KATHRYN'S POV:
"Hi, Babygirl. Good morning. Tara! Sakto gising mo. Katatapos ko lang magluto eh. Papunta na nga sana ko ng room mo eh. Kain na tayo" sabi sakin ni Ate Gretchen sabay nginitian nya ko.
"Ayy. Thank you, Ate. Hm. ano po.." medyo nag-aalinlangan pa ko sa itatanong ko sa kanya. Umikot yung paningin ko sa kabuuan ng kitchen namin.
Nahalata naman agad ako ni Ate Gretchen. Kaya sya na nagtuloy ng dapat na sasabihin ko.
"Hinahanap mo kuya mo? Lumabas saglit. May bibilhin lang."
"Ah, ganon ba? Ah sige po. Tara, Ate. Kain tayo." tapos umupo ba kami sa tapat ng table.
"Ah, Kath. Yung about pala sa kagabi." medyo nag aalinlangan pang sabi ni Ate gretchen sakin.
Kumagat muna ko sa hotdog bago ko napatingin sa kanya. Hinihintay ko yung sasabihin nya.
"Pagpasensyahan mo na sana yung kuya mo. Nag-aalala lang yun sayo, kaya ganon yung naging reaction nya. Natakot lang yon. Kahit naman, alaskador talaga yung kuya robi mo, mahal na mahal ka non." sabi sakin ni Ate Gretchen sabay nginitian ako.
"Alam ko naman po yon. Natakot lang po ako kagabi tapos, yun nga. Nadagdagan pa ng sermon ni Kuya. But, I understand him naman po."
"Pinagsabihan nga namin sya pag-akyat mo kagabi eh. Sinabihan namin na dapat di ka na pinagalitan ng ganon. Kaso, yun nga. Nag-aalala lang daw talaga sya. Natakot daw sya dahil baka kung ano ng nangyari sayo."
Pinunasan ko naman yung luha ko dahil medyo maiiyak na din ako. Hindi talaga ko sana'y sa gantong usapan lalo na kung kuya ko ang topic. Sus! Alaskador yon. Ang hilig mang-asar -.-
"Good morning!!!!!" may sumigaw bigla sa likuran kaya napalingon ako. Nandun si kuya, nakatayo habang may hawak na ketchup! HAHAHA
"Ayy. Di na pala maganda ang umaga! Tss. Nasira ng pagmumukha ng isa dyan. Hahaha." sabay lingon sakin
Inirapan ko naman sya. Ang aga-aga nang-aasar na! Haays. Ano pa bang bago, kath?
"Nye nye! Funny!" sabi ko naman.
"Funny ba kamo? Yang pagmumukha mo, funny! Hahaha. Baka nga kapag sumali ka sa segment ng showtime na Funny one, manalo ka eh. Bakit? Kase, kahit wala ka pang ginagawa o sinasabing jokes, mukha mo pa lang. Joke na eh! HAHAHA---"
"A-aray.. Ouch.. Tama na bheb. M-masakit aba." sabi ni Kuya robi kay ate gretchen. Pano, lumapit yon bigla sa kanya sabay kinurot sya sa tagiliran. Hahaha.
"Ikaw kase, ang aga-aga. Lakas mo mang-asar. Halika na. Kumain na tayo. May pasok pa tayo."
Bumelat naman ako bigla kay Kuya. Hahaha. Buti nga sa kanya.
Nung natapos akong kumain. Ginawa ko na yung daily routine ko, at nang matapos na ko, nagpaalam na ko agad sa kanila. Nauna na ko, pero ilang minuto na lang din naman aalis na yung mga yon.
****
"OMG! Alam nyo ba may new transferee daw mamaya?"
"talaga? emegaahd? lalaki ba? gwapo? Waa."
"ohmygosh. Sana maging classmate natin sya. Kyaah"
BINABASA MO ANG
My Idol was destined to be my Husband or Not?
FanficSi Kathryn Chandria Briones. Ang simpleng babae pero sobrang adik at sobrang nagmamahal sa sobrang sikat na artistang si Daniel John Parkinson. Ano ang kanyang mararamdaman kung sakaling malaman nyang sa school na din nya ito mag-aaral? At bigla na...