-19-

670 16 0
                                    

..

Caile

"Bakit ganiyan ang mukha mo, Caile?" Nakakunot ang noong tanong ni Dad sa akin pagkapasok ko ng office niya rito sa mansiyon.

Bumuntong hininga ako at hinilot ang sintido ko nang makaupo ako sa bangkong nasa harapan ng lamesa ni Dad, hindi parin mawala sa akin ang inis dahil sa pagkabasag ng baso ko.

Ang basong iyon ang huling iniregalo sa akin ni Mommy bago siya mawala, talagang pinapakulo ng imaheng basag na baso ang aking dugo.

"Don't worry about me, Dad." Malamig na saad ko at napansin ko naman ang pag-ayos niya ng upo, ramdam ko rin ang pagtitig niya sa akin.

"Don't let your emotion control you, Caile, you're slowly revealing your true self. Tandaan mong hindi ka makakarating sa kinatatayuan mo kung patuloy mong gagamitin yang pagiging magaspang ng ugali mo, you're impersonating your brother. Then, act like Cole." Mariing saad ni Dad na ikinatingin ko sa kaniya.

Bumuntong hininga ako at umayos ng upo. Noon pa man ay ginagaya ko na kung paano umakto at magsalita si Cole, sa aming dalawa hindi hamak na mas mabait siya kaysa sa akin, siya ang mas pinapaboran noon ng mga tunay kong magulang dahil sa kagandahan ng ugali niya.

At nang mapatay ko siya, roon ko sinimulan ang panggagaya sa kaniya. Inaamin kong may bigat sa dibdib ko nang magawa ko yon dahil pagbalik-baliktarin man ang mundo ay kapatid ko pa rin siya, kambal ko siya. May parte sa pagkatao ko ang kulang at parang hinahanap hanap ko ang kulang na iyon na alam ko namang hindi na mapupunan dahil sa maling nagawa ko noon.

Nadala ako ng emotion ko noon dahil sa mga paratang at pinagsasabi ni Cole noon sa akin pero hindi ko akalain na magagawa ko ang bagay na iyon sa kaniya, masyado akong naging masama patungkol sa nangyari noon.


"My apologies, Dad, hindi na mauulit." Mahinahon kong saad na tinanguan niya at saka siya nagpatuloy sa kung anong ginagawa niya, hindi ko na rin naman balak na alamin pa iyon dahil wala naman akong pakealam.

"Kumusta pala ang company?" Tanong niya makaraan ang ilang sandali kaya agad ko namang kinuha yung bag ko saka inilabas ang folders.


"Here's the monthly report of the company, as you can see wala namang bago sa company dahil mas patuloy lamang tumataas, hindi naman nagkukulang ang mga empleyado natin sa skills and services." Saad ko nang makuha niya ang folder at tumingin tingin dito, nakita ko rin ang pagtaas ng kilay niya at patango tango pa.

Ang lahat ng folder na yan ay tapos na at nagawa ko. Napirmahan ko na rin lahat yan dahil kailangan ko na lang naman magprint niyan dahil bago ipasa ang hard copy sa akin ay soft copy muna nito ang ipinasa dahil kailangan muna i-review ito bago pirmahan and to make sure, nire-review rin ni Samuel ang mga hard copy bago ipasa sa akin.

And, para sa pinapa-trabaho ko kay Daniel ay hindi iyon mahalaga dahil gusto ko lang na may ipagawa sa kaniya dahil sa nangyari na lang sa kotse ko.

Bigla akong nakaramdam ng kaba nang makitang kumunot ang noo ni Dad habang may tinitingnan sa folder, bigla itong tumingin sa akin at bakas dito ang kakaibang tingin.

"Bakit ang baba ng sales ng mga products natin? Ginagawa mo ba ng tama ang trabaho mo rito o baka naman pinapabayaan mo na lang sa iyong mga empleyado? Masyado kang nagiging kampante dahil lang sa magagaling ang mga empleyado mo! Solusyonan mo ang problemang ito, Caile!" Pagalit na sambit ni Dad na hindi ko naman magawang makasagot dahil alam ko na ang kahahantungan ko kapag sumagot ako.

Tumungo na lang ako at kinuha ang folder, "I will do my best, sir." Saad ko at kaagad na tumayo saka bahagyang tumungo sa direksyon niya bago kinuha ang bag at lumabas ng office niya.

Pagkalabas ko ay nagdilim ka agad ang mukha ko at nagngi-ngitngit ang mga ngipin ko. Hindi ko pinapabayaan ang trabaho ko sadyang masiyado lang gahaman ang kalabang kompanya namin!

Mabibigat ang hakbang kong lumabas ng mansiyon at sumakay sa kotse kong nakaparada sa harap ng main door.

"Akin na ang susi!" Sigaw ko agad sa maid pagkalapit ko rito at kaagad na inabot sa akin habang nanginginig pa.

Kilala nila ang ugali ko kapag nakita nilang galit ako. Walang makakaangal sa akin kapag ako ang nagalit, walang sino! Magsisilbing aral sa kanila ang nangyari sa isang katulong na masiyadong kukupad kupad at umaangal sa akin! Namatay lang naman iyon ng hindi man lamang nakakapagreklamo sa kaniyang buhay!

Pagkasakay ko ay pinaharurot ko ang kotse ko palabas ng gate. Wala akong ibang iniisip kundi ang mga planing tumatakbo sa isipan ko. Kailangan ko nang matinding plano para makabawi sa letseng Kills Firm na iyon! Maghanda lang siya dahil hindi ko hahayaan na mataasan niya ang kompaniyang pinapatakbo ko.

Pagkarating ko sa building ay pawang mga isdang nahawan ang mga tao sa dadaanan ko nang isang malaking pating ang parating. Kitang kita nila ang malamig na expression sa mukha ko at wala na silang magagawa kung maibunton ko sa kanila ang galit ko.


"Samuel, ipatawag mo ang mga members ng Marketing Department at kailangan naming mag-usap lahat tungkol sa kanilang monthly report! Masiyadong mababa ang sales nila na sa puntong hindi natuwa si Don Hernando! Kailangan nilang magpaliwanag kung bakit nangyari ito, at kailangan kong bigyan nila ako ng rason para hindi sila tanggalin lahat sa kanilang posisyon! Sabihan mo rin sila na dapat may mga solusyon na sila sa mga posibleng problema na masasabi nila sa akin." Malamig at nanggigigil kong sambit pagkalapit sa akin ni Samuel.

"Iyon lang po ba, boss?" Tanong nito at napatigil ako sa paglalakad saka siya hinarap dahil sa naisip kong plano kanina lamang habang papunta ako rito sa kompaniya.

"Mamaya ay pupunta tayo sa Silver Tulips para pag-usapan ang isang mahalagang plano, kailangan ko ngayon ang service ng mga tauhan ko sa aking natatanging kompanya. Sabihan mo na rin sila na maghanda dahil ayaw na ayaw kong may papalpak na naman sa inyo katulad nang nangyari noon! Alam na alam niyo na ayaw ko sa mga palpak at tanga kaya pagbutihin nila ang kanilang trabaho dahil dalawa lang ang pagpipilian nila, ang umalis sila sa trabaho o ang mamatay sa loob ng trabaho." Madiin kong sambit at pasimpleng tumingin sa paligid kung may nakarinig ba sa sinabi ko at nang makumpirmang wala naman ay kaagad akong pumasok ng elevator.



______<19>______

The Mafia's Psychopathy [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon