KATHRYN'S POV
Naglalakad ako ngayon pauwi na sa bahay namin. Di naman ganon kalayuan ang gate nung village sa bahay kaya naisipan ko na din maglakad. Ang tagal din kase ng sasakyan. Anong oras na. Medyo malapit na ko sa gate ng village.
Tinitingnan ko yung picture namin ni Daniel ng biglang may lumapit sakin.
May tinutok syang kung ano sa tagiliran ko.
Pagtingin ko, kinabahan ako.
Natakot ako...
Dahil merong kutsilyo na nakatutok sakin ngayon.
"Holdap 'to. Wag kang sisigaw o wag mong tatangkain gumalaw ng di ko magugustuhan kung hindi, di ako magdadalawang isip na saksakin ka." pananakot nya sakin
Hindi ko makita yung mukha nya dahil natatakot ako. Di ako makalingon sa kanya. Isa pa naka'hoodie sya. Pero halatang nasa 40+ na sya.
Naiiyak na ko sa sobrang takot at kaba ngayon. Di ko na alam gagawin ko. Hindi ako makasigaw dahil baka kung anong magawa nya.
Bakit ang malas? Wala man lang bang dadaan dito? Bakit ngayon pa?
"ma-manong.. Maawa po kayo. wag po ako.. Wala po akong mabibigay sa inyo." naiiyak na sabi ko.
"Akin na yung pera mo.. Yang cellphone mo."
"Yung cellphone ko po? Ma-manong h-huwag na po yon parang awa nyo na. S-sige po ibibigay ko po yung lahat ng pera ko sa inyo. Wag lang po yung c-cellphone ko. Wag lang po ito. Osige po kahit yung memory card at sim card na lang po yung akin. " naiiyak na sabi ko.
Eh kase naman. Nandito yung picture namin ni Daniel. Yung picture ng asawa ko. Nandito yung first picture namin together!
Tapos biglang kukunin sakin to ni Manong? :(
Ang tagal kong pinangarap yon.
At ng magkatotoo na. Bigla na lang mawawala agad? :(
Hindi sumagot si Manong pero bigla nyang inagaw yung cellphone ko sabay tulak sakin tapos tumakbo sya.
Di naman ako nakatayo agad.
Nabigla pa din ako sa mga pangyayari..
Natatakot pa din ako. Naiiyak.
Nasa isang tabi lang ako..
Nakaupo tapos yung braso at ulo ko nakapatong sa may tuhod ko.
Maya-maya biglang may tumutok na ilaw ng motor sakin.
Pag-angat ko ng ulo at pagtingin ko,
Nakita ko si Enrique.
Yung mata nya puno ng pag-aalala.
Bumaba sya sa motor nya.
"Kath..."
sabay lapit nya sakin. Tinulungan nya kong makatayo.
"Quen..." sabi ko ng naiiyak sabay yakap sa kanya.
"Ssh.. Nandito na ko. Huwag ka ng matakot okay? Nandito lang ako. Tumahan ka na. Tama na. Ano bang nangyari?"
"N-naholdap a-ako. N-naisnatch p-pa y-yung cellphone ko. A-alam m-mo bang may picture na kame ni Daniel? Alam m-mo bang ang tagal kong inantay ang c-chance na yon. Di k-ko pa nga na-uupload tas biglang ganon." sabay iyak ko.
BINABASA MO ANG
My Idol was destined to be my Husband or Not?
FanfictionSi Kathryn Chandria Briones. Ang simpleng babae pero sobrang adik at sobrang nagmamahal sa sobrang sikat na artistang si Daniel John Parkinson. Ano ang kanyang mararamdaman kung sakaling malaman nyang sa school na din nya ito mag-aaral? At bigla na...