01

18 0 0
                                    

♥⁠╣EPISODE 1╠⁠♥

Reality Show PH started live • Just now
2958 Likes 1895 Comments 951 Shares
See more comments...
Rocel
Hala starting na!!!
Angela
Ang ganda ng place 😭💗
Regine
hindi pa nirereveal yong 8 contestants diba???? pasabog naman to
Jeff
Name reveal na po. Nakahanda na ang phone, laptop, tablet, pc ko para sa pag search ng mga pangalan nila
Ronalyn
HALA AYAN NA MAY PAPARATINGGG
Jessy
akala ko papi na
John
Ganda
Rico
ito ba yong trending ngayon? lol
April
POTANGINA MO JOHN, NANDITO KA PALA NANONOOD HAYOP KA
Arrabel
Hoy ang ganda niya!!! Morena type!🎀
Regine
ano yon? bat may nahuling jowa sa comsec? HSHWHSHWSHAHAHAHA
__________
EVELINA

Pababa na ang araw na nagbibigay ng mainit na ginintuang liwanag sa buong paligid. The sun is also reflected in the water, and the gentle sound of waves lapping against the boat's hull filled the air as the boat where I am now slowly approached the island.

Nakatayo ako sa unahan ng bangka habang ang aking beach dress ay sumasayaw kasabay ng hangin, at ang aking mga mata ay nakatuon sa baybayin sa unahan.

I closed my eyes tightly as my right foot kept tapping.

Tangina. Hindi ko alam anong pumasok sa isip ko at sumali ako rito! Kung hindi ako nagkakamali ay ako ang unang contestant na nandito ngayon sa isla.

Excitement and fear slowly filled my system as I stepped off the boat when it reached the shore.
 
“Shit.” My sandals are sinking slightly into the soft white sand!

Nahirapan man sa paglakad, nagawa kong umalis sa tubig habang hawak hawak ang laylayan ng dress ko. Doon na ako nagkaroon ng tyansa na mas pagmasdan ang buong isla.
 
Para akong nasa isang paraiso na puno ng halaman. Walang kahit anong basura ang nakikita ng mga mata ko sa dalampasigan.
 
Not far away from me, I saw a cozy setup of comfortable sofas arranged in a circle around a central fireplace. where everyone can sit and relax. Kung hindi ako nagkakamali ay doon ang sinasabi ng babae kanina bago ako magpunta dito, kung saan ako dapat umupo habang hinihintay ang iba pa. Inalis ko ang tingin doon at muling ginala ang mga mata.

A small tent can also be seen somewhere. I even saw another fireplace near the sea, where we can just sit in the sand! And scattered around were hammocks, bean bags, and even a small bar stocked with refreshing drinks.

I bit my lower lip, stopping myself from smiling widely. Sino nga ba ang may sabi na ayoko rito? Definitely not me. And for sure, ilang araw lang naman siguro kami magtatagal dito. I researched before coming here! Nagawa ko pang manood ng reality shows from other countries para lang may idea ako sa mga ganito.

Nandito na rin naman ako, e-enjoyin ko na.

Nagsimula na akong mag lakad at umupo sa gitna ng sofa since pa-letrang C ang porma nito.

Dito yata ang gathering area. I pursed my lips, and looked around for the second time. Reality show ‘to kaya malamang may mga cctv sa paligid. Saan naman kaya?

Mas lalong humaba ang nguso ko sa mga naisip. Napaayos lang ako ng upo nang makarinig ng ingay mula sa malayo. Another boat is approaching.

While waiting for the newcomer to come in my direction, I couldn't stop tapping my foot several times, and I didn't know where to place my hands.

Sa magkabilang gilid ko ba? Sa kadungan ko? O pagsiklopin ko nalang ito? Sa huli, hindi ako nakapagdesisyon at nagawa ko nalang tumayo nang makita ko na ito sa harapan.

“Uh, hi.” Napangiwi ako nang magbigay ako ng nakakailang na ngiti.

“Hi.” He offered his hand. Yes, HE!

I shook hands with him. “I'm Evelina.”

He nodded slightly with a smile. “Thane.”

Napaatras ako ng bahagya nang lingunin niya ang inuupuan ko kanina.

“Pwede bang umupo kahit saan?” Tanong niya.

“I think so? Yes?” I chuckled when I noticed the hesitance in my answer.

“Just be comfortable with me," said by him after letting out a low, amused laugh. “Let's sit while waiting for the others.”

Nang pareho na kaming nakaupo, agad akong nagbukas ng panibagong paguusapan para mawala ko ang ilang. Anong magagawa ko? Kailangan kong maging komportable sa lahat para ma-enjoy ko ang ilang araw na pananatili namin dito.

“Bakit ka sumali? Single and ready to commit?" I jested.

He shook his head, a smile playing on his lips. “Napagtripan ng kaibigan.”

I gasped. “Sila nag sali sa'yo?!”

Tumango siya. Parang pumunta nalang siya rito dahil wala siyang choice! What the hell.

Kalaunan, natawa nalang din ako at napailing. “Lakas ng trip. Hanap ka na bagong kaibigan.”

“Nah.” He still has his smile hiding behind his lips. “I treasure them even though they pushed me here.”

“Oh,” Tanging nasabi ko, may nanunuksong ngiti at tingin pa rin sa kaniya bago ako tahimik na tumango tango.

“Ano?" Natatawang tanong niya nang mapansin ang reaksyon ko.

I shrugged and stayed silent. Sa sandaling tumahimik ako, tumigil ang tingin ko sa isang direksyon.

“Look.” Tinawag ko ang atensyon niya at ngumuso sa direksyon na iyon.

“Hindi pa pwede ‘yan, hindi pa tayo mag partner.”

Kumunot ang noo. Anong pinagsasabi niya?!

“Doon!” Turo ko.

He laughed first before looking at the direction I’m pointing. In the distance, partially hidden by the trees, we could see a white mansion.

“Is that where we're going to stay...?”

At the side of my eye, I saw him nod. “Probably. Maganda naman.”

“For some reason, ang creepy.” I winced.

It's like a big place filled with unknown challenges! Sa sobrang laki, nakakatakot dahil maraming posibleng mangyari.

“Scared?”

Walang pagaalinlangan akong umiling. “Just not a fan of big houses.”

He was about to answer me when we were interrupted by another sound of a boat approaching.
 
Another contestant has arrived.

Wala sa sariling tumayo ako para salubungin ang bagong dating. Sumunod naman siya sa ginawa ko kaya kapwa kami ngayon magkatabing nakatayo.

He made a quiet "psst" sound that made me raise my brow at him as a response.

“I hope we'll be partners.” He whispered.

PARTNER QUESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon