Chapter 12

180 13 10
                                    

Rod's Pov:

Gabi na ng nakauwi kami galing camping namin.

Buti at nakauwi kami agad dahil malakas ngayon ang ulan at hangin na parang may bagyo.

Habang nasa kama kami ay nakita ko naman na busy itong nakikipag chat kung sino man yun.

"Hal di ka ba manunuod ?" Tanong ko naman dito.

"Wala naman daw new episodes sabi ni Tommy" sagot naman nito habang nakatingin parin sa phone nya.

"Si tommy yan ka chat mo ?" Tanong ko naman dito.

Nakita ko naman na tumango ito.

Kinuha ko naman ang cellphone nya at inilagay sa tabi ng phone ko.

Nakatingin sa akin ngayon ito ng masama.

"Bakit mo kinuha ? Nagta tanong pa ko ng pinapanuod ng kapatid nya eh" inis naman nito na sabi.

"Matulog na tayo, bukas maaga tayo kay nanay at tatay diba ?" Sagot ko naman dito.

"It's 9pm pa lang, ayoko pa matulog" reklamo nya at aabutin sana ang phone pero pinigilan ko.

"Hal ano ba ? Akin na yung phone" reklamo ulit nito.

"Ayan may reply na" sabi ulit nito.

Hina harangan ko naman ito dahilan para malakas akong hinampas nito sa may hita.

"Ouchhh" reklamo ko naman dito.

Bumalik ito sa pwesto nya at hindi ako tinignan at hawak na ulit ang phone.

"Hal naman, dati nagkwe kwentuhan tayo pag ganito. Ngayon busy ka na jan" mahina ko naman na sabi dito.

Tinignan naman nya ko ng masama at pinanliitan ng mata at bumalik ulit sa pakikipag chat.

Maya maya pa ay tumayo ito at ini charge ang phone nya sabay humiga na sa kama.

Sinara ko naman na ang libro na binabasa ko at humiga na din.

Nagulat kami ng biglang kumidlat ng malakas sabay kulog din ng malakas na ikinawala ng kuryente.

Bigla ko naman naramdaman na naalis ang unan sa gitna namin at yumakap ito sa akin.

Tinawanan ko naman ito dahil hanggang ngayon ay takot parin sa kidlat at kulog.

"Hal nasa loob tayo ng bahay di ka matatamaan nyan" natatawa ko naman na sabi dito.

"Ehhh patigilin mo" sagot naman nito sa akin.

"Hal hindi ako si bathala para mapatigil yan" sagot ko naman sa kanya.

Bigla ulit kumidlat ng malakas at sinabayan na ito ng malakas na buhos ng ulan.

Kada kidlat at kulog ay syang higpit naman ng yakap nito sa akin.

Natatakot naman na talaga ito kaya hinawakan ko ang dalwang pisngi nito at pinaharap sa akin.

Nang kumidlat ulit ay nakita ko na may luha na pala sa mga mata nya.

Pinunasan ko ang luha nito at hinalikan ito sa noo.

"Hal it's okay" sabi ko naman dito ng nakaharap sa mukha nya.

Ang aninag lang ng mukha nya ang nakikita ko kapag kumikidlat dahil walang kuryente at madilim ang paligid.

Ng kumidlat ulit ng malakas ay nagkatitigan naman kami mata sa mata habang hawak ko parin ang dalwang pisngi nya.

365 days with my Forced HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon