"Wala pa ba si Sabrina?"
"Nandito na po ako" kalalabas ko lang galing kwarto
"Anak ang ganda ganda mo!" Parang kumikinang pa ang mata ni mama habang sinasabi ito
Lumapit sakin si Mommy Avielle.
"Manang mana ka talaga sa Mama mo Sabrina" ngumiti ito
"Mommy mana din ako sayo" sabay kapit ko sa braso nya
Nag tawanan naman silang dalawa.
Papunta kami ngayon sa place ni Tito Lucio at sya na din ang susundo samin, 30th birthday nya ngayon. Magtatampo talaga yon kapag hindi kami nag punta lalo na't dinaig pa nito ang babae sa sobrang lambot, yes pusong babae po sya.
Nag ayos lang ako ng light make up at nag suot ng simpleng pink dress na hanggang tuhod ko. Binili pa ito ni mommy kaninang umaga para daw maganda akong haharap sa kapatid nya gusto nila na laging presentable ang postura ko.
Hindi naman daw bongga ang ganap simple lang din ang pamumuhay ni Tito Lucio sadyang gusto lang ako bihisan nila mama ng maganda. Ewan ko ba okay naman ako na simpleng suot lang.
Tiningnan ko sila na parehas naka jeans at Naka tuck in and rubber shoes. Partner nga talaga sila.
Naka rinig naman kami ng busina na nagmumula sa labas.
"Sa tingin ko si Lucio na yon" -Mommy Avielle.
"Tayo na" Sabay kapit ni Mama sa braso ko at ganun din ang ginawa ni Mommy kaya napa gitna ako sa kanilang dalawa.
"OMG nandito na ang pamangkin ko na maganda na wala ibang pinagmanahan kundi sa Tito nya" agad ako nitong niyakap. Kahit pusong babae sya gusto nya lang na tito ang tawag ko sa kanya.
"Syempre naman po. Tito happy birthday!" Bumeso ako sa kanya na madalas namin gawin sa tuwing magkikita kami
"Salamat my niece." Tumingin ito kay mama at mommy
"Happy birthday Lucio!" Yumakap din ito kay Mommy Avielle.
"Thank you sissy!"
"Happy birthday Lucio!"
"Salamat ate Celine"
---
Katatapos lang namin kumain at nag uwian na din ang ibang bisita ni Tito lucio kaya naman kaming tatlo na lang nila Mama at mommy ang natira.
Kasalukuyang nandito kami sa Teres.
"Lucio para sayo to" Inabot ni Mommy ang maliit na box kay Tito lucio.
"Para san to sissy?"
"Birthday gift namin yan sayo mamaya mo na lang buksan"
"Thank you sissy "sabay yakap nito kay Mommy Avielle.
"Hep hep! Akala mo sila mommy lang ang meron syempre ako din"
Tumingin silang tatlo sakin. "For you Tito! Happy birthday ulit."
"Aww ang sweet naman talaga ng pamangkin ko"
"Buksan mo na tito dali" agad nya naman kinuha at binuksan ang regalong bigay ko
Agad na nanlaki ang mata nya at dahan dahan tinaas ang bagay na iyon. Isang Gold necklace na may pendant na crown ang niregalo ko alam kong mahilig sya sa necklace kaya naman ito ang napili kong iregalo sa kanya.
YOU ARE READING
Falling In Love With My Mommy [R18]
RomanceThis is my second story. I hope you'll like it ❤️