Chapter 6

148 13 3
                                    

Imee's Pov:

Ngayon araw ay pupunta kami ng mall dahil nabasa talaga kagabi ang phone namin.

Nag aayos ako sa harapan ng salamin sa may kwarto ng marinig kong may kausap si Rod sa may labas.

Hindi naman ako lumabas muna at nakinig lang sa pinag uusapan nila sa may pintuan habang naka dikit ang tenga ko sa may pinto.

"Yes pre, sa isang araw na lang kami pupunta sa office. Igala ko muna yung bestfriend ko" Rod.

"Okay sige, message me pre if you are going to visit in the office"

Narinig ko naman na parang umalis na ito.

Bigla naman bumukas ang pinto.

"Ay loko !" Gulat ko naman.

Natawa naman si Rod sa akin.

"Chisomosa kasi" natatawa naman nito na sabi.

Inirapan ko lang naman sya at bumalik sa harapan ng salamin.

"Sino yun ?" Tanong ko naman.

"Yung kaibigan ko na nagbili ng company hal, umuwi na din ngayon kala ko bukas pa eh" sagot nya naman sakin at umupo sa may kama habang pinapanuod akong mag ayos.

"Diba ayun naman pinunta natin dito ? Bakit di tayo pupunta dun ngayon ?" Tanong ko naman dito.

"Ipapasyal kita, gusto ko makita mo kung san san ako pumupunta dito nung dito ako tumira" sagot naman nito.

"Need pa ba yun ? Di naman ako interesado kung ano ano pinag gagawa mo dito" sagot ko naman.

"Eh diba nung nandito ako lagi mong gusto yung mga views kung nasan ako. Kaya ipapakita ko sayo ng personal" naka ngiti naman na sagot nito sa akin.

Ayan na naman sya sa mga ganyan na ngiti.

Tumango na lang naman ako dito at tinapos na ang pag aayos.

Pagka labas naman namin ay nakita ko na agad ang sasakyan sa harapan.

"Hindi mo ko pagla lakadin ? Ready pa naman ako" biro ko naman dito.

"Gusto mo ba ? Pede ko i park ulit ito. Maglakad tayo" biro naman nito pabalik.

Inirapan ko naman ito at pinabuksan ang lock ng sasakyan.

Natawa naman ito sa akin at sumakay na din.

"So saan muna ? Kain or bili ng phone ?" Tanong naman nito.

"Ummm .... Kain muna" sagot ko naman.

"Nag isip ka pa talaga, eh lagi mo naman pinipili sa lahat ang kain" pang aasar naman nya.

"Hindi kaya" irap ko naman dito.

"Oo kaya, hal lagi mong pinipili talaga sa lahat ang kain. Hinding hindi mo kaya ipagpalit sa kahit ano" pang aasar naman nito at tumawa.

"Ikaw nga lagi pinipili ko" bulong ko naman habang nakatingin sa window.

Huminto naman ito ng tawa.

"Anong ako ?" Tanong naman nito.

Tumingin naman ako dito ng pataray.

"Wala sabi ko ikaw ang mukhang pagkain" pagtataray ko naman dito.

"Asus, nag mana lang ako sayo" sagot naman nito.

Hindi naman ako sumagot na at tumingin na lang sa daan.

365 days with my Forced HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon