Hi. Ako ito, si Azalon Jerome. Isang lalaking inaakala ng lahat na “bakla”. Tipong hindi makalaban sa tao, mabait, at isang SK Chairman.
Pero hindi alam ng lahat na tinatago ko ang pagkatao ko sa mga taong nakapaligid sa akin. Hindi ko namamalayan na sa kada araw ng pagpapanggap ko, ay maraming hindi makakapansin nito. Lalo na si Aila.
Ipinanganak ako sa Cebu. At nakilala ko si Aila noong 5 aong gulang ako.
Naalala ko pa, na sya ang sumagip sa akin noong umuulan. Hinawakan nya ang kamay ko papunta sa isang ligtas na lugar dahil naaabutan ako ng malaka na ulan papauwi sa amin. Swerte nalang, dahil nakita nya ako na nababasa, at may hawak syang payong noong mga sandaling iyon. Kaya naman, pinayungan nya ako papunta sa bahay at sa paraang iyon, natunton ko ang bahay namin.
——————————————————
[IKATLONG PERSONA]Disyembre 12, 2010.
Malakas ang samyo ng hangin sa Cebu. Pilit na nilalabanan ng mga plastik na trapal ang malakas na hangin. Puno ng madilim na kulay ang kalangitan, at nagbabadya itong magbuhos ng tubig na galing sa mga ulap.Maraming tao ang naroon, nasa palengke si Azalon noong mga oras na iyon. Hinahanap ang kanyang Ina. Aksidenteng nabitawan ng kanyang maliliit na daliri ang damit ng nanay nya habang sila ay naglalakad. Patuloy syang umiiyak, at nagmamakaawa sa mga tao na tulungan syang hanapin ang kanyang Ina, pero kahit isa ay walang nagprisinta.
“Nakita nyo po ba si mama..?”
“Tulong po!”
“M-maawa po k-kayo, maawa po k-kayo sa akin..”
“M-mama.. Ma! mama! Mama, nasaan ka.”
Mga mata niya ay pagod nang lumha. Hindi nya na alam ang gagawin nya, hanggang sa napadpad sya sa isang malaking eskinita.
Pagabi na noon, at halos bumayo nang malakas ang hangin. Bukid ang kabilang dako, at ang kabila naman ay isang malaking compound, ito ang dating tinitirahan nina Aila.
Abandonado na ito, at medyo malapit lamang sina Aila noon.
Si Aila, na kaarawan noong mga sandaling iyon ay lumabas habang nakapayong.
Hinihintay nya ang kanyang Itay sa labas noong mga sandaling iyon. Ngunit, alam naman natin, na ang kanyang Itay ay hindi nya makikita dahil nasangkot ito sa isang aksidente na ikinasawi ng mga cruise ship crew sa Vietnam.
“Papa.. Punta ka ba dito?” Tanong ni Aila habang hawak ang laruang cellphone na tila tinatawag ang tatay.
Walang narinig na kahit anong tunog sa telepono si Aila.
Bigla namang lumakas ang ulan, at sa mga sandaling iyon ay naghihintay pa rin si Aila sa eskinita kung saan naroon si Azalon.
Lumakas, at lumakas ang ulan. Nabasa si Aelon. Ngunit, wala syang pakialam.
Nakita sya ni Aila sa dakong malapit sa dating compound. Nakita nya si Azalon na umiiyak, at tila nababalisa.
“H-hai lalaki! Gushtu mu bang makipayung shakin?” Tanong ni Aila
“A-alam mo ba kung nashaan ni mama?” Nagtanong rin pabalik si Azalon.
“Shumama ka shakin!” Saad ni Aila.
Sinuong ni Aila ang ulan kasama si Azalon. Magkahawak ang kanilang mga kamay. Hanggang sa inihatid ni Aila si Azalon sa bahay nila, na medyo malapit lang sa bahay nina Aila.
Isa rin sa dahilan kung bakit hindi nakauwi si Azalon, ay dahil bagong lipat lang sila noong mga panahon na ‘yon. Galing silang Davao City, at dito nanirahan dahil ang Cebu ang kinalakhang probinsya ng kanyang Ama.
“Hanggang Dito na lang ako, Aelon! ingat kah! uwi na‘ko!”
——————————————————
Sya ang unang babaeng nakilala ko dito sa Cebu.
Naniniwala ako sa isang paniniwala na sinabi si akin ni papa kama-kailan lang.
Naniniwala sya, na makikilala mo ang unang babaeng pakakasalanan mo sa isang hindi inaasahang pagkakataon, malinis ang intensyon, at sa isang “genuine era”. At naniniwala akong si Aila ang genuine one.
Kaya naman, labis akong nalungkot noong hindi ko nakita ang pangalan ko sa nakapasa sa entrance exam. Dahil, hindi ko masasamahan si Aila papuntang Maynila.
Hindi ko matutupad ang mga sinabi ko kay Tita.
Tinatago ko ang lahat ng nararamdaman ko, lahat ng ito para sa kanya.
Ayokong malaman nya na gusto ko sya, dahil baka mamaya lumayo sya sa akin.
Ngayon, nag-aalala ako na sa pag-alis nya ay may makilala syang mas better sa akin.
I know that I am not worthy of having her in my life. But, I will do anything she ask me. Because I love her. Forever and always.
Hindi ko hahayaan na mawala sya sa akin. Gagawa ako ng paraan para nakapunta ng Maynila at masundan sya. Akin lang sya.
BINABASA MO ANG
In Love at Manila (ONGOING)
RomanceSi Aila ay umalis ng Cebu upang mag-aral bilang Teacher sa Maynila. Ginawa nya ito upang hanapin ang nawawalang Ama. Ngunit habang sya ay nag-aaral sa Maynila, makikilala nya ang taong tutulong sa kanya upang mahanap ang nawawalang ama niya (ni Aila...