isang napakalakin...