05

12 0 0
                                    

♥⁠╣EPISODE 2╠⁠♥

Reality Show PH started live • Just now
597 Likes 399 Comments 123 Shares
View more comments...
Jamey
Bigla nalang nag black out yong live kagabi before nag end huhu gusto ko pa malaman mga nangyari kagabi
Glaze
patapos na countdown!!! lezgoooo, starting naaa
Sam
Ang impossible pa rin talaga na may magkapatid sa show
Rain
sinearch namin ng mga kaibigan ko names nila kagabi and they're rich rich rich. may mga kaya sa buhay. baka nga show lang yong form tapos may contestants na talaga una palang?
Renz
Baka may mga backer? Hindi naman nawawala yon diba? HAHWHAHWHAHA
Divino
H'wag niyong kalimutan na last year lang itong page. Ngayon lang naging popular after makuha ang atensyon ng mga tao a month ago. Of course kukuha sila ng participants na mas magpapa-success pa ng show. May backer man o wala, ang point is the popularity.
Ellen
go guyz hshwhshwhahwhaha basa lang aq here
Wilzon
Kukuha talaga yan sila ng may mga mukha hindi yong mga panget✌️
Ann
???
Rain
the thing is, hindi namin mahanap accounts ni Magnus. as in wala
San San
IT'S STARTING NA GUYS!
Nolyn
Wow. Parang ang sarap gumising sa umaga pag nasa isla ka no???
__________
ARIA

Ang lamig!!

Agad kaming lahat na nagising nang may malakas na musika ang bumalot sa buong mansiyon.

Si Zara ay nakita ko agad na nag ayos ng sarili. Si Marina naman ay agad na nag ayos ng higaan kasama si Evelina. Napanguso ako bago itinuon ang atensyon sa higaan ko. Magkatabi si Marina at Evelina sa higaan, while I shared my space with Zara, who barely spoke to me. Pero okay lang! Sa aming apat, ako rin ang pinakabata.

Matapos mag ayos ng higaan at ng mga sarili namin, lumabas na kami ng mansiyon. The sun welcomed us when we got out. Sinayaw din ng hangin ang buhok ko. Nang makita ang mga lalaking kasama na nauna na pala sa aming lumabas, ngumiti ako at pilit na kumaway habang pinipigilan ang buhok ko sa pag lipad.

Nasa iba ibang pwesto na sila ngayon.

Zara's with Ezrail. Malayo sa akin dahil nakatayo ang mga ito sa dalampasigan at nakaharap sa dagat. Nag aaway na naman siguro. Maingay siguro ang bahay nila ‘no?
 
When I looked at the open mini-kitchen, I found Evelina there. Kinukulit na ito ni Thane na hindi yata mabubuo ang araw na hindi kinukulit si Evelina. Kasama nila si Marina roon. Para tuloy silang mga bata sa kusina at si Marina ang nanay nila. Napabungisngis ako sa naisip.
 
Naagaw naman ni Magnus ang atensyon ko nang makita kong kinakausap nito si Leif. Para bang may tinuturo na kung ano.

I decided to go in their direction and sit in the chair near them.

“Morning! Anong chika?”

Ngumiwi si Leif nang yakapin ng braso ni Magnus ang leeg niya dahilan para mas mapalapit siya kay Magnus.

“I'm teaching Leif how to kiss properly and—”

“Hoy, Magnus! May hawak na sandok si Evelina, baka lumipad 'yon sa'yo pag narinig ka," sabi ni Thane habang papalapit sa direksyon namin. Tinigilan na ang pangungulit kay Evelina.

Magnus grinned more. “Dude, Leif needs to learn. Knowledge ang tawag do’n. Besides, kakailanganin niya rin ‘yong learning na ‘yon.”

Ngumiwi si Thane, hindi sang-ayon. Nakita niya kasi kung paano bumunganga si Evelina kagabi kasi binibigyan ng kung anong learnings ni Magnus after malaman na wala itong sexual experience.

“Tumulong ka nalang sa pag aapoy ng kahoy at pag igib ng tubig.” Bumuntong hininga si Thane, hindi na sinundan ang mga sinasabi nito.

Magnus' lips parted. “There's no gas?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PARTNER QUESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon