Additional Chapters'

84 8 0
                                    

RECONNECTED ....

Imee's Pov:

Simula ng makita ko si Rody hindi na maalis ito sa isip ko.

Paano ? Paano sya lumabas sa panaginip ko. Is it because he was talking with me while I'm in deep coma ? Or nakita ko na siguro sya before the accident ?

I'm here now at Christopher's thomb. I'm sitting here and somehow miss him too.

He was my fiance, bago ang accident he proposed to me just like what Rodrigo in my dream did before I woke up from Coma.

Some scenarios in my dream, halos lahat yun si Cristopher ang kasama ko at hindi ko yun ginawa with Rodrigo.

Pauwi na ko ng meron akong nakita na lalaking naka upo at naka yuko sya sa may harapan ng museo.

Dadaanan ko lang naman ito ng bigla itong tumingin.

"I-Imee ?" Mahina na tawag nya sa akin.

"R-rod !" Gulat ko naman na tawag.

"Ano ginagawa mo dito ?" Tanong nya naman sa akin.

"I just visited my ex fiance, you ?" Balik kong tanong.

"My mom" maikli nya na sagot.

Tumango lang ako dito at tipid na ngumiti.

Tumayo ito at lumapit sa akin.

"Do you have car ?" Tanong nito.

Umiling naman ako.

"I commute lang kasi takot na din akong mag drive mag isa" sagot ko naman.

"Do you trust me ?" Tanong naman nya.

Nagtaka naman ako kung bakit ayun ang tinanong nito.

"H-ha ???" Taka kong sagot.

"I said do you trust me ?" Ulit naman nya.

"I don't understand. What do you mean ba ?" Tanong ko ulit.

"Drive" maikli nitong sagot.

Ilang segundo pa bago ko ito ma gets kaya nagtawa ito sa akin.

"Let's go, hatid kita" alok naman nito sa akin.

Para naman akong namula dahil lumapit ito sa akin lalo at hinawakan ang shoulder ko.

"Ah ano kasi ... Wag na nakakahiya" sagot ko naman dito.

"I saw Tita Meldy kahapon, sabi nya makipag friend ako sayo kasi magiging neighbor na daw tayo" masaya naman nitong sabi.

"A-anong magiging neighbor ?" Tanong ko naman.

"Lilipat kayo diba ?" Sagot naman nito.

Tumango naman ako.

"Kalapit bahay kayo namin, kaya nalaman ko kasi nakita ko sya sa labas ng bahay eh tapos tinuro nya yung new house nyo, kalapit lang ng amin" sagot naman nito.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiilang. I mean he is the person in my dream and not only just a person but he was my husband in my 365 days of deep sleep.

"Okay ka lang ?" Tanong naman nito sa akin at tinapik ako ng mahina.

"Ha ? Ah o-oo, okay lang" ngiti ko naman na sabi sa kanya.

"Ayaw mo kong neighbor ?" Biro nya sakin.

"Sira ! Wala akong sinabi, nagulat lang ako na neighbor tayo" sagot ko naman.

"Ako natuwa" mahina naman nito na sabi pero narinig ko parin.

"A-ano ?" Paulit ko naman dito.

"Sabi ko halika na, iuuwi na kita" sagot nya naman.

Tumango na lang ako dito.

...

Pagka uwi namin ay nakita naman ito ni mommy kaya pinapasok na ito sa bahay.

They know that Rody is the same Rod that I talked about before. Sinabi ko sa kanila na ito yung Rod na sinasabi ko dahil kamukha na kamukha nya.

Even Rody actually knew dahil ikinuwento ko ito sa kanya na kamukha talaga sya. Tinawanan lang naman nya ko at sinabi na baka daw kasi naririnig ko ang boses nya nung mga panahon na tulog lang ako sa hospital.

"Hi Tita, nakita mo na naman ang favorite nurse mo" biro naman nito kay mommy.

"Ikaw talaga ! Dito ka na kumain" alok naman ni mommy.

Ngumiti naman ito at hindi tumanggi kay mommy.

Para itong close na close sa kanila. Marahil ay dahil sya ang taga bantay ko kapag wala sila mommy sa hospital. Pinag katiwalaan na nila si Rody.

Habang nagha hapunan ay hindi naman ako makatingin sa kanya ng diretcho.

"Anak alam mo ba si Rody lagi kang binibigyan ng tulips" sabi naman ni mommy.

"B-bakit ?" Taka ko naman na tanong.

"My dad told me kasi na i treat ka na you are not in coma. Help din for your fully recovery" sagot naman nito.

"Eh hindi ko naman din yun na appreciate kasi diba tulog nga ako ?" React ko dito.

Tumawa naman ito ng bahagya.

"You just think na hindi ito nakatulong Imee, pero nakatulong iyon dahil your brain and your body can sense it" sagot naman nito.

Tumango na lang ako dahil sila naman ang may alam ng mga ganun at hindi ako.

"Rody tutulong ka daw sa paglilipat ng gamit bukas ?" Singit na sabi naman ni Daddy.

"Ah y-yes po Tito, I promised Tita po eh" sagot naman nito.

Ngumiti naman si Daddy sa kanya at tumango.

"Kuya nagpa palakas ka lang eh" biro naman ni Erin dito.

"Oo nga" agree naman ni Ferd dito.

"Kayo ha ? Hindi ko na kayo bibigyan ng chocolates" biro naman nito sa dalwa.

He's really like Rod. Bakit si Rod ang nakikita ko sa kanya.

Somehow I wish na hindi ako na coma, baka nagka amnesia lang ako at di ko lang sya maalala at nawala lang ang twins namin.

Gusto kong pilitin na sya si Rod na mahal ako ...

"Imee ready na ba mga gamit mo ? Para madali makapag lipat" tanong naman sa akin ni Mommy.

"Yes mommy okay na lahat, bubuhatin na lang" sagot ko naman.

Nakita ko naman na ngumiti sa akin si Rod kaya ningitian ko na lang din ito.

...

Pa gabi naman na ng nagpa alam na ito na uuwi na.

Ako naman na ang naghatid nito sa labas.

"See you tomorrow ulit" nakangiti naman na sabi nito.

Tumango lang naman ako dito at ngumiti.

Nang makaalis ito ay dumiretcho na ako para mahiga.

Habang nakahiga ay iniisip ko parin sya.

Ang layo layo nya kay Christopher, kaya sure ako that it is not Christopher that I'm seeing through him.

He is really Rod. My husband ...

Simula ng makilala ko ito ay hindi na ito naalis sa isip ko. Habang lalo ko itong nakikilala at nakikita kung paano ito kumilos ay lalo ko talagang nakikita na walang pinagka iba ito sa Rodrigo na nakilala ko sa panaginip.

Para akong pinagla laruan ng tadhana ... Para itong inilalapit talaga sa akin.

It's like fate is continuing what I had with him in my dream.

It's like destiny is trying to reconnect us in real life.

365 days with my Forced HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon