Chapter 8

1 1 0
                                    

"Nakapag file ka na ba ng candidacy mo, Freya?" tanong ni Ma'am Camilla sa akin. 

Ginagawa namin na ngayon ang Ecological Costume nina Stella at Elijah ng tinanong ako ni Ma'am.

"I'm not yet sure about running for any position Ma'am. Gawa po ng new student ako and hindi ko pa po alam paano po yung pagpapatakbo dito." sagot ko sa kaniya habang plinug yung glue gun sa extension. "Hindi ko po alam paano po yung pamamalakad dito sa school lalo na nga po new student ako." dagdag ko pa sa kaniya. 

"Pero you should still try. Malaki chance na manalo ka. Think about it, Freya. Hanggang after the University Week pa naman yung filling ng candidacy so makakapag isip ka pa naman," pagpu-pursue ni Chandria sa akin na sumali. 

Kaming lima lang ang natira dito dahil si Chloe ay nag handle ng practice para sa sayaw sa labas para malaki ang space sina Stella at Elijah naman ay merong practice duon mismo sa may stage. Bali ang kasam ko lamang ay si Ma'am Camilla, Chandria at ang dalawa pa naming kaklase na pinaiwan namin muna dito. 

"Kailan pala kayo mag sta-start para sa ibang need nila Stella at Elijah, Freya?" tanong ni Ma'am Camilla sa akin habang nag sisimula na siyang mag dikit ng mga Feather para sa Head dress.

"After class po check ko po yung kay Elijah since tapos na po yung sa kaniya dahil madali lang naman sa kaniya. Mag-add lang naman po ng details like yung hand painted sa Barong niya and okay na po. Yung kay Stella po dalawang mananahi po kinuha namin para mabilis. Iniisip ko nga din po na bilhin na yung para sa sports wear nila mamaya na din," tumangong nakangiti sa akin si Ma'am habang sinasabi ko iyon. 

"Alam mo you are really fit to become the next student council President. You are very hands on. Actually pwede mo na nga lang ipagawa sa iba to and hindi na ako tumulong pero I saw haw determine you are and hands on kaya tumulong na ako," tumingin ako kay Ma'am at ngumiti sa kaniya at ganun din siya sa akin. 

"Boto kami sayo if tatakbo ka, Freya. You are such a kind and helpful type of person. You are also jolly and easy to go with. Plus points nalang talino mo," asar sa akin ng kaklase namin. 

Halos ilang oras din kami na ganun ang pinag-uusapan and I am still thinking if I should really join student council. 

"Kapagod naman ng practice," napalingon ako sa mga kaklase ko na kakapasok lang ng room namin. 

"Guys change clothes kayo yung mga pawis niyo. May dala ba kayong extra shirt?" tanong ko sa kanila at tumango naman silang lahat sa akin. 

Habang nag-sisipalitan sila ng damit ay tinawagan ko si Kuya na driver ko. Mabilis naman sinasagot ni Kuya ang tawag ko. 

"Hello Ma'am," sagot nito sa akin. 

"Kuya pwede ka po ba dumaan sa pinakamalapit sayo na nag-bebenta ng Pizza?" tanong ko sa kaniya. "Tapos daan ka na din po ng snacks and drinks sa may Seven Eleven malapit dito sa school." dagdag ko pa. 

"Sige po Ma'am. Yung sa Pizza po Ma'am na malapit, Greenwhich, Pizza Hut, Dominos tsaka Yellow Cab po. Alin po dito Ma'am?" tanong niya sa akin. 

"Dominos nalang kuya. Yung Family Size tapos Spinach tapos yung All Cheese," sagot ko tapos sabi na din kung ano yung oorderin niya. "Kuya send ko nalang sa gcash mo yung bayad tapos dalawahin mo each kuya. Dagdagan mo na din kuya pala ng Mojitos."

"Sige po Ma'am. Yung sa snacks po ba tsaka drinks ano po bibilhin ko?" tanong niya naman ulit sa akin.

"Juice, Water, tapos sa snacks siguro yung mga Nachos na available nalang kuya. Thank you po," sagot ko sa kaniya. 

"Sige po Ma'am orderin ko na po," sabi niya sa akin at binaba ko na ang tawag. 

After niya ibaba yung tawag ay nag send na ako ng Ten Thousand sa Gcash niya para mabili na yung mga pinapabili ko. Tinignan ko na ang oras at mag aalas tres na din pala ng hapon so tamang tama lang yung pinabili ko kay Kuya.

Dosage of Placidity (Serenity Series #1) || On-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon